Regina's POV
"Miss Fuentes, are you on drugs?" Wala sa sarili kong tanong.
Nawala naman ang ngiti sakanyang labi at napalitan ng naiiritang emosyon. Inosente naman akong nakatitig sakanya habang naghihintay ng sagot.
Aba malay ko ba kung nagbibiro siya.
"Seriously? I made myself ready for how many days for that confession and you're just going to ask me if I'm on drugs?" Hindi makapaniwalang sambit niya.
"Edi, nag aadik?" Tanong ko muli at mas lalong kumurba ang pag kainis niya.
"I hate you," She gritted her teeth.
"Hala ano ginawa ko?"
"Really that matters more to you than what I said earlier?" She was obviously getting pissed off.
"Malay ko ba kung nag bibiro ka." Kabit balikat kong usal sakanya, at malalim siyang napabuntong hininga na para bang may pinipigilan sakanyang sarili.
Inaamin ko naman na may pagka tanga ako sumagot minsan, ewan ko ba kung saan rin ako nagmana at saan ako pinaglihi at bakit ganito ako pero at least maganda and may ambag sa group projects okay na yun. Maka tres lang sapat na saakin! Joke hindi pala pwede, tumatakbo tayo ngayon sa honor list.
Minsan nalang ako maging matalino kaya isasagad ko na aba.
"How about you, what do you feel about me?"
Gusto kita.
"Sakto lang," Sagot ko na lalong naging dahilan para magsalubong ang kilay niya, gusto ko sana tumawa pero nanatili akong seryoso.
"What?! You- damn it." She frustratedly combed her hair using her long fingers.
Ano kaya feeling kapag nasa loob ko yan?
"Regina!" Napaliyad ako nung tumaas ang boses niya. "Where are you looking at? I'm talking to you!"
"Sa daliri mo, Ma'am." I blurted out which caused her to suddenly smirk.
"You naughty little girl," She playfully said.
Agad akong napabalik sa realidad sa sinabi ko at dali daling umiling at nataranta. Bakit naman kasi ayun ang sinabi ko! Sa utak ko lang dapat yun ah, hindi mali siya ng iniisip. Mababaliw talaga ako ng dahil sa professor na to eh!
"Little girl? Sabagay matanda ka na, Miss Fuentes." Tumawa ako pero agad yun napawi nang napatalitan na naniningkit niyang mata.
May sapak ba to si Ma'am at ang bilis magpalit palit ng mood? Pero totoo naman ah nasa professional field na nga siya well wala pa naman siya sa 30 pero papunta narin yun.
"Just call me Venice," She muttered.
"Huh bakit? Close ba tayo?" Napapikit siya ng mariin at kumuyom ang kamao sabay dumilat na parang pinapakalma ang sarili.
"Tatatawagin mo ko sa pangalan ko, kuha mo? Wag kang mag reklamo kung ayaw mong itapon kita dito sa dagat." Pinandilatan niya pa ako ng mata.
Hala nag tagalog na, mukang seryoso na talaga siya pero hindi ko alam kung bakit tumawa parin ako. Ewan ko ba natutuwa na ako na naiinis siya sakin, dati naman ay natatakot lang ako sakanya pero now she looks like a kid in front of me.
"Chill, mommy." I chuckled.
"I'm not your mother for freaking sake." Napahilot siya sa sintido, halatang na-stress na agad sakin.
"Venven," I softly called which made her stop. "I like to call you that way, Venven." I repeated.
Tumingin ito sakin ng ilang segundo hangang sa siya na ang nagputol ng tinginan namin, napakagat siya sa ibabang labi niya habang napapailing at napayuko halatang nagpipigil ng ngiti.
YOU ARE READING
Shades Of Agony [PSLU #3] [UPDATING] [GL]
Romance[ A story of Regina Maureen Trinidad. ] #3 She was the painful memory that she was willing to dive in. It didn't even occured to her that she was betting everything for her until she was left with every hues of grey. Until then, she made that person...