3

2.8K 101 0
                                    

MY BOSS, MY BODYGUARD

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

Unedited...

[Melody POV]

Masakit ang ulo na napabangon ako.
"Aray!" daing ko saka naupo. "Geez! Nakakasuka!"
Kahit masakit ang ulo, tumakbo ako palapit sa banyo dahil kailangan kong sumuka.
"Bwuak! Bwuak!" suka ko sa inodoro. "A-Ayaw ko na," panunumpa ko habang nakahawak sa tiyan. "Bwuak!"
Nang wala na akong maisuka, dahan-dahan akong tumayo at inayos ang sarili saka nagmumog at toothbrush. Nilinis ko ang kalat sa banyo saka lumabas.
"Haist, nadali ka na naman ng katangahan mo," sabi ko sa sarili. Naalala ko ang lahat ng nangyari kagabi. Maaaring madaldal ako dahil sa nainom pero alam ko ang ginagawa ko.
Lumabas ako para maghanap ng malamig na maiinom.
"K," tawag ko nang madatnan siya sa kusina na nakaupo habang humihigop ng sabaw. "Gosh, pahingi ako."
"Psh! Kumuha ka ng bowl mo," sabi niya kaya kumuha ako ng bowl at nakihati ng nilagang kinakain niya. "Walang lugaw?"
"Magluto ka."
Suplado. Hinayaan ko lang siya. Oo nga pala, sinukahan ko siya kagabi at alam kong galit siya sa akin. Pero siyempre hindi ko iyon i-open up. Kunyare ay wala akong maalala.
"Nextime, huwag na huwag ka nang uminom, Melody."
Napatingin ako sa kaniya na salubong ang kilay.
"Ikaw kaya ang nagpainom sa akin," depensa ko. "Sinsabi ko na sa 'yong hindi ako umiinom pero pinilit mo pa rin ako."
Hindi siya umimik.
"Palibhasa brokenhearted ka lang yata e."
"What?"
"Wala."
"Wala kang alam sa buhay ko!"
"Sorry naman, galit agad?"
Ipinagpatuloy niya ang pagkain. Tumayo ako at kumuha ng malamig na malamig na tubig sa ref para punan ang pagkauhaw ko.
"Kailan mo balak na umalis dito?" seryosong tanong niya nang maupo ulit ako.
"Kung puwede ngayon na. Pero wait lang, maghahanap lang ako mamaya ng trabaho," sagot ko. "Bigyan mo ako ng time, okay?"
"Parang kamag-anak mo lang ako ah," aniya.
"Bestfriend na kita, bes."
"Hindi mo ako bestfriend. Maybestfriend ako."
"E di buddy. Di ba, badz?" giit ko.
"Ewan ko sa 'yo!"
"Bads naman, huwag ka ngang suplado, babayaran naman kita. At promise, ibibigay ko sa 'yo nang buo ang sahod ko."
"Psh! Umuwi ka na lang sa probinsya--"
"No," agarang tanggi ko kaya napataas ang kilay niya. "Ahm... Ayaw ko. Mahirap ang buhay sa Antique."
"Bahala ka."
Napasulyap ako sa kaniya. Kahit mahaba ang buhok, ang pogi pa rin niya. Malinis siya tingnan at makinis pa ang balat. Medyo singkit ang mga mata at ang tangos ng ilong.
"Pasado na ba ako?" tanong niya kaya inirapan ko siya.
"Hindi ka naman guwapo," sabi ko. Ngumisi siya.
"Really?"
"Konti lang."
"Alam mo bang dalawa lang tayo rito sa unit at kaya kong gawin ang lahat ng gusto kong gawin sa 'yo?"
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"W-What do you mean?"
"I could rape you."
Nanlaki ang mga mata ko.
"H-Hindi mo naman kaya 'yang gawin, 'di ba?"
"Sure ka?"
"Ahm, K naman!" saway ko na kunyare ay naiinis sa topic namin. "Alam kong mabait ka at hindi mo ako kayang saktan. Isa pa, hindi ako ang type mo. Di ba mga morena ang gusto mo?"
Biglang dumilim ang mukha niya kaya napakagat ako sa ibabang labi. May nasabi ba akong mali?
"Pumapatay ako ng tao, Melody!" sabi niya. He's kidding, right?
"Ako rin," sagot ko. "Nangkukulam ako. Taga Antique ako, remember?"
Okay, hindi yata magandang biro ang sinabi ko dahil ne hindi man lang siya natinag.
"Haist! Pasensya ka na, badz. Alam mo namang wala akong mapupuntahan at alam kong mabuting tao ka," paumanhin ko saka naghigop ng sabaw. "Maghahanap ako mamaya ng trabaho."
"Huwag na. Aalis ako," sabi niya kaya napasulyap ako sa kaniya.
"Saan ka pupunta?"
"Inutusan ako ng boss ko. Dito ka lang at ako ang maghahanap ng trabaho para sa 'yo," sabi niya.
"T-Talaga?"
"Oo."
"Weh?"
"Sapak gusto mo?"
Nag-peace sign ako. Sabi ko na nga ba at mabait talaga siya e.
"Salamat, K."
"Gusto ko na kasing makaalis ka rito, naiinis na ako sa pagmumukha mo," sabi niya. May problema na ba ako kapag hindi ako nasasaktan sa mga pinagsasabi niya? Cause I know, hindi naman talaga iyon ang gusto niyang sabihin? Or I find it weird? Kasi for me, ganoon naman ang tunay na magkaibigan? Hindi puro papuri ang naririnig sa isa't isa at madalas ay panlalait? But we really don't mean it? Or baka naman talaga assumera lang ako at para sa akin, kaibigan na rin ang turing niya sa akin? But in just a short period of time? Gulo ko.
"Huwag kang umalis dito at huwag kang magbasag, maliwanag?"
"Anong oras ka babalik?"
"Haist! Hindi kita nanay o asawa kaya huwag ka ngang tanong nang tanong. Pasalamat ka pa nga, pinapatuloy pa kita rito!"
Tumayo siya at iniwan ako. Suplado. But I have to thank him kasi kahit nagagalit siya sa akin, hindi naman niya ako pinapabayaan.
-------------------
KALE POV
Wala pa ang ducati ko kaya ang kotse na ang ginamit ko. Sa amin ang sasakyan sa parking lot na ito kaya pipili lang ako ng gusto ko. But of course, mas preferred namin ni Empress ng motorsiklo dahil pareho kaming racer. Actually, siya lang talaga ang racer sa amin. Ngayon lang ako nagkagustong lumaban dahil wala akong mapaglibangan.
I hate to be here. Mas gusto ko pa rin sa isla. Nandito lang ako dahil sa isang tao.
Nang makarating sa pupuntahan ko, agad kong ipinarada ang sasakyan sa parking lot at pumasok sa mamahaling restaurant.
" Mahilig talaga siya sa mga ganitong lugar," bulong ko habang papasok. Sobrang mahal ng restaurant na ito at kaunti lang ang kayang tumambay rito. Hindi naman sa hindi ko afford but I wanted to spend the rest of my life sa isla; simple at mapayapa.
"Kale," tawag niya at kumaway pa kaya nilapitan ko siya. She's pretty, ang cute ng mga ngiti niya na nagpapawala ng inis ko.
"Kanina ka pa?" Naupo ako sa harapan niya.
"Kakarating ko lang, nag-order na 'ko," nakangiti niyang sagot.
"Excuse me, sir, ma'am," paumanhin ng lalaking may bitbit ng food namin at inilapag sa mesa. "Anything--"
"Nothing, you can leave us now," sabat ko kaya umalis na siya.
"K-Kale? Galit ka?" naiilang na tanong niya.
Napatitig ako sa mukha niya. Ang kapal ng kilay niya, wavy ang natural na buhok at kahit na morena, ang pula at kissable ang mga labi niya. She's the woman na gusto ko na noon pa. She's my bestfriend. Sabay na kaming lumaki sa isla pero si Kuya Dale ang natipuhan niya at para naman akong tanga na sunod-sunuran lang sa gusto niya.
"May karapatan ba akong magalit, Mayumi?"
"G-Galit ka nga," nakayukong pagkumpirma niya. Of course, she knows. Sa tagal na naming magkasama, impossibleng hindi pa niya kabisado ang ugali ko. Maliban na lang sa tunay kong nararamdaman para sa kaniya.
"Of all people, ako pa ang huling nakakaalam?" bulalas ko. "What would you expect? Na matuwa ako?"
"I k-know," nauutal na sabi niya. "That's why I'm here."
"Bakit biglaan, Yumi?"
"H-Hindi ko rin akalain pero kasi--kusa na lang siyang dumating. Alam mo ang hirap at sakit na napagdaanan ko, Kale. Alam mong nahihirapan akong tanggapin na kasal na si Dale kay Suin pero I have to move on," naiiyak na sabi niya.
"At ang pagpapakasal ang solusyon mo?" bulalas ko.
"I l-love him," nakayuko niyang sabi.
"W-What?"
"I love him, Kale. I'm so fuckin' inlove with him," pag-amin niya na ikinatigil ng mundo ko. "I'm sorry."
Hindi ako makasagot. Nabablangko ang utak ko. For the second time, gumuho na naman ang mundo ko. Oh yes, may mahal na naman siya at sa kasamaang palad, hindi na naman ako 'yon. Kung sabagay, sino ba naman ako? Bestfriend lang naman niya ako.
"Sana maunawaan mo ako, Kale, bestfriend pa rin kita kahit na ano man ang mangyari," malungkot na sabi niya.
"I hate to be your bestfriend," mahinang sabi ko saka ikinuyom ang kamao. "D-Dahil ang totoo, hindi--"
"Enough!" saway niya. "I hate myself kasi s-sinasaktan na naman kita. Y-You're my bestfriend at h-habambuhay kitang pasasalamatan sa lahat. But we're old enough para p-pumili tayo ng taong makakasama natin, Kale. I l-love you. I really do. I-If given a chance, gusto kong makasama ka habambuhay, bilang bestfriend ko."
"You're no longer my bestfriend," usal ko na ikinatigil niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"K-Kale..."
"Umalis ka na, Yumi. Kalimutan mong naging magkaibigan tayo!" pagtataboy ko.
"K-Kale--"
"Umalis ka na bago pa magwala rito."
"S-Sorry," umiiyak na sabi niya saka tumayo at patakbong lumabas.
Hindi ko kayang kumilos. Nanginginig ang buo kong katawan sa galit pero alam kong wala akong karapatang pigilan siya sa gusto at pumili ng taong mamahalin niya. Kasalanan ko naman 'to, dahil umasa ako. Umasa ako na baka mapansin niya ako dahil wala na si Kuya Dale, pero nagkamali ako. At ngayong nakatagpo siya ng lalaking gusto niya at mahal din siya, wala akong magawa para pigilan siya.
Wala sa sariling tinawag ko ang waiter at binayaran ang lahat ng in-order niya.
"Pakibigay sa mga pulubing nasa labas ng pagkain," sabi ko at lumabas na saka pinaharurot ang sasakyan patungo sa company ko. Nang dahil kay Mayumi, nagpatayo ako ng kompanya rito sa Maynila. Shoes and bags business dahil alam kong iyon ang gusto niya.
"Good afternoon, sir," bati ng isang empleyado. Hindi ko sinagot. Kilala nila ako bilang terror kaya kapag pumunta ako rito, alam kong nagkakandarapa sila sa pagtrabaho. At ang iba ay iniiwasan akong makasalubong.
Nagkulong ako sa loob ng opisina ko. Hindi ako makapag-isip ng tama. E kung magbigti na lang kaya ako?
Narinig ko ang dalawang katok at bumukas ang pinto.
"G-Good afternoon, sir. Tumatawag ho si Ma'am Anndy," magalang na sabi ng secretary ko.
"Tell her na busy ako," sagot ko.
"Yes, sir."
"Jessie?" tawag ko.
"Yes po?"
"Paki-check kung may bakante pang trabaho rito sa office," sabi ko.
"Para sa anong posisyon po?"
"Kahit ano," sagot ko.
"Okay po."
Umalis na siya kaya naging blangko na naman ang utak ko.
Nakaidlip na yata ako nang marinig ko ang katok. Bumukas ang pinto at iniluwa si Jessie.
"Sir."
"Ano na?"
"Wala na po eh," sagot niya.
"Kahit isa?"
"Ahm, sa facility po. Kaso janitor na lang po," sagot niya. "Magre-resign na kasi si Kuya Omal dahil uuwi na raw sila sa probinsya."
"Okay, pakisabing may papalit na sa kaniya," sabi ko.
"Yes po," magalang na sagot niya. "May iuutos ka pa po ba?"
"Wala na," sagot ko. "Puwede ka nang lumabas."
Gusto ko pa munang manatili rito. Puwede naman yatang babae ang papalit sa janitor e. May nakita naman akong babae na naglilinis dito. Pinatawag ko ang head ng facility at sinabihang may ipapasok ako pero huwag lang niyang ipaalam na ako mismo ang nag-recommend kay Melody. Nawawala na ang privacy ko dahil sa babaeng 'yon.
Alas siyete na ng gabi ko naisipang umuwi.
Pagkapasok ko sa unit, nadatnan ko siyang nagkakandarapang linisin ang basag na frame sa sala.
"What happened?" galit na tanong ko na nanginginig ang buong katawan. Frame iyon ni Wind, ang paborito kong kabayo ni Mayumi na siya mismo ang gumuhit. Mahilig kasi siyang magpinta at iyon ang regalo niya sa akin last birthday ko.
"K-Kasi ano--"
"What?" galit na tanong ko kaya napaatras siya at takot na takot ang mga mata. "Explain!"
"K-Kasi--" Nahihirapan na siyang magsalita at hindi makatingin ng diretso sa akin. "S-Sinubukan kong linisin kasi maalikabok na sa likod ng frame k-kaso hindi ko sinasadyang mahulog. P-Pasensiya na."
"Sorry?" ulit ko.
"B-Babayaran ko. Ipapa-frame ko ulit," agad niyang sabi.
"As if na may pera ka."
"K, h-hindi ko sinasdaya. Gusto ko lang sanang makatulong," paliwanag niya.
"Umalis ka sa harapan ko!" singhal ko.
"S-Sorry."
"I'm tired of you," walang ganang sabi ko. "Linisin mo 'yan at umuwi ka na sa inyo."
"Wala--"
"Ako ang bibili ng ticket mo."
"W-Wala na akong uuwian sa Antique. Kung gusto mo, aalis na lang ako. Salamat."
"Ako ang magsasabi kung kailan ka aalis!" naiinis na sabi ko. "Linisin mo 'yang kalat mo at magluto ka na ng hapunan!" Tinalikuran ko na siya.
"K?"
"What?"
"Thank you."
Humarap ako sa kaniya.
"Sa makalawa, may trabaho ka na. Ipapasok kita sa kompanya."
Namilog ang mga mata niya.
"K-Kompanya? May company ka?"
"Sa boss ko," ani ko.
"Ah, s-salamat ulit." Nakangiting wika niya pero nandoon pa rin ang hiya sa kamaliang ginawa.
"Saan na pala ang parents mo?" usisa ko. Ilang araw na kaming nagsasama pero hindi ko pa alam ang tungkol sa buhay niya.
"W-Wala na sila," sagot niya at iniwas ang mga mata sa akin.
"Patay na?" Tumango siya. "Bakit?"
"N-Naaksidente sila sa--motor," alanganing sagot niya.
"Okay," sabi ko at tinalikuran ulit siya. She's lying. Hindi siya kukunin ng Inday agency kung hindi siya involved sa krimen. Makapag-imbestiga nga.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon