Italic = past/emphasized.
...
Regina's POV
"Did you have this imagination or maybe a sight in the future that you might be able to kiss someone again?" I hate it. I never had a desire for any sexual attraction again. I hate it too much that I will want to sacrifice my body just to die.
"No. I don't want to, never again." I emphasized it word by word.
I was that sure dahil sino ba naman ang makakabangon agad sa trauma na binigay niya sakin? Ni pangalan niya na sa tuwing naririnig ko na hindi maiwasan sabihin ng mga kaibigan ko ay nagbibigay parin sakin ng kakaibang pakiramdam na akala ko ay never kong mararanasan sakanya, and all I can feel towards her is hatred.
"And are you sure that you hate her?" Sandali akong napaisip at dahan dahan tumango. Ganun ako kasigurado.
"Lahat ng bagay tungkol sakanya ay gusto ko ng burahin." Mahinang sambit ko.
"Then the day that you tried to paint her face, why were you begging your friends to make yourself remember everything about her?"
Napapikit ako ng mariin nang sandali kong maalala ang sinasabi niya. Simula nung umalis siya ay hindi na ako makapag pinta ng maayos. At alam mo kung ano mas masakit? The day when she left, kasabay nun ang pagiwan niya ng ginawa kong art kung saan nandun kaming dalawa, the one that Lucas captured. The one that I gave to her during the new year's eve ay iniwan rin kasabay ng pagkawala niya tuluyan sa buhay ko.
Ibinigay lang yun sakin ni Miss Veronica dahil nakita daw niya yun mismo sa ibabaw ng mesa niya sa office. I made that for her, did she hate me that much that she could easily throw it away?
Ganun ba ako kawalang kwenta sa paningin niya na bawat mga dating ginagawa ko ay parang kinakamuhian ko na dahil para sakin lahat ng mga bagay na yun ay nagpapaalala sakanya.
"Regina? Are you okay? Oh my gosh, you're bleeding anak!" Sandali akong napatingin sa palad ko, oh may sugat nga. Mula siguro ito sa pagkakahulog nung baso.
Hindi ko inanlintana ang sakit o hapdi na nararamdaman ko mula doon kaya tinakpan ko lang siya ng tissue na nakuha ko mula sa table saka umupo na parang walang nangyare. Nakaawang pa ang labi ni Tita habang hindi naman makapaniwala sila Noah at Lucas. Pero alam kong sanay na sila makita na sugatan ako.
Afterall, I spend some of my time during those four years behind that underground. I got myself burned out to the point na kahit lalake ang ipalaban sakin sa sparring match ay wala kong pakealam. Gusto ko lang mailabas ang frustrations ko, na ayun nalang ang tanging bagay na pwede magpagaan ng loob ko.
"It's okay tita, just a scratch." Saka din ako humingi ng paumanhin sa naglinis. "Let's continue with the meeting, everyone."
Tila nagaalangan pa sila at ramdam ko ang pag dapo ng mata niya sakin na pilit kong iniiwasan, hindi ko nalang siya pinansin. This is the right thing to do, Regina. Work with her professionally, then ignore her outside the work. Afterall, this is part of the job. Alam ko sa sarili ko na dadating ang panahon na magtatagpo kami dahil nasa iisang industriya lang kami.
"The content is nice, I could see what our Architects are trying to imply. However..." She stated while I can still feel her stare in my direction. "The materials that they presented might not work well with the design."
Napintig ata ang tenga ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya pero dinig na dinig ko ang pangaasar ng tono sa boses niya.
"What do you mean? These are the finest materials that my team was able to gather." I encountered. "Engineer, just be straight to the point, kung hindi mo kaya pwede ka mag back out."
YOU ARE READING
Shades Of Agony [PSLU #3] [UPDATING] [GL]
Romance[ A story of Regina Maureen Trinidad. ] #3 She was the painful memory that she was willing to dive in. It didn't even occured to her that she was betting everything for her until she was left with every hues of grey. Until then, she made that person...