MY BOSS, MY BODYGUARD
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 8
Unedited....
"Problema mo?"
"Wala."
"Meron."
"Wala."
"Hey!" malakas na sigaw ni Kale kaya napatigil si Melody sa paglalakad. "Tumigil ka dahil kanina pa ako nahihilo sa 'yo."
"K-Kale?" parang natataeng wika ni Melody.
"What?"
"G-Galit sa akin ang boss natin," parang batang sumbong niya.
"Bakit?" Ipinatong ng binata ang mga paa sa center table at pinagmasdan si Melody na napapakagat sa right thumb nito.
"K-Kasi hindi ako kaagad nakapunta sa kaniya."
"Ah, kaya pala mainit ang ulo niya kanina," sabi ni Kale na ikinalaki ng mga mata ni Melody. "Kapag badtrip siya sa isang bagay o tao, hindi mo na mababago ang mood niya. Kaya pala halos sigawan na niya kaming lahat kanina."
"T-Totoo ba?"
Tumango si Kale kaya nanghihinang naupo si Melody sa tabi niya at napayuko.
"H-Hindi ko naman talaga kasalanan e. Ang secretary lang niya siguro ang late na tawagin ako."
"Pero hindi naman siya galit kay Jessie, binilhan pa nga niya ng pagkain ito bago umuwi eh," sabi ni Kale kaya napabuntonghininga si Melody.
"K-Karlo?" nauutal na tawag niya saka tumingala sa binata. Alam niyang malapit ito sa boss nila kaya makiusap siya rito. "B-Baka puwede mong masabing wala akong kasalanan? Isa pa, hindi ko talaga sinasadya."
"Hindi 'yon maniniwala sa akin. Isa pa, ako na naman ang pag-initan nu'n kapag malamang ako ang nagpapasok sa 'yo," depensa ni Kale.
Mahaba ang katahimikang namayani sa pagitan nilang dalawa. Nagulat si Kale sa sumunod na ginawa ni Melody.
"Shit! Ano bah!"
"K-Karlo!" naiiyak na sabi ni Melody habang yakap ang kaibigan. "I-Ikaw na lang ang pag-asa ko, t-tulungan mo naman ako oh."
"Hey! Bitiwan mo ako!" nagpupumiglas na sabi ni Kale pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap ng dalaga.
"Paano ba humingi sa kaniya ng sorry? Ayaw kong masisante," malungkot na sabi niya kaya nakaramdam ng pagka-guilty ang binata pero kaunti lang.
"Hayaan mo, kakausapin ko si Boss," napilitang sabi ni Kale.
"T-Talaga?" nakatingalang tanong ni Melody.
"Psh, para kang tuta," sabi ni Kale saka ginulo ang buhok. "Mag-isip ka na nga ng kakainin natin."
"Basta Karlo, tulungan mo ako sa boss natin." Tumayo si Melody. "At dahil diyan, ipagluluto kita ng napakamasarap na ulam!"
"Pritong isda lang naman ang iluluto mo kaya kilos na," sabi ni Kale kaya masayang tumungo si Melody sa kusina at naghanda ng makakain.
"Pathetic," bulong ng binata habang pinagmamasdan si Melody. Kanina pa kasi ito iyak nang iyak dahil may nagawa raw na kasalanan sa opisina. Ne hindi pa nga raw sila nagkita ng boss, napagalitan na siya. Inabot niya ang telepono sa tabi.
"Kung hindi ka lang talaga isip bata," napailing na sabi niya habang dina-dial ang hotline ng Jollibee.
Nang natapos siyang mag-order, pinuntahan niya si Melody sa kusina at inasar pa lalo.
Nang maluto ang ulam, naghain ang dalaga para makakain na sila.
Biglang tumunog ang telepono kaya si Kale na ang sumagot.
"Wait lang, may kukunin lang ako sa baba," paalam ng binata saka lumabas na.
"Sana tulungan niya ako," puno ng pag-asang wika ng dalaga at napatitig sa kaning nasa plato. Ito na lang ang trabaho niya ang sinasandalan niya para makabayad ng utang kay Kale. "Kung buhay lang sana kayo, hindi na ako luluwas dito sa Maynila," sabi niya na para bang nasa harapan lang ang mga magulang. "N-Nami-miss ko na kayo."
Patapos na siyang kumain nang bumalik si Kale.
"Oh."
"Ano 'yan?" tanong niya nang may inilapag itong malaking paperbag ng Jollibee sa harapan niya.
"Ubusin mo 'yan." Pautos na sagot ng binata kaya tiningnan niya ang laman: Dalawang Jolly spag, tatlong peach mango pie, swirly bitz at large fries.
"Kyah! Kakainin natin 'to?" bulalas niya. Paborito niya ang lahat ng 'to.
"Ubusin mo."
"Ha?"
"Busog na ako kaya ubusin mo 'yan lahat."
"Sure ka?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Kyah!" tili niya. "Thank you, bestfriend!"
"Psh! Para kang bata." Naupo si Kale at inubos ang nasimulan niyang pagkain habang si Melody naman ay busy sa in-order na pagkain sa Jollibee.
"Satisfied?" tanong ni Kale nang maubos nito ang dalawang jolly spaghetti.
"Yes. Medyo okay na ako." Gumaan na ang pakiramdam niya lalo sa ice cream.
"Good," ani Kale.
"Thank you," taos-pusong pasalamat ni Melody. "Hindi ko alam kung paano kita mababayaran."
"Stay alive," ani Kale at kumuha ng isang french fries at kinain.
"H-Ha?"
"Huwag mong hayaang mamatay ka habang nasa iisang bubong lang tayo umuuwi," seryosong sabi ni Kale. "Responsibilidad kita."
"K-Karlo..."
Tumayo si Kale.
"Matulog ka na," ani Kale at iniwan si Melody para ubusin ang natitirang fries at pie.