1

7.3K 136 3
                                    

MY BOSS, MY BODYGUARD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1

Unedited

[Melody POV]

"Bibigyan ko kayo ng task tapos malalaman ninyo mamaya kung saang pamilya kayo," sabi ng babae na kakapasok lng tapos my bitbit na notebook na si Coco Martin ang desinyo. "Ay sana mabait ang amo ko", puno ng pag-asang sabi ni Isay na katabi ko.
Two days na kmi rito sa agency at hindi pa namin alam kung kailan kmi papakawalan. Depende raw sa demand ng employer namin.
"Ma'am? Bakit hindi pa kami sinusundo?" tanong ni Belle. "Depende nga po sa demand ng magiging amo ninyo, ma'am. Basta sa pagkakaalam ko, nasa kontrata naman ninyo bago kayo dalhin dito," magalang na sagot ng babae. Paiba-iba sila araw-araw. Lumabas na siya kaya ngsiingay ang mga kasamahan ko. Halos lahat kami ay taga probinsya at nakipagsapalaran lang dito sa Maynila pero pansin ko magaganda at bata ang kinukuha nila.
"Naku, hindi maganda ang kutob ko rito," sabi ni Belle. "Hindi naman ganito ang nangyayari sa agency e. Bakit kinukulong tayo rito?"
"Hala, baka ibenta tayo sa casa," sabi ni Lisa na may tono pa ng pagkabisaya niya.
Nagsimulang nanayo ang balahibo ko. Napansin kong sa labingwalo kami, parang tatlo lang sa amin ang nakaapak sa kolehiyo at ang iba ay marunong lang magbasa at magsulat. At bakit may mga katawan pa ang mga kinukuha nila?
"Melody?" tawag ng magandang babae na pumasok.
"A-ako po 'yon," sagot ko saka tumayo.
"Kakausapin ka ni Sir", sabi nya kaya napatingin ako sa mga kasamahan ko. Curious ang mga mata pero nandoon na ang takot.
"Halika na, ayaw niyang mghintay," sabi nito.
Alanganing sumunod ako sa kaniya. Dinala niya ako sa main office. Hindi kaya tama ang hinala nilang ibebenta kami sa casa? Malaki ang accomodation na ito at marami ang kwarto. Hindi kagaya ng iba na lima o mahigit pa sa iisang kwarto, pero dito ay tig-iisang silid kami at may sariling ref at TV pa.
Nang binuksan niya ang pinto, mas lalo akong kinabahan.
"Iwan mo na kami," seryosong sabi ng lalaking kaedad lang siguro ng tatay ko. Hala, ang guwapo. Pero ang seryoso ng mukha niya.
"Melody?" tanong niya.
"Y-Yes po, sir," sagot ko.
"Please have a seat," sabi niya kaya naupo ako sa silyang nasa tapat ng table niya pero ang mga mata ko ay nasa kaniya pa rin.
"I am John Matthew Lacson," pagpakilala niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Oh my gosh, siya ba talaga?
"Una, bawal makipag-eye-to-eye sa boss mo." sabi niya kaya iniwas ko ang mga mata ko. Napahiya ako. "Pangalawa, ayusin mo ang suot mong damit at matuto kang mamalantsa." Pasimpleng hinila ko ang laylayan ng tshirt kong mula nang binili ko lastyear ay hindi ko pa napaplantsa. Tshirt lang naman e, no need na plantsahin. "Pangatlo, ayusin mo ang buhok mo kung hindi naman kaka-rebond lang."
Pasimple kong sinuklay ng kamay ko ang wavy pero malambot kong buhok. In fairness, malambot na siya dahil may conditioner na ako.
"S-Sorry po, boss," paumanhin ko.
"Dapat tinuruan na kayo nila rito," sabi niya na wala man lang kangiti-ngiti sa mukha.
"Anyways, basic lang 'yan dahil alam kong mapupuna ka ng asawa ko kapag nakita ka niya," sabi nito. Paano kaya 'to makipag-usap sa asawa niya?
"Sige po, tatandaan ko po," magalang na sabi ko. Puwede bang maglaho na lang ako sa harapan niya?
"Bukas na pala ang deployment mo," sabi niya. "Mas mauuna ka kaysa sa mga kasamahan mo."
"T-Talaga po?" masiglang sabi ko. Hay salamat naman.
"Oo."
"P-Puwede ko po bang malaman kung sino ang employer ko?" kinakabahang tanong ko, baka magalit kasi.
"Kami," sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"K-Kayo ho?" ulit ko.
"Oo, sa bahay ka namin kaya inunahan na kita dahil medyo maselan ang asawa ko," sagot niya.
Bumukas ang pinto at pumasok ang seksi at magandang babae na kamukha ni Miss Universe Catriona Gray.
"Honey," sabi ni Sir na lumiwanag ang mukha saka tumayo at sinalubong ang babae at hinalikan ito sa pisngi. Hala, parang maamong leon na ang mukha nito. "Ba't nakasimangot ka?"
"Naiinis ako sa saleslady! Alam mo bang inapakan niya ang sapatos ni Ate Mandy tapos hindi man lang humingi ng sorry?"
"Anong ginawa ni Ate Mandy?" tanong ni Sir John Matthew.
"Inginudngod niya sa sahig. Gusto ko sanang tumulong kaso kaya naman ni Ate," gigil na sumbong nito.
"Melody? Puwede ka nang lumabas," sabi ni Sir kaya parang katulong sa hari na yumuko ako bago lumabas.
"Hay, salamat, Lord," bulong ko nang makalabas at bumalik sa kuwarto ko.
Nanghihinang naupo ako sa kama habang napahawak sa dibdib.
"Sila ang magiging amo ko?" bulong ko. No, parang hindi ko maatim. Ang arte nung asawa niya tapos ang seryoso ni Sir. Paano kapag may mapunit akong damit o mabasag na mga gamit dahil sa kalamyaan ko? May naririnig ako tungkol sa mga Lacson at sapatos pa lang daw, milyon na ang halaga ng isa. Paano kapag may masira ako? Baka patay na ako, hindi pa ako tapos magbayad ng utang sa kanila.
"Uuwi ako," bulong ko at lumabas para pumunta sa nag-recruit sa akin. Sa pagkakatanda ko, sa pinakadulo lang ang opisina nito.
Saktong bukas ang pinto kaya pumasok ako.
"Kailangan na nilang mag-trainingl," sabi ng boses ng matandang lalaki kaya napatigil ako sa paglakad.
"Ire-ready ko na po sila bukas," magalang na sagot ng babae. Nasa isa pa silang pinto. "Paano pala kapag may mag-backout?"
"Hindi puwede," sabi niya. "Ipaliwanag mo sa kanila ang lahat and offer them ng malaking halaga para pumayag."
Napaatras ako at dahan-dahang lumabas. Lutang na bumalik ako sa kuwarto ko. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang pouch ko na may lamang ID's ko. Tatakas ako. Paano kung papatayin nila ako dahil ayaw ko na.
"Saan ka pupunta?" tanong ng guard nang nasa gate na ako.
"H-Ha?"
"Bawal lumabas," sabi niya.
"M-May bibilhin lang ako," sagot ko. Jusko. Kalma lang, Melody, mahahalata ka niya.
"Bawal lumabas."
"K-Kuya, bibili lang ako ng napkin," palusot ko. "W-Wala akong dala."
"Hindi puwede," sabi niya.
"Diyan lang naman sa labas, babalik din ako kaagad," sabi ko.
"Bumalik ka kaagad," pagpayag niya at kinapkapan ako. Nang makaapak ako sa labas ng gate, nakahinga ako nang maluwag pero kailangan ko pa ring makalayo sa lugar na ito. Walang sasakyan at parang private property pa rito kaya nilakihan ko ang hakbang ko.
May nakita akong lalaking nakaparada ng motorsiklo sa di-kalayuan kaya nilapitan ko.
"Kuya! Kuya!" tawag ko sa lalaking naka-helmet at pinapaandar ang motor.
Lumingon siya at hinintay ako.
"K-Kuya? Pasakay naman po," hinihingal na pakiusap ko.
"Bakit?"
"P-Parang awa mo na, mamaya ko na ipaliwanag," naiiyak na pakiusap ko dahil lumabas na ang guard sa gate. Hindi ko na hinintay ang sagot niya saka sumakay sa likuran ng motor niya. "K-Kuya, alis na tayo. P-Papatayin nila ako." Pakiusap ko at lumingon sa guard na palapit sa amin.
"Hoy!"
"Kuya! A-Alis na!" natarantang sabi ko kaya pinaandar niya ang motorsiklo at matuling pinatakbo. Napapikit ako ng mga mata ko dahil baka barilin kami. Ako ang unang matatamaan dahil ako ang nasa likuran.
Malayo na yata kami nang iminulat ko ang mga mata ko.
Itinigil niya ang motor.
"Baba!" Utos niya.
"P-Puwedeng sa kabilang kanto na lang po? Baka hinahabol nila ako."
"Baba sabi!" galit na utos niya kaya bumaba ako at humarap sa kaniya. Naka-white shirt siya na hapit sa bewang at black pants. Naalala ko tuloy ang guard sa dati kong pinagtatrabahuhan. Matikas din ang pangangatawan nu'n at matangkad.
"G-Guard po kayo?" tanong ko nang mapasulyap sa dulo ng baril na nasa bewang niya.
"Bakit?" tanong niya.
"K-Kuya? Tumakas po ako sa Inday Agency, natatakot po ako na baka mahuli nila ako."
Kahit naka-helmet, pansin ko ang pagkagulat niya.
"Bakit ka tumakas? Sinasaktan ka ba nila?"
"Lacson kasi ang employer ko at natatakot ako," sagot ko.
"Bakit ka naman matatakot?"
"Mayaman kasi sila. Basta--parang awa mo na po, tulungan mo akong makatakas, wala na akong matutuluyan dito," pagmamakaawa ko. Bahala na kung masamang tao ito pero huwag naman sana.
"Sakay!" sabi niya.
"T-Talaga?"
"Baka magbago pa ang isip ko."
Mabilis na sumakay ako ulit sa likuran niya bago pa magbago ang isip niya.

--------------------

[Kale POV]

Kakatext lang ni JM na mauna na ako kaya pinaandar ko ang ducati ko pero tinawag ako ng babaeng ito kanina kaya napilitan akong hintayin siya. Papatayin daw siya kaya tinulungan ko na. Isa pa, bored ako sa buhay dahil wala akong makakalabang magaling sa racing field. Ang kakambal ko lang yata ang makakatalo sa akin e. Kaso may asawa na siya.
"Maghiwalay na tayo ng landas," sabi ko nang bumaba kami sa condo ko.
"S-Saan ako pupunta?" tanong niya.
"Bahala ka na," tinatamad na sagot ko. Mas bata lang yata ito sa akin ng tatlong taon.
"K-Kasi wala akong pera tapos wala rin akong kakilala rito," nakangiwing sabi niya.
"Kamag-anak?"
Umiling siya.
"M-Maglalakad na lang ako. Matulog muna ako sa kalye tapos hahanap ng trabaho bukas."
"Maganda magpasahod ang mga Lacson, kung ako sa 'yo, bumalik ka na sa agency mo."
Todo iling ang ginawa niya.
"Mayaman sila at mamahalin ang gamit. Isa pa, sigurado akong reyna at hari ang turing ng mga katulong nila sa kanila."
"Ayaw mo no'n?"
"H-Hindi ko kaya. Natatakot ako. Isa pa--basta ayaw ko talaga."
"Fine," sabi ko at pinasadahan siya ng tingin. Mukhang disente naman siyang babae.
Tinanggal ko ang helmet ko at hinarap siya.
"Dito ka ba nakatira? Sosyal mo naman," sabi niya kaya napailing ako.
"Personal bodyguard ako kaya pinapatirhan muna ng boss ko ang isang unit niya rito," sabi ko.
"Gano'n ho ba? Ang bata mo pa pala, akala ko matanda ka na kanina," sabi niya.
Bumaba ako. "Sumama ka na sa akin."
"Talaga?"
"Psh! Kung kani-kanino ka sumasama, hindi ka ba natatakot?" Naglakad ako patungo sa backdoor ng condominium.
"Harmless ka naman yata eh."
Kinuha ko ang keycard ko nang makarating kami sa elevator. Kami lang ang puwedeng dumaan dito. Ang iba ay kailangan pa nilang dumaan sa reception sa harap.
Bumukas ang elevator kaya pumasok na kami. Pinindot ko ang 8th floor.
Tahimik na sumunod siya hanggang sa nakarating kami sa unit ko.
"Pasok."
"Wow! Ang ganda," puri niya.
"Huwag kang malikot, baka makabasag ka," paalala ko kaya lumayo siya sa wall na may nakasabit na frame.
"Sa amo mo 'to?"
"Oo," sagot ko. "Dapat mag-ingat ka dahil kung hindi, patay tayong dalawa."
Hinubad ko ang jacket ko at hinarap siya.
"Salamat pala sa tulong mo. Hayaan mo, bukas na bukas ay aalis na ako," sabi niya.
"Sa kabilang silid ka matulog."
"Ano pala ang pangalan mo?" curious na tanong niya.
"K--Karlo," sagot ko.
"Karlo," ulit niya. "Ako pala si Melody." Inilahad niya ang kanang kamay sa akin. "Sana maging friends tayo."
"Psh! Childish," bulong ko saka nakipagkamay sa kaniya. "Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Pero okay lang, hindi naman ako nagugutom," sabi niya.
"Marunong ka naman sigurong magluto, 'di ba?" Nagugutom na rin kasi ako.
"K-Karlo kasi--"
"Call me K," sabi ko. "Huwag na Karlo."
"Okay," aniya. "K kasi, natatakot ako dahil baka mabasag ko ang kaldero."
"Kaldero lang 'yan. Kahit na mahulog pa 'yan, hindi mo mababasag 'yan. Huwag ka ngang OA," saway ko. "Dapat nakaluto ka na pagbalik ko."
Tumungo ako sa kuwarto ko at naligo.
Pagkatapos ay binalikan siya.
"K," aniya at tumayo nang makita ako.
"Nakapagluto ka na?"
"Sinaing lang," sabi niya.
"Anong iuulam natin?"
"Ahm... Hindi ko kasi alam kung ano ang iluluto e."
"Ang daming puwedeng iluto sa ref," naiinis na sabi ko.
"Ikaw na lang ang pumili tapos iluluto ko."
"Psh!"
"Friends naman tayo kaya sige na."
Walang salitang lumapit ako sa ref at kumuha ng karne ng baboy.
"Mag-adobo ka," sabi ko.
"P-Puwede bang pakuha ako ng tubig? Nauuhaw ako e," pakiusap niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Geh na, friends naman tayo e."
"Inuutusan mo ba ako?"
"Pakiusap lang," depensa niya.
Napilitang akong kunan siya ng isang mineral water at inabot sa kaniya.
"Nextiem huwag mo akong utusan dahil hindi mo ako katulong. Ikaw ang katulong sa ating dalawa."
"Sorry na," paumanhin niya at binuksan ang mineral bottle saka uminom at inilapag sa mesa. "Magluluto na ako, salamat," pasalamat niya at hinugasan na ang karne.
"Mayaman siguro ang amo mo noh?"
"Medyo."
"Kilala sa lipunan?"
"Yata."
"Politiko?"
"Hindi."
"Ano ang trabaho nila?"
"Business."
"Talaga? E di malaki ang sahod mo bilang bodyguard?" Sarap niyang sapakin. Mukha na ba akong bodyguard? Ngayon lang ako nainsulto ng ganito a.
"Medyo."
"Puro ka medyo."
"Isa siyang Lacson," sabi ko na ikinalaki ng mga mata niya. Mabilis na lumapit siya sa akin.
"A-Ayaw ko nang gumalaw ng mga gamit dito, ikaw na lang ang magluto," aniya.
"Nagugutom na ako," reklamo ko.
"Ikaw na lang muna magluto."
"Punyeta!" singhal ko at walang nagawa kundi palitan siya bilang kusinera. I swear, malilintikan talaga 'to sa akin. What if aminin ko na kayang isa akong Lacson? Hmm? Huwag na lang pala. Gusto ko pang makita ang takot niya kapag bigkasin ko ang apelyido ni Mommy e.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon