SA28

6.1K 285 42
                                    

Regina's POV

"Gusto lang sana kita makausap." Humakbang pa siya papalapit sakin pero dahil kailangan ko na mag ingat sakanya ay napaatras din ako.

"Hindi kita gustong kausap." Deretso kong sabi.

Huminga muna siya ng malalim na para bang naiiyak na. "Gusto ko lang mag sorry, really. Like I would like to apologize for everything that I did to you. I know na hindi yun matatakpan ng mga ginawa ko sayo sa isang sorry lang, especially when we were still together and I know, I was selfish and jerk kasi after that ay naging makapal parin ang mukha ko sayo."

"I wouldn't say that it was a mistake because it was my choice, to begin with. I realized a lot of things, Regina. Kaya gusto kong mag sorry sayo kahit hindi mo hinihingi." He continued, he sounded so sincere.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko agad kaya nanatili kaming nanahimik na dalawa ng ilang segundo. Napansin niya rin siguro na uncomfortable ako sakanya kaya bahagya itong napaatras papalayo sakin na ikinataka ko.

Napatingin naman ako sa mata mga niya, ramdam kong nag sasabi siya ng totoo. After all kahit wala na kami ay kilala ko parin siya. If there was a part of him being true then ito yun, itong lalake na minahal ko noon - he's finally here in front of me.

"I can forgive you, Warren. But I won't make a  promise na makakalimutan ko ang ginawa mo." Sabi ko at tumango siya.

"I understand, Regina. Hindi naman ako nandito para marinig sayo na kalimutan mo ang ginawa ko. Those stupid choices that I made by hurting the people that tried to care and love me, dadalhin ko yun hangang kabaong. Hindi ko yun kakalimutan, pero gagawin ko yung way para mag bago even if karma would hit me a lot." He said.

"Sana totoo yang sinasabi mo." I chuckled to ease the awkwardness between us.

"I will do that, I won't try but I will." He smiled genuinely. "Mauuna na ako ha? Nandito lang talaga ako para hintayin ka, kaso kausap mo pa si Ma'am kanina kaya hindi na muna ako lumapit kasi mukang seryoso kayo. Anyway, I have to talk to my other ex flings para mag sorry rin."

"Mukang papasok ka bukas na pamula ang mukha." Pangaasar ko.

"Then I guess I must bring a whole bucket of ice with me." He laughed and waved a little. "See you when I see you around, Regina, and uh, please guard your heart because I failed to protect it."

And then he left, para akong nabunutan ng tinik pagkatapos niyang umalis. Tila nahimasmasan ako bigla at nabawasan ng bigat ang nararamdaman ko. I guess after all meron pa palang okay sa araw na to.

Bumalik ako sa cafeteria since alam kong naiwan ko rin ang mga gamit ko dun, pagkapasok ko ay nakita ko naman ang mga nangaasar na mukha ng mga tropa ko. Mukang wala narin ang mga professors at may klase na.

"Di mo kasama bebe mo?" Tanong ni Lucas na may pilya na ngiti.

"Hindi ko siya bebe at kasama niya ngayon yung kanya." Nawala ang ngiti sa labi niya.

"Sorry." He suddenly apologized. "Gusto mo ba uminom nalang tayo? Tara libre ko kayo, sama narin kayo, Shaun!"

"Kayo nalang, wala kong ganang uminom." Sabi ko.

"Then, how about we play at the Olympus? Specifically in the Shooting Targets?" Suggestion ni Lydia na ikinabilis ng paglingon ko.

Namimiss ko narin humawak ng baril or makipag sparring, lately kasi talagang nabusy kami sa pag aayos for graduation tapos nadagdagan pa yun. Hindi ko na nga alam gagawin ko at uunahin pero mabuti nalang si Lydia nag aayos ng schedule namin para sabay sabay kaming gumawa.

Pumayag na ako sa sinabi ni Lydia, mas maganda narin to bago kami maging busy. Since we have our own cars with us ay nag convoy nalang kami habang si Portia at Shaun naman ay pinasabay ko nalang sakin. 

Shades Of Agony [PSLU #3] [UPDATING] [GL] Where stories live. Discover now