SA36

6K 244 25
                                    

Regina's POV

Sunod sunod kong nilagok ang Black Label without even considering using a shot glass. Avery on my side was just keep on eyeing at me while massaging her nose bridge, she's getting stress since this has already been my 2nd bottle and I was the only one who was drinking. Inaalok ko nga siya pero sabi niya sino nalang daw magdri-drive kung pati siya.

On other hand, our friends have been contacting me ever since I left the restaurant, but I was sitting still and staring at my phone hangang sa napagpasya kong patayin nalang iyon. Baka mamaya mahanap pa nila ako, knowing them ang dali dali lang sakanila mang hack.

"Mind telling me, what happened?" Avery cleared her throat.

"Mahal ko na si Venven." Pagamin ko, gumihit ang ngiti sa kanyang labi habang nailing. "Pero we're not on the same boat." Biglang nawala ang ngiti niya.

"What do you mean? Did she hurt you again? Scold you? How? Why?"

"I think she really loves Harrison, but if not... Kung mali ako nag pagkakaintindi. Hindi ko naman ata deserve marinig sakanya na mas gugustuhin niyang siya ang ipakasal sa ex niya kaysa ako."

"She said what?!" Napahawak ako sa dibdib nang biglang napataas ang boses ni Avery, kumalma naman agad siya nang makita ang reaksyon ko. "I'm sorry for raising my voice, I was just s-shock."

"Teka nga don't tell me hindi pa to alam nila Krystal?" Napayuko at napakagat sa ibang labi. HIndi ko kayang sabihin sakanila, lalo na kay Lydia. Baka bigla nalang sila manampal o manapak katulad nung ginawa nila kay Miss Elise at Harrison.

"Hindi ko kayang sabihin." Mahinang sambit ko na sapat narin para marinig niya.

"Otherwise, you have to tell them the truth. Mas lalo silang magagalit kapag tinago mo yan. Didn't you forget about the part where Portia got bullied and none of you had an idea?"

Sa tuwing naalala ko tuloy yung nangyare ay bigla akong nanggigigil, but Avery is right sooner or later malalaman agad nila to lalo na kung nasa same circle kaming lahat. Ang bilis pa naman lagi nakakarating ang mga chismis samin.

Hindi nalang ako sumagot sakanya at nagpatuloy sa pag inom, getting drunk right now is the least of my concern. I also need this to drain my thoughts away even just for tonight. Since we've been here for almost like 4 hours ay ramdam ko na ang pagkahilo.

"I think you had enough drinks for tonight, let's get you home."

"Gusto ko pa," Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "I want more, gusto ko pa malasing."

"Stop it, Regina. Don't make this harder for me, mas lalong mapipilitan akong tawagan sila Lydia at isumbong ka." Kontra niya pa kaya hindi ko mapigilan mapanguso.

Parang bata naman ako kumapit sakanya at tila naiiyak dahil gusto ko pa talaga uminom, pinag titinginan pa kami ng iba dahil hindi naman kami naka VIP. Yung iba malalagkit pa ang titig, pagtutusukin ko mga mata nila. Kahit nahihilo, hindi naman ako bulag no.

"Sa condo mo nalang tayo uminom okay? Mahihirapan na akong iuwi ka kung hangang mamaya nandito pa tayo." Parang pumalakpak ata ang tenga ko sa tuwa nang marinig ko ang sinabi niya kaya sunod sunod akong tumango.

"Yes please! One more round, I want soju! Yung may yakult at sprite, masarap daw yun." Tuwang tuwa kong sabi at ginul naman niya ang buhok ko.

"Masasakal talaga ako ni Lydia kapag nalaman niya to." Rinig kong bulong niya at napahinga ng malalim.

Sinubukan niya naman akong itayo pero bigla ulit akong napaupo dahil hindi ko kinakaya, parang umiikot bigla ang paningin ko kaya napasandal ako sa mesa. Napamura pa si Avery kung hindi niya nasalo ang noo ko ay baka nag kabukol na ako.

Shades Of Agony [PSLU #3] [UPDATING] [GL] Where stories live. Discover now