SA1

12.5K 285 62
                                    

Regina's POV

"Can you please shut up the both of you?" Saway ni Lydia saming dalawa ni Lucas. Kanina pa kasi kami nag tatalo dito dahil sa new project na pinapagawa ni Miss Cervantes.

"Kasi naman Lydia, sabi niya gusto niya ng two story house eh ako gusto ko ng three!" Angal ko sabay umirap sakanya at hindi naman siya nag patalo.

"At ano naman kasi ang ilalagay mo sa taas? Swimming pool?" Barumbadong sagot niya.

"Malamang lalagyan din ng ibang rooms tsaka maganda kaya kapag may rooftop, common sense." Dipensa ko, ayokong mag patalo sakanya kaya mag tiis siya sa kaingayan ko.

"So ano nga balak mong ilagay sa mga rooms na yan? Ilan ba magiging anak mo bente?" Tanong niya nanaman na ikinalaki ng mata ko. Dali dali kong tinakpan ang bunganga niya dahil nandito pa si Miss Cervantes at napataas ang kilay niya dahil mukang narinig parin niya yun.

"Tama na yan, nakatingin na satin si Ma'am. Yang mga bibig niyo talaga hindi masinto sa katahimikan." Pagaawat ni Krystal samin at nagsukatan lang kami ng tingin ni Lucas sa isa't isa.

"Just settle it quietly the both of you, mas lalo niyong pinapasakit ang ulo ko." Reklamo ni Lydia, inirapan ko naman si Lucas dahil alam kong sa huli ay ako rin masusunod.

At tama nga ako walang nagawa si Lucas, pinaglaban ko talaga ang design ko. I know and I am confident na kahit tapakan ito mamaya ni Miss Cervantes ay hindi ito gigiba. All we need is a material that could make this house stronger like a real one.

Pagkatapos ng klase namin ay nag decide kami mag mall nalang dahil cancel daw ang ibang klase namin for afternoon dahil sa general meeting ng mga faculty members ng department namin.

On our way sa parking lot ay nakasalubong pa namin sila Levi at Allison na mukang abala sa pag uusap since they are both members of the Student Council.

"Levi!" Tawag ni Krystal at lumingon naman sila agad habang kumakaway pa.

Pakipot din to si Levi e, halatang gusto naman niya si Krystal nung 3rd year pa kami pero sabi niya wala daw siyang balak sabihin ang tunay niyang nararamdaman, if ever man daw ay mag paparaya siya. 

Feeling daw niya kasi ay may ibang tao na nararapat kay Krystal at hindi siya yun, well lakas naman ng pakiramdam niya dahil nandito na si Miss Cervantes para kunin ang tropa namin, wag na sana niya ibalik kanyang kanya na kahit sunggaban niya pa.

"Gagala kayo?" Tanong ni Allison.

"Hindi mangchichicks kami sama kayo?" Barumbadong tanong ni Lucas na ikinangiwi nito.

"Tigilan mo ko Lucas, baka mamaya sa lalake lang rin bagsak mo." Pangaasar niya kaya tumawa ako at tinapik ang balikat niya.

"Oo nga no, ikaw ha Lucas baka type mo si ano." Ngumuso ako kay Noah na busy uminom ng kape.

"Tarantado! May gusto ako alam niyo naman kung sino." Mabilis niyang sagot at napawi bigla ang ngiti ko.

Sa loob na mahigit na apat na taon kaming magkakaibigan, may isa akong bagay na pilit nililihim and I was just acting that everything is fine kahit sa loob loob ko ay nawawasak na ako dahli sa pag papanggap ko.

Kung meron man akong sekreto na tinatago sa mga kaibigan ko ayun ay ang lihim na may gusto ako kay Lucas. I know, medyo ang gara lang na magkagusto ka sa taong parang kapatid mo na. But I don't know what happened, nagising nalang ako na parang hinahanap ko ang presensya niya.

Nasanay akong lagi siyang nanjan kaya lagi nalang rin ako nakikipag sabayan sa pagiging makulit niya, of course even him he didn't know but I am planning to confess bago mag graduation. Dahil ayaw kong maiwan ang nararamdaman ko sa ganitong paraan, it's okay for me kung irereject niya ako. Ang importante nasabi ko.

Shades Of Agony [PSLU #3] [UPDATING] [GL] Where stories live. Discover now