7

2.4K 91 3
                                    


MY BOSS, MY BODYGUARD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 7

Unedited...

Hindi siya makatulog kaya lumabas siya sa kuwarto niya at tumungo sa kusina saka naghanap ng makakain.
"Baka magising siya," bulong niya matapos kumuha ng milktea at donut sa loob ng ref. Or mas bagay na tawaging 'nagnakaw' dahil kay Kale naman talaga iyon.
Binilisan niya ang pagkain para makabalik na sa loob. Paubos na ang donut nang biglang lumiwanag ang buong paligid.
"Seriously? Kumakain ka sa dilim?" hindi makapaniwalang tanong ni Kale na nakapajama. "Para kang magnanakaw." Hindi rin siya makatulog kaya naisipan niyang lumabas para mag-vape pero nakarinig siya mg kaluskos sa kusina kaya naging alisto siya.
Inubos muna ni Melody ang donut saka hinarap si Kale.
"Nagutom ako, budz. Akin na 'tong milktea mo ha."
"Psh! Akala ko ba, ayaw mo niyan?"
Napayuko si Melody. Kaninang dumaan sila sa GongCha, ayaw niyang magpabili ng milktea dahil ayaw niya ng lasa.
"K-Kasi nauuhaw na ako," depensa niya. Ito lang ang nakita niya kaya ito na rin ang ininom niya. "Nagising ba kita?"
"I can't sleep," sagot ni Kale.
"Iniisip mo siguro ang girlfriend mo noh?"
"Shutup!"
"Huwag ka nang mahiya, K. Alam kong may girlfriend ka na. Impossibleng wala pa."
"Bahala ka sa iisipin mo," tinatamad na sabi ni Kale.
"Hmm? Or baka gusto mo mayaman? Kung sabagay, sayang din naman ang kagwapuhan mo kapag--"
"Melody? Guwapo ba ako?" seryosong tanong ni Kale kaya napakunot ang noo ng dalaga.
Sinipat niya ang mukha ni Kale. Makinis. Walang tigyawat. Matangos ang ilong. May pagkachinito. Patulis ang tainga na bumagay naman sa muka nito.
"Guwapo ka," sagot niya. "May pagkasuplado nga lang."
"What?" salubong ang kilay na tanong ni Kale.
"Kagaya ngayon, see? May pagkasuplado ka talaga tapos minsan ka lang mag-smile."
"Psh!"
"Gusto kong nakangiti ka parati, K. Mas lalo kang gumaguwapo. Isa pa, bagay sa 'yo ngayon ang bagong gupit, mas bumata ka tingnan."
"T-Talaga?" tanong ni Kale. Kailan nga ba siya huling nakarinig ng compliment? Hindi na niya maalala. Oo nga't marami ang nagsasabing pogi siya pero alam niyang prangka si Melody at hindi nagkukunwari para makuha ang atensiyon niya. For him, it's a compliment.
"Oo, tapos ang bango mo pa. Kaya alam kong marami ang naghahabol sa 'yo."
Napakamot sa ulo si Kale at napangiti pero agad namang sinaway ang sarili. Malay ba niya kung binobola lang siya ni Melody.
Napahawak sa likod si Melody at napangiwi.
"Are you okay?"
"Masakit lang ang likod ko," tugon nito. "Baka nasobrahan lang ako sa paglilinis kanina sa opisina ng boss natin." Humarap siya kay Kale. "Baka naman mahilot mo ako?"
"What? Are you kidding me?" bulalas ni Kale at napabuga sa hangin.
"Ay, paano ka magugustuhan ni Miss Morena kung hindi ka marunong magmasahe?"
"Niloloko mo ba ako, Melody?" madilim ang mukhang tanong ng binata.
"Hindi ah. Okay lang naman kung hindi ka marunong. Isa pa, malaki naman ang sahod mo kaya may pambayad kayo sa masahista."
"You're teasing me, aren't you?" nakapamewang na tanong ni Kale.
Tumayo si Melody. "Hindi ah. Okay lang kung hindi. Maghahaplas na lang ako ng efficascent oil." Naglakad siya pabalik sa kuwarto pero nang nasa sala na siya, pinigilan siya ni Kale at patulak na pinaupo sa couch.
"K-Kale..."
"Imasahe kita!"
"Huwag--"
"Kapag hindi ka papayag, babaliin mo ang buto mo!"
Napilitang dumapa si Melody.
Itinaas ni Kale ang tshirt nito at sinimulan niyang masahehin ang likod ng dalaga.
"Aah. Masarap, K. Gusto ko 'yan," nasasarapang sabi ni Melody. Ang tagal na niyang hindi nakapahilot. Ang nagmamasahe lang sa kaniya ay ang nanay niya pero ang aga nitong kinuha sa kaniya.
"Dami mong libag!" reklamo ni Kale habang idinidiin ang mga daliri. Kabisado niya ang katawan ni Melody at alam niya kung nasaan ang pilay nito.
"Ouch!" daing ni Melody.
"Kukuha lang ako ng lotion," paalam ni Kale saka tumayo at pumasok sa kuwarto para kumuha ng lotion. Pagbalik niya, nakapikit na si Melody.
Napatitig siya sa likod nitong nakataas ang tshirt. Ang kinis at puti ng balat ng dalaga na malayo sa balat ni Mayumi.
"Are you awake?" tanong niya pero mahinang hilik ang isinagot ni Melody kaya napailing siya. "You must be tired," bulong niya at inayos ang damit nito.
Napangiti siya nang titigan ang mukha ni Melody na bahagyang nakabuka ang mga bibig.
Wala siyang choice kundi buhatin ang dalaga papasok sa silid nito. Malapit siya sa ina at kakambal kaya hindi niya kayang pabayaan ang mga babaeng nangangailangan lalo na kung nanganganib ang buhay nito.
Nang ilapag niya si Melody sa kama, naalala niya si Mayumi. Ganito rin sila noon. Kapag malasing si Mayumi at nasa trouble, he was there to rescue her. Pero hanggang ngayon, hindi nito nakita ang halaga niya bilang isang lalaki.
----------------
Napaunat siya ng mga kamay.
"Hmm, ang sarap sa pakiramdam," wika niya at naupo sa kama. Ang gaan ng katawan niya. "Ang sarap talaga magpamasa--" Natigilan siya nang mapansin ang paligid. Nasa kuwarto na siya. "Oh my--nasa sala pa ako kagabi ah."
Sa pagkakatanda niya, nagpapamasahe siya kay Kale.
"Hala," Napatutop siya sa mga labi at napatingin sa sarili. May saplot pa naman siya at wala namang masakit sa kaniya. Ang sarap pa nga ng pakiramdam niya eh.
"Hindi ka pa ba gagayak?" Napatingin siya sa pintuan. Nakatayo si Kale at nakabihis na ito. "Firstday ng boss ko ngayon, 'di ba?"
Nanlaki ang mga mata niya at napasulyap sa bedside clock.
"Kyah! Bakit hindi mo ako ginising?" pasigaw na sabi niya at tumakbo patungo sa banyo para maligo.
"Psh, ano ako, yayo?" bulong ni Kale saka lumabas at hinintay si Melody sa sala.
Matapos ang laminglimang minuto...
"Tara na?" natarantang sabi ni Melody habang hawak ang suklay.
"Hindi ka ba kakain?"
"Huwag na, mamaya na lang sa lunch."
"Magugutom ka," sabi ni Kale.
"Late na ako. Paano kapag mauna pa ang boss natin?" kinakabahang tanong ni Melody. This is her big day. Sa wakas ay mami-meet na niya ang boss nila pero mas nababahala siya para sa katangahan.
"Mamaya pa 'yon, kain muna tayo."
"Karlo--"
"Tumatawag 'yon kapag papunta na kaya chill," sabi ni Kale.
Umiling si Mira.
"Ayaw ko ng isyu kaya tayo na."
"Fine," pagsuko ni Kale at sumama na sa labas.
Nagmamadaling pumasok sa elevator si Melody habang sinusuklay ang buhok.
"Tumatalsik ang basa mo sa akin," reklamo ni Kale. "Ayan kasi,tulog ka nang tulog."
"Sorry na, masarap kasi ang masahe mo," paumanhin ni Melody at napatingala kay Kale. "Salamat pala ha, nawala ang pagod ko physically."
"Wala iyon," sabi ni Kale at napasulyap sa dalagang itinatago na ang suklay sa backpack nito. "Hindi ba dapat maglagay ka ng light makeup o pulbo man lang dahil makikita mo na ang boss mo?"
"Wala nang time. Isa pa, hindi ako mahilig," sagot ni Melody.
"Ayaw ng boss mo ng babaeng walang kaayusan sa katawan," sabi ni Kale. Kapag hindi niya ito nakilala bago ipasok, hindi talaga niya ito tatanggapin. Ang gulo nito tingnan. Mas mahalaga sa kaniya kapag neat and clean ang empleyado niya at kahit na tigalinis, kailangan may light makeup.
"Bukas," sabi ni Melody.
"Bahala ka, pero sinasabi ko na, kapag makita ka niyang ganyan,papatalsikin ka talaga niya."
Napatingala ulit si Melody kay Kale na tinaasan siya ng kilay.
"S-Sige, mamaya na lang ako mag-aayos."
Paglabas nila sa elevator, naging alerto ulit si Kale hanggang sa makasakay na sila sa sasakyan.
Habang nasa biyahe, inayos ni Melody ang sarili. Naglagay rin siya ng kaunting pulbo at liptint.
"Okay na ba ako?"
Napasulyap si Kale sa salamin. "Not bad."
"Haist! Bakit ba ako nagpapakaganda para lang sa boss na 'yon? Hindi naman siya hari!" naiinis na sabi ni Melody.
"Empleyado ka," paalala ni Kale.
"Hindi naman niya ako mapapansin. Baka nga siya pa ang umiwas sa akin eh," aniya. Ano pa nga ba ang i-expect niya? Hindi naman siya ang tipo ng babaeng magkandarapa sa isang lalaki kahit na gaano ito kaguwapo.
Ipinagpatuloy ni Kale ang pagmaneho hanggang sa huminto na sila sa parking lot.
"Mauna na ako, bye!" paalam ni Melody at nagmamadaling lumabas saka patakbong pumasok sa building kaya napailing si Kale.
"Para siyang ewan," bulong ni Kale saka lumabas at inayos ang sarili. Hindi siya nakapang-office attire dahil kasama niya si Melody. May damit naman siya sa loob ng opisina niya kaya roon na lang siya magpalit mamaya.
"Good morning, sir," magalang na bati ng guard.
Naglakad siya patungo sa elevator. As expected, napatingin ang lahat ng empleyado sa kaniya. Ang iba ay naiilang na at ang iba ay may pagkamangha sa mga mata nila.
"Ang mga nag-aabang ng elevator ay tumabi nang makita siya.
"Morning, sir," bati ng mga ito pero as usual, hindi niya binati ang mga ito.
Papasara na ang pinto nang pindutin niya ulit. Napa-smirk siya nang makitang nakayuko si Mira sa loob kaya pumasok siya.
"K-Karlo," usal nito nang mapansing sila lang ang tao sa loob ng elevator. "Bakit ka nandito?"
"Pinapadaan ako ng boss natin," sagot ni Kale. Hindi siya sanay na may kasama sa elevator dito sa opisina pero dahil madalas naman niyang kasama si Melody, hindi na iyon big deal sa kaniya.
"Ganoon ba? Papunta na siya?"
"Oo," sagot ni Kale na nag-iisip kung ano ang gagawin niya kay Melody.
Nagulat siya nang hawakan ng dalaga ang kanang kamay niya.
"K-Kinakabahan ako, K," ani Mira.
Napangiti si Kale nang maramdaman ang namamawis nitong kamay.
"Kaya mo 'yan," sabi ni Kale at hinila ang kamay mula sa dalaga. Bumukas ang elevator.
"Mauna na ako, K," paalam ni Melody saka lumabas na. Pinindot ni Kale ang elevator patungo sa floor nila.
Paglabas niya, binati siya ng mga empleyadong nakasalubong niya.
"Good morning, sir," bati ng secretary niya.
"Pakidala ng lahat ng pipirmahan ko sa loob." Utos niya.
"Yes, sir," magalang na sabi ng dalaga. Noong una, naiilang siya sa boss pero nang maglaon ay nasanay na siya sa ugali nitong may pagkaseryoso at hindi palangiti. Maliban doon, wala na siyang maireklamo pa dahil mabait naman ito kaysa sa ibang boss. Wala itong pakialam sa mga empleyado at hindi rin nakikihalubilo.
Tumalima siya para kunin ang mga papeles.
Dumiretso si Kale sa mesa at binuksan ang computer niya. Iginala niya ang paningin. So far ay malinis naman at nasa ayos ang lahat.
"Heto na po, sir," sabi ni Jessie.
"Salamat."
"May kailangan pa po kayo, sir?" tanong ni Jessie.
"Pakipatawag naman ako ng naglilinis," utos niya.
"May ipapagawa ba kayo?" tanong ni Jessie dahil sa pagkakaalam niya, lahat ay nasa ayos niya. Alam kasi niyang medyo maselan ang boss pagdating sa kalinisan.
"Gusto ko lang makita ang bagong empleyado," sagot ni Kale na ipinagtataka ni Jessie. Kailan pa nito gustong makita ang bagong empleyado at tigalinis lang?
"Sige po, ipapatawag ko siya."
"Sige, magbibihis lang ako," sabi ni Kale.
Nang makalabas ang secretary, nagpalit siya ng damit pang opisina.
Nang makalabas siya, bumalik siya sa table at tiningnan ang cellphone. Nakailang missed calls na pala si Melody sa kaniya.
"Idiot," bulong niya matapos mabasa ang text ni Melody na kinakabahan daw ito dahil pinapatawag ng boss.
Nakailang segundo na siyang nakatitig sa screen ng computer pero wala siyang maisip na gawin.
"Ano kaya ang magiging reaksiyon niya? Tatalon kaya siya o tatakbo?" tanong niya sa sarili at napangiti nang ma-imagine ang gagawin ng dalaga.
"S-Sir," naiilang na tawag ni Jessie kaya natauhan si Kale.
"Yes?" tanong ni Kale.
"O-Okay lang ho ba kayo?"
Napakunot ang noo ni Kale. "I'm fine, why?"
"Ahm... N-Nakangiti kasi kayo," puna ni Jessie. Minsan lang niyang nakikitang masaya ang boss kaya nagtataka siya.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Kale.
"Bakit nandito ka?"
"Ahm, kuwan. Nasa labas na po ang bagong tigalinis," sagot ni Jessie.
"Ganoon ba? Pakisabing bumalik na siya sa trabaho, busy na ako," sabi ni Kale at kinuha ang isang folder para masabing busy nga siya.
"Sige po," sagot ni Jessie.
"Ahm, Jessie?" tawag ni Kale nang palabas na ang secretary. "Pakisabi pala sa kaniya na hindi tamang ang tagal niyang pumunta. Kilala mo ako, ayaw kong pinapahintay ako."
"S-Sige po," magalang na sagot ni Jessie. Bipolar na yata ang bosa niya? Kanina lang ang saya pa nito pero ngayon, ang suplado na naman.
Nang isara ni Jessie ang pinto, saka natawa si Kale. Tiyak iiyak na naman si Melody mamaya. Nagbago na ang isip niya. Mas okay siguro na hindi muna niya ipaalam kay Melody na siya ang boss nito para mapakinggan pa niya ang mga hinaing nito tungkol din sa kaniya.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon