16

2.6K 96 0
                                    

MY BOSS, MY BODYGUARD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

Unedited....

"Good morning, sir!" masiglang bati ng babaeng halos kasing edad lang nila.
"Morning," tipid na sagot ni Kale.
"This way, sir."
"Hindi na ba kami mag-log o register?"
"Okay na po ang lahat," nakangiting sabi ng babae na siya na ang bahala sa lahat bago pa sila dumating.
Iginala ni Melody ang paningin sa buong paligid habang naglalakad sa bridge na nagkokonekta sa mga cottage na gawa sa nipa ang bubong at kahoy naman ang dingding. Napapalibutan din ng iba't ibang puno ang buong paligid.
"Halika," sabi ni Kale nang pumasok ang babae sa isang cottage.
"Ito po ang cottage ninyo," sabi ng babae.
"Ano pala ang pangalan mo, Miss?" tanong ni Melody sa babe.
"Charis po," sagot ng babaeng nginitian si Melody.
"Hi, Charis, salamat."
"Enjoy po kayo. Kapag may problema kayo, alam na ni Sir Kale kung paano ako ma-kontak."
Pumasok sila at inilibot sila ni Charis sa buong silid pati sa kuwarto.
"Ito na po ang susi nitong suite ninyo," sabi ni Charis at ibinigay kay Kale ang susi na may nakalagay na 'River suite 4'.
Nang makalabas si Charis, pumunta si Melody sa balkon matapos niyang ilapag sa kama ang mga backpack.
"Ang ganda rito," sabi niya at nilanghap ang napakasariwang hangin. Nakaharap ang suite nila sa napakalinis at habang ilog. May maliliit ng punong kahoy sa gilid ng river.
"May swimming pool dito," sabi ni Kale. "Gusto mong maligo, honey?"
"Pagod ako sa biyahe, gusto ko munang kumain at matulog."
"Sure. Magpapadala ako ng pagkain kay Charis," sabi ni Kale. "Gusto ko na ring matulog tayo."
"Dalawa ang kama."
"Oo, dalawa nga pero nasa atin na iyon kung gamitin natin ang isa," makahulugang sabi ni Kale na ikinasimangot ni Melody.
"Alam mo, hindi na ako dapat na nakikiisa sa inyo dahil wala naman akong pakailam sa mga humahabol sa akin!" pikong sabi ni Melody.
"Mas lalo na ako. Sa pagkakaalam ko, libre lang 'tong pagiging bodyguard ko sa 'yo. Pakialam ko sa kaso ninyo dahil kaya naman naming protektahan ang isla laban sa kanila," sabi ni Kale at naupo sa pabilog na duyan na gawa sa ratan.
"Bakit ba dumaan tayo rito? Sa pagkakaalam ko, sa Bilar si Ariane Torregoza?"
Nag-de-kuwatro si Kale habang pinagmasdan ang dalagang nakatayo sa harapan niya.
"Kasi gusto kong mag-relax muna tayo, Honey."
"Kainis!" Padabog na pumasok siya sa kuwarto. Naramdaman niya ang pagsunod ni Kale sa kanya.
"Magsyota na tayo kaya sana i-enjoy mo naman ang moment na 'to. Maganda ang lugar," sabi ni Kale na iginala ang paningin sa buong silid. Kulay puti ang bedsheet at green naman ang pillowcases tapos may tatlong bagong tisyu sa gilid.
"Ano ba ang ibig sabihin nito? Nandito ba talaga ang hinahanap natin?" Nagdududa na siya.
"Ayon sa source, nandito si Ariane," sagot ni Kale. "Pero to be honest, gusto kong mapuntahan natin ito."
"Bakit?"
"Because we are dating!" sagot ni Kale na ikinabigla ni Melody.
"Dating?" tanong niya nang mahimasmasan. "Talagang naisip mo pa 'yan sa ganitong sitwasyon?"
"Why not? Hindi na nga tayo nagde-date sa Maynila e," sabi ni Kale. "Kaya sulitin na natin dito sa Bohol. Malay mo, sa lugar na ito tayo makakabuo ng masayang pamilya?" pilyong sabi niya.
"Hindi ka nakakatuwa, Kale!"
"Bakit ba napakasuplada mo, Honey?"
Nahiga si Melody sa kama. "Inaantok ako kaya hayaan mo akong matulog, maliwanag?"
Nagtalukbong siya. Infairness, ang bango ng kumot nila. Unlike sa ibang hotel na matapang ang amoy dahil siguro sa gamit na fabcon.
Dahil sa pagod at labis na pag-iisip sa pagkatao ni Ariane, nakatulog kaagad si Melody.
Pagising na ang diwa niya nang maramdaman ang mabigat na bagay sa bewang niya kaya dahan-dahan siyang nagmulat.
Napatingin siya kay Kale na mahimbing na natutulog habang yakap siya. Gusto sana niyang gisingin at pagalitan ang binata pero narinig niya ang mahinang hilik nito kaya hindi siya kumilos. Ngayong natutulog ito, malaya niyang napagmasdan ang maamo nitong mukha. Ang kinis talaga nito at walang kahit na isang pimple. Napangiti siya nang mapadako ang mga mata sa medyo patulis na tainga. Hindi ito kasing tulis ng ama at mga kapatid pero kapag ihanay siya sa mga ito, hindi maikailang magpamilya nga sila.
Hindi naman dahil sa guwapo ito kaya napalagay ang loob niya noong una. Siyempre iniligtas siya nito at itinakas sa headquarters. Pinatuloy sa bahay, prinotektahan at tinulungang makahanap ng trabaho. Siguro hindi lang sila nagkasundo doon sa nagsinungaling itong bodyguard ng boss niya na ito naman pala talaga ang boss. Nagmukhang tanga kasi siya roon at ang dami pa niyang kalokohang ginawa kagaya ng sinukahan niya ito at nagpabuhat pa.
"Nagugutom ka na ba?"
Muntik na siyang napatayo nang magsalita si Kale. Nakadilat na pala ito nang hindi niya napansin dahil napatulala siya.
Napahawak siya sa tiyan nang makaramdam ng gutom. Tumayo siya nang kunin ni Kale ang kamay na nakayakap sa bewang niya.
Uminat si Kale.
"Nagugutom na ako, hindi pa ako kumain dahil nakatulog din ako." Tumayo si Kale at inayos ang sarili.
"Maliligo lang ako," sabi ni Melody habang kumukuha na ng isusuot sa backpack.
"Sige, sabay na tayo," biro ni Kale pero napakamot sa batok nang sinamaan ng tingin ng dalaga. "Sabi ko na nga, mauna ka nang maligo e."
Naunang maligo si Melody. Nang matapos na ang dalaga, si Kale na naman. Paglabas ng binata matapos maligo, nakabihis na si Melody.
"Wait lang, magbibihis lang ako," sabi niya dahil white na tuwalya lang ang nakatakip sa bewang niya. "May floating restaurant dito, doon na tayo kakain."
Pagkatapos nilang mag-ayos ay lumabas na sila at nagpasama kay Charis para pumunta sa floating restaurant. Alas dos pa lang naman ng hapon kaya umaasa silang may available pa ng floating boat. Sa pagkakaalam nila, open ang floating restaurant from 9:30 a.m to 3:00 p.m.
"Ito na po, sir. Hintayin ko na lang kayo. Usually, isang oras lang naman ang cruising ng floating restaurant."
"Okay na, alam na namin kung paano umuwi. Salamat, Charis," pasalamat ni Kale kaya nagpaalam na si Charis na bumalik.
"Hawakan ko lang," sabi ni Kale nang hawakan ang kamay niya. "Para hindi ka madapa."
"Hindi ako lampa!"
Napangiti si Kale. "Sige, para sweet na lang tayong dalawa."
"Kale, wala tayo rito para—"
"Dine-date ka ng guwapo mong boyfriend, Melody, kaya huwag ka na munang mag-inarte, okay?" sabi ni Kale nang makita nila ang floating restaurant.
Dahil matangkad, agaw-pansin si Kale sa ibang turista kaya napapalingon ang ibang babae sa kanila.
"At siyempre para malaman nilang taken na ako," bulong ng binata.
Hindi na nakipagtalo pa si Melody sa kanya.
"Good afternoon po," magalang na bati ng lalaki nang pumasok sila sa floating restaurant. Sinalubong sila ng malamyos na musika.
"Kuha lang ako ng pagkain, okay?" paalam ni Kale matapos siyang pinaupo sa bakante at pang dalawahang table. "Relax lang, ako na ang bahala sa food natin."
Pagbalik ni Kale, may dala itong buko na binutasan sa dulo ng puwet nito at nilagyan ng straw para mainom nila ang fresh buko juice at puwede mong mabiyak para makain ang laman. May dala ring pagkain na nasa plato na ang kasama nitong lalaking server.
"Let's eat!" excited na sabi ni Kale dahil wala pa ngang laman ang tiyan niya. May dalawang pagpipilian ng bangka. Regular at premium. Ang regular at 650 at ang premium buffet restaurant ay 800 pesos na ito na nga ang pinili ni Kale.
Nang magsimula na silang kumain, naramdaman ni Melody ang pag-antar ng sinasakyan nilang bangka kaya mas nakikita nila ang paligid nitong malinis na Loboc River kaya mas lalo nilang nai-enjoy ang Loboc River.
Napatingin si Melody sa mga batang nag-choir para ma-entertain sila.
Napakatahimik ng ilog at habang palayo sila sa daungan, padami rin nang padami ang nakikita nilang matataas na niyog sa kabilang gilid ng ilog.
May mga nakakasalubong din silang floating restaurant na pabalik na.
Nang matapos ang mga bata, pumalit naman ang dalawang lalaking jologs nasa 50 ang edad at ang isa ay nagtutugtog ng gitara habang ang isa ay kumakanta ng "No touch" by Juan Dela Cruz band.
Dead na dead talaga ako
Sa mga pakembot-kembot mo
Kapag ikaw ay ngumingiti
Ako'y medyo nakikiliti
Kailangan ko ang iyong labi
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi
Sige na, sige na
Noon pa man ikaw na talaga
Ang pangarap ko sa tuwi-tuwina
Kailan kaya kita maiiskor
Kailan kaya kita maaarbor
Kailangan ko ang iyong labi
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi
Sige na, sige na
Pahipo naman
Pahawak naman
Nang 'di na kita ma-tiyansingan
'Pag lumakad ka ika'y nakakatukso
Nakakabaliw ang bewang mo
Ako'y nadyadyaheng lumapit sa 'yo
Masyadong class ang mga porma mo
Napangiti si Melody nang makita ang dalawang matandang lalaki na tumayo at sinabayan ng sayaw ang kumakanta kaya mas lalong nagaganahan ang dalawang matandang singer na fan ng Juan Dela Cruz band.
Nagsitawanan naman ang pamilya ng dalawang matandang dayuhan habang kinukuhaan sila ng video at litrato.
Kailangan ko ang iyong labi 🎶
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi
Sige na, sige na
Pahipo naman
Pahawak naman🎶
Nang 'di na kita ma-tiyansingan
Kailangan ko ang iyong labi
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi
Sige na, sige na🎶
Sige na, sige na
Kailangan ko ang iyong labi
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi🎶
Sige na, sige na
Nang matapos ang kanta, hinawakan ni Kale ang kamay ni Melody na nasa ibabaw ng mesa.
"Kale," usal niya dahil alam niyang kanina pa ito nakatitig sa kanila nang matapos silang kumain.
"I love you, Melody," puno ng pagmamahal no Kale. "I promise, malalampasan natin ang pagsubok na ito. Kagaya ng mga kapatid ko, magiging safe ka rin at mamuhay na tayo ng mapayapa at masaya."
"K—Kale..."
Ngumiti si Kale sa kanya. Ngiting nagpabilis ng pagtibok ng puso niya at mas lalong nagpaaliwalas sa mukha nito.
"May gusto ka pa bang kainin?"
Umiling si Melody. "Busog na ako. Thank you, Kale."
"Walang anuman," sagot ni Kale at dinala sa mga labi ang kamay ni Melody.
Nang makabalik na sila, agad na bumaba sila para mapuntahan pa ang Tigbao hanging bridge na ipinagmamalaki rin ng taga Bohol. Nag-arkila sila ng masasakyan para mapuntahan ang hanging bridge.
Nagbayad muna sila ng 35 each na entrance fee para makatawid sa hanging bridge na pinagtagpi-tagping kawayan.
Dalawa ang hanging bridge. Ang isa ay papunta at ang isa ay pabalik.
"Are you sure na kaya mong tumawid?" tanong ni Kale habang nakatingin sa kawayang tulay na sa baba ay malinis na ilog.
"Oo naman."
"Good girl," ani Kale at sinabayan si Melody sa pagtawid dahil medyo malapad naman ang bridge.
Marami ang store sa tawid ng bridge. May nagtitinda ng chicharon, buko juice, mani at mga chichirya.
"Tig tatlo hundred lang ang tableya nila o," sabi ni Melody na hinayaang akbayan siya ni Kale.
"Ano 'yan?" tanong ni Kale.
"Chocolate tablet na gawa sa cacao," sagot ni Melody.
Lumapit sila sa mga nagtitinda ng tshirt.
"Bili  tayo ng souvenir na tshirt ha, one twenty pesos lang dito, mas mura doon kanina na 170 pesos," sabi ni Melody. Ang iba ay tig 95 pesos lang nga at magaganda pa.
"May glow in the dark po kaming tshirt, Ma'am, tig one twenty ang isa," magalang na sabi ng tindera.
"Shawl, Ma'am?" alok ng isang tindera.
"Salamat po," nakangiting pasalamat ni Melody pero hindi siya bibili dahil hindi naman siya mahilig doon.
"Miss, dalawang black tshirt nga, same design lang," sabi ni Kale saka binigyan ng 500 ang babae. "Keep the change po."
May nag-offer din sa kanila ng magnets na panlagay sa ref pero hindi na sila bumili.
"Balik na tayo?" tanong ni Kale matapos makuha ang tshirts.
"Sige," pagpayag ni Melody. Sa kabilang hanging bridge na naman sila dumaan.
Saktong nasa kalsada na si Charis nang makatawid sila.
"Salamat sa pagsundo," pasalamat ni Kale saka naunang pinasakay si Melody sa backseat.
"Nag-enjoy ba kayo, sir?" tanong ni Charis habang nagmamaneho ng kotse.
"Yes, super!" sagot ni Kale na hawak ang kamay ni Melody.
Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa resort.
"Salamat, Charis," pasalamat ni Kale at bumaba matapos maunang nakababa ang kasintahan.
Papadilim na ang paligid kaya mas pinili nilang bumalik na sa cottage.
"Kale—uhmp!" Nanlaki ang mga mata ni Melody nang hatakin siya ni Kale papasok sa cottage na hindi naman nila nirentahan pero wala namang tao.
"Sssh!" bulong ni Kale at sinilip ang tatlong lalaking palinga-linga sa labas na para bang may hinahanap kaya sumilip din si Melody.
Kinabahan ang dalaga at mas minabuting tumahimik na lang.
"Wala e. Baka doon sila sa kabila!" sabi ng lalaking nakasombrero at umalis na kasama ang kasamahan nito.
"Okay na," bulong ni Kale at paunti-unting pinakawalan ang bibig ni Melody.
"N—Nasundan nila tayo," usal ni Melody na nanginginig pa rin ang katawan sa takot.
"Noong nasa eroplano pa lang tayo, nakasunod na sila," sagot ni Kale at hinawakan ang kamay niya. "It's okay, nandito ako, Melody. Hindi kita pabayaan."
Niyakap niya ang dalaga para kumalma at mawala ang takot nito.
"K—Kale," naiilang na tinulak niya si Kale. "P—Pati ba naman sa ganitong sitwasyon, ang bastos mo?"
"Anong bastos?" curious na tanong ni Kale.
"Yang ano mo, nararamdaman ko!"
"Oh, tapos?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Kale.
"Anong o tapos? Bastos ka ba? Natatayuan ka eh, hinahanap na nga tayo niyang mga kriminal na 'yan!" pagsisinuplada niya pero natawa si Kale na mas lalong ikinainis niya. Inakbayan siya nito at hinalikan sa noo.
"Tara na nga sa cottage, honey!"
"Hindi nakakatawa ang pagiging manyak mo!" ani Melody na sumunod sa paglabas kahit na natatakot pa rin. Paano kung bumalik ang mga ito at pagbabarilin sila?
"Hindi naman 'to gising, malaki lang talaga kaya bumubukol pa rin," depensa ni Kale. Tulog naman talaga ang alaga niya.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon