MY BOSS, MY BODYGUARDby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 9
Unedited...
"Jessie? Tawag ka ng housekeeping, pakipalinis nga ako ng banyo." Utos ni Kale.
"Sige po," magalang na sagot ni Jessie.
"Wait. Baka puwedeng babae ang palinisin mo?" sabi niya na ikinakunot ng noo ni Jessie.
"Ho?"
"Sabi ko, babae. Ayaw ko kasi ng lalaking maglilinis ng banyo dahil hindi maingat," bilin ni Kale kaya tumango si Jessie at pinatawag na ang housekeeping sa guard.
Mayamaya pa'y pumasok na si Melody na namumutla.
"K-Karlo," usal niya.
"Wala si Boss kaya bilisan mo na ang paglilinis."
"Saan siya?" tanong ni Melody.
"Umalis, may meeting daw," sagot ng binata at iginiya si Melody sa CR.
"Anong gagawin ko rito?"
"I-rearrange mo ang mga gamit," sagot ni Kale.
"H-Huh? Maayos naman 'to ah."
Napakamot sa ulo si Kale. "Iyon ang utos niya e. Kung ayaw mo, hayaan mo na lang. Sabihin ko na lang na okay na 'yan sabi mo."
Napasimangot si Melody. "May sayad na talaga 'yang Kale na 'yan!" mahinang sabi ni Melody.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko may sayad na siya!" prangkang ulit ng dalaga at hinarap si Kale. "Imagine, kung anu-ano ang pinapagawa sa amin eh, wala namang kabuluhan. Kung ako lang talaga ang mayaman, makikita talaga ng Kale na 'yan!"
"Bakit? Anong gagawin mo?" tanong ni Kale na sinundan si Melody sa loob ng banyo.
"Sasampalin ko siya at dudurugin gamit ang kamao ko!" gigil na sagot ni Melody habang isa-isang kinuha ang mga gamit at inilapag sa sahig para ayusin muli.
"As if na kaya mo."
"Kaya ko 'yon!" pagmamalaki ni Melody.
"Isumbong kita. Naka-video ka," biro ni Kale.
"Kyah! Joke lang. Ano ka ba!" tili ng dalaga at tumingala kay Kale. "Alam mo namang hindi ko 'yon magagawa eh."
"Bahala ka." Tinalikuran niya ang dalaga pero hinabol siya nito.
"K naman, nagbibiro lang ako eh," naiiyak na sabi ng dalaga. "Burahin mo."
Humarap si Kale at tumawa nang malakas. "Joke lang, Melody. Magtrabaho ka na nga."
"S-Sure ka?"
Ginulo niya ang buhok ng dalaga. "Ako ang nagpapasok sa 'yo rito kaya hindi kita ipapahamak kahit na palagi mo pa ak--nilalain ang boss natin.
"Hmp! Tanga naman talaga siya," ani Melody at bumalik na sa banyo. At least kampate siyang kakampi niya si Karlo.
"Sir?"
"Bakit nandito ka?" galit na tanong ni Kale kay Jessie.
"S-Sir..." Nagulat siya. Kanina lang, maganda ang mood nito pero bakit biglang umiba?
"Hindi pa kita pinapatawag kaya huwag kang pumasok!" mahina pero pagalit pa ring sabi ni Kale. Paano kapag marinig sila ni Melody? E di buko siya. "Basta labas ka muna. Mamaya ka na pumasok kapag kailangan kita." Kulang na lang ay itulak niya palabas ang dalaga.
"Ma'am Jessie," tawag ni Melody nang masilip ang secretary.
"Labas na!" Mahinang utos ni Kale na salubong na ang kilay tapos mahina pa siya nitong tinulak kaya halos liparin na ni Jessie ang paglabas ng pinto.
Binalikan niya si Melody na inaayos ang mga gamit.
"Bakit pala gusto mo ako maging girlfriend sa kung ano mang araw iyon?" curious na tanong ni Melody.
"Wala akong matinong ipakilala sa kanila," sagot Grey.
"Matino na ba ako? Eh hindi naman ako mayaman at maganda," sabi nito.
"Iba ang tinutukoy kong katinuan."
"Huh?"
"Kung may pinakasirang utak, ikaw 'yon, Melody."
"Kapal mo, K!"
Ngumisi si Karlo. "Bilisan mo na bago pa bumalik ang boss natin."
"Boss nating sira ulo rin," ani Melody. Medyo kampante na siya kapag si Karlo lang ang kasama dahil hindi naman siya nito isusumbong.
"Alam mo, kung anu-ano na ang tinatawag mo sa boss mo, isumbong na talaga kita."
"Killjoy mo, joke lang 'yon. Kapag isumbong mo ako, hindi na kita mababayaran."
"Tinakot mo pa ako."
"Hindi naman, pinapaalala ko lang," ani Melody at sinubukang maayos nang maigi ang mga gamit.
Tinalikuran siya ni Kale at bumalik sa mesa. Pagkatapos ng mahigit 30 minuto, lumabas na si Melody.
"Tapos na."
Nakahiga si Kale sa couch kaya nilapitan niya ito. Napatitig siya sa maamo nitong mukha habang natutulog. As of now, ito ang pinakaguwapong bodyguard na nakita niya ng personal. Ang kinis pa ng mukha at well, medyo mabait naman sa kaniya.
Iniwas niya ang mga mata nang dumilat ang binata.
"Tapos na. Pasabi sa amo mong siraulo na tapos na ang walang kuwentang pinapagawa niya sa akin."
Tumayo si Kale. "Mamaya ka na lumabas, nag-order ako ng lunch natin."
"May trabaho pa ako."
"Sagot kita sa department ninyo, kain ka muna." Napasulyap si Kale sa wristwatch. "Mag-aalas dose na, alas sais pa tayo kumain. Lunchbreak na rin ngayon."
"Sige na nga," pagpayag ng dalaga at sumama kay Kale sa mini kitchen ng opisina.
Nang matapos silang kumain, pinaalis na siya ni Kale.
Nang makalabas si Melody, saka niya tinawag si Jessie.
"Pakiligpit ng mesa," sabi niya.
"Sige po," ani Jessie. Gusto sana niyang magreklamo dahil dito naman galing ang isang tigalinis pero mas minabuti niyang manahimik at sundin ang boss dahil baka umiba naman ang mood nito.
" Dalawa ang plato?" bulong niya. Possible kayang dito rin kumain ang babaeng 'yon? Ipinilig niya ang ulo. Hindi naman puwede. Hindi kaya nakikisalamuha ang boss niya sa mga empleyado at mas lalo na sa housekeeping department.
Nang matapos, lumabas si Jessie. Napansin pa niyang malalim ang iniisip ng boss niya.
"Jessie?" tawag ng kasama niyang kakapasok lang.
"Bakit?"
"Kain tayo, dali," nagmamadaling sabi ni Ara.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?"
"Mag-break ka na, may movie sa canteen."
"Pinagsasabi mo?"
"May inaapi na naman ang medical director sa canteen," pagbalita niya. Tigre pa naman ang director na 'yon. "Naku, kawawa lang 'yong babae. Kilala mo naman si Ma'am Lanie kapag magalit."
"Sino?" curious na tanong ni Jessie. Ngayon pa lang ay naawa na siya sa kung sino man ang kalaban nito.
"'Yong bagong housekeeper," sagot nito.
"Ang galing dito?"
"Oo, sinabunutan niya eh," sagot ni Ara.
Bogsh!
Nagulat sila nang pabagsak na sumara ang pinto.
Nagmamadaling pumasok si Kale sa elevator para pumunta sa canteen. Palabas na sana siya nang marinig ang usapan ng dalawang babae at hindi siya puwedeng magkamali, si Melody ang tinutukoy ng dalawa.
"Damn! Ano na namang katangahan ang ginawa niya?" naiinis na sabi niya at halos suntukin na ang elevator para bumukas sa next floor. Nang bumukas, agad siyang tumakbo patungo sa canteen.
"Sa susunod, kilalanin mo kung sino ang binabangga mo!" nakapamewang na sabi ng babaeng medical director habang nakayuko kay Melody na nakaluhod sa harapan niya. Bata pa ito, nasa mid 30's ang edad at kilala bilang tigre ng building. Kahit sumakay sa elevator, may tigapindot pa ito.
"S-Sorry po," naiiyak na paumanhin ni Melody. Basang-basa na siya sa binuhos nitong coke sa ulo niya kanina. Nang hindi pa makumtento ay inagaw niya ang isang litrong tubig na hawak ng dumaang empleyado at binuhos ulit kay Melody. Natapon niya ang coke kanina kaya pinatawag niya ang housekeeping saka pilinis niya ang sahig pero sa kamalasan ni Melody, natamaan ng mop ang kanang paa niya kaya nagtitili ito dahil ang dumi raw ng mop at sa inis ay binuhusan ng coke si Mira.
"Hindi ka ba marunong maglinis sa bahay ninyo?" Kinuha niya ang mop at akmang ihampas kay Melody nang may pumigil sa kamay niya kaya nabitin sa ere. Biglang tumahimik ang lahat.
"Subukan mong ihampas 'yan sa kaniya at ulo mo ang ihahampas ko sa pader!" Nanginginig ang kamay na sabi ni Kale dahil sa galit. Tila naestatwa ang mga tao sa paligid habang nakatingin sa kanila at nakialam na nga ang may-ari ng kompany.
"K-Kale," usal ni Lanie na med director. Puwersahang binitiwan siya ni Kale at hinubad ang jacket saka ipinatong sa likod ni Melody na nakaluhod pa rin.
"Tumayo ka," mahinang wika ni Kale habang nakayuko sa dalagang basang-basa.
Napatingala si Melody nang marinig ang boses ni Kale. Nakailang kurap pa siya at hindi siya dinadaya ng mga mata, ang kaibigan talaga ang nakikita niya.
"K-K..." usal niya at pinahidan ang mga luha. Para siyang batang binu-bully at nakahanap ng kakampi.
"How dare you na tawaging K ang boss natin?" bulalas ng director. Walang sino mang tumawag na K sa boss nila maliban sa pamilya at malapit na kaibigan nito.
"Tumayo ka sabi!" singhal ni Kale kaya natarantang tumayo si Melody.
"Sir, hindi siya marunong maglinis at hindi siya marunong kumilala ng boss niya," sabi ni Lanie pero hindi siya pinansin ni Kale.
"Sinaktan ka ba nila?" tanong ni Kale. Umiling si Melody at napatingala sa binata na nagtatanong ang mga mata.
"Sir? I suggest na patalsikin mo sa trabaho 'yan," suhestiyon ni Lanie. Bilang medical director, alam niyang may boses naman siya sa kompanyang ito.
"K-K? Bakit--"
"Stop calling him, K!" singhal ni Lanie. "Sir, please, pakitanggal sa trabaho ang babaeng 'yan. Paano kapag magkalat siya kung may client na pumunta--"
"You're fired," walang gatol na sabi ni Kale kaya napakunot ang noo ni Lanie. Hinarap siya ni Kale.
"Mahirap o mayaman, you should respect my employees."
"S-Sir--"
"From now on, blocklisted ka na sa lahat ng company ng Villafuerte, Bautista, Montenegro, Rodriguez, Angeles, at higit sa lahat, Lacson!"
Napasinghap ang mga tao sa paligid lalo na si Melody. Hindi pa gumagana ang utak ng dalaga pero alam niyang may mali. May hindi tama sa naririnig niya.
"Pero sir--"
"Halika na, Melody!" sabi ni Kale at hinawakan ang kanang kamay ng dalaga. Nagulat ang mga empleyado dahil wala naman itong tinatawag na empleyado sa pangalan. Ne hindi nga nito kilala ang may matatas na katungkulan.
"K--" Magsasalita pa sana siya pero hinila na siya ni Kale palabas ng canteen. Habang naglalakad, napapagilid ang mga nakakasalubong nila kaya napapayuko rin ang dalaga.
Bumukas ang elevator at marami ang sakay pero agad na nagsilabasan nang makita si Kale.
Pumasok si Kale saka pinindot ang ground floor. Ne hindi makapagsalita si Melody. Lalo na't takot ang nakakasalubong nila sa binata.
Pagbukas ng elevator, binati si Kale ng mga nag-aabang sa labas ng elevator.
"Morning, sir," sabay na bati nila at napasulyap kay Melody na hawak ni Kale ang kamay.
" Sana mali ako. Sana panaginip lang 'to," panalangin ni Melody habang nagpapahila kay Kale patungo sa parking lot.
"Pasok!" Utos ni Kale kaya dali-dali siyang pumasok sa kotse.
Matulin ang pagpatakbo ni Kale kaya tahimik na nag-iisip si Melody. Ang dami niyang gustong itanong pero badtrip si Karlo.
" Karlo nga ba ang totoo niyang pangalan?" tanong na naman niya at napakagat sa ibabang labi.
Nang makarating sila sa condominium, walang imik na sumunod siya kay Kale hanggang sa makarating sila sa unit nila.
"Magbihis ka, basa ka." Utos ni Kale pero sa halip na sundin, nanatiling nakatayo si Melody.
"T-Tama ba ang mga narinig ko kanina?" panimula ng dalaga habang nakayuko. "Tinawag ka nilang sir at Kale."
Napabuntonghininga si Kale habang nakatingin sa dalagang nakayuko.
"Magbihis ka na."
"Sagutin mo ako!" malakas na sabi ni Melody. "I-Ikaw ba ang boss ko at i-ikaw si Kale?"
"Magbihis ka muna at mag-usap tayo."
"Sagutin mo ako!" Pagmamatigas ni Melody. She needs an answer. Nahihirapan na siya at gusto niya ng agarang kasagutan. "Ikaw ang boss ko?"
"Yes," pag-amin ni Kale. May choice pa ba siya?
Nanlaki ang mga matang tumingala si Melody kay Kale.
"I-Ikaw ang boss ko?" wala sa sariling tanong niya. Ang lalaking sinukahan niya, bumuhat sa kaniya, nagpapakain at inakala niyang bodyguard, boss niya?
"You mean, ang nirerespeto at tinitingala ng lahat, pero tinatawag mo lang na tanga at siraulong boss mo?" tanong ni Kale kaya iniwas ni Melody ang mga mata at napayuko. Hiyang-hiya siya sa sariling katangahan.
"H-Hindi ko po sinasadya, sir. Hindi po talaga. Sorry po," paumanhin niya habang nakayuko na para bang isang hari ang kausap. Gusto na niyang maglaho sa mundo. Ito na yata ang pinakatanga niyang ginawa sa buong buhay niya.
"Sorry po talaga." Tumalikod siya at tatakbo sana pero nahawakan siya ni Kale sa kanang braso.
"You're not going anywhere!" madiing sabi ni Kale. "Pasok sa kuwarto mo at magbihis ka."
"Pero--"
"Sundin mo ako! Now!"
Natarantang tumakbo si Melody papasok sa kuwarto niya. Hindi na talaga siya lalabas dahil wala na siyang mukhang ihaharap. Nakakahiya siya.