6

2.6K 92 0
                                    

MY BOSS, MY BODY GUARD

by: sha_sha0808

CHAPTER 6

Unedited...

[Melody POV]

"Huwag na huwag kang umalis kapag hindi ako tumatawag, okay?" bilin niya.
"Nakailang ulit mo na 'yang sinasabi," ani ko. Salubong ang kilay na hinarap niya ako.
"Kung hindi ako dumating, patay ka na sana!"
"S-Salamat," pasalamat ko ulit. "Tama ka, pangatlong buhay ko na 'to."
Hindi siya umimik. Siguro binubuhay pa ako ni God para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng parents ko pero natatakot ako. Hindi ko rin alam kung sino ang dapat na pagkatiwalaan ko. Kaya nga ako tumungo rito sa Maynila para ilibing sa limot ang nangyari at magsimula ng panibagong buhay pero paano ko iyon magagawa kapag natagpuan na naman nila ako?
"Ayaw kitang madamay, Karlo," sabi ko at hinarap siya. "Kaya hahanap na lang ako ng bagong matitirhan."
"Dito ka lang."
"Pero--"
"Sundin ako kung gusto ko pang mabuhay."
"Bakit mo ako tinutulungan?"
"Kasi nadamay na ako."
"S-Sorry."
"Hindi makakaya ng konsensiya ko kapag may mangyaring masama sa iyo."
Napatitig ako sa mukha niyang biglang sumeryoso.
"Bakit--shit!" sambit niya nang yakapin ko siya.
"Sabi ko na nga ba, kaibigan talaga kita."
"Lumayo ka nga!" pagtataboy niya at tinulak ako palayo pero hinigpitan ko ang pagkayakap sa kaniya.
"Thank you so much, Karlo. Kung wala ka, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ikaw lang ang taong nagki-care sa akin ng--"
"Lumayo ka!" Malakas na tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sofa. "Ang arte mo!"
Tinalikuran niya ako at isinuot ang jacket kaya tumayo ako at inayos ang sarili ko.
"Alis na tayo, babae!"
"Okay, lalaki," nakangiting sagot ko at sumunod sa kaniya palabas ng unit. Habang nasa elevator, napasulyap ako sa kaniya na tila malalim ang iniisip. Kakaiba ang awra niya ngayon, maamo ang mukha dahil kakapagupit lang.
"Huwag mo 'kong titigan!" sabi niyang tumingin sa akin. I swear, ang pogi pala talaga niya.
"Napapaisip lang ako. Di ba sabi mo mahilig ka sa morena?" panimula ko.
"So?"
"Ano pa ang hilig mo?"
"Wala."
"Hmm? Karlo? Puwede bang mag-apply bilang girlfriend mo?" pilyang tanong ko kahit na sigurado akong mataas ang standard nito sa babae.
Poker face na hinarap niya ako kaya nginitian ko siya ng ubod ng tamis.
"Makapal ang kilay ng mga babaeng gusto ko kaya hindi ka papasa," sabi niya na ikinasimangot ko.
"Fine. Ako na ang bigo," kunwari ay nasasaktang sabi ko. Bumukas ang pinto sabay rin kaming lumabas at tumungo sa kulay itim na kotse.
"Sakay na."
"Kanino 'to?" tanong ko.
"Sa boss ko. Ito na ang pinapagamit niya sa akin," sagot niya.
"Wow, ang ganda!" manghang sabi ko nang buksan ang pinto at nakita ang loob. "Ang yaman talaga ng mga Lacson."
"Sakay na," patulak na pinasakay niya ako at umikot sa kabila saka sumakay sa driver's seat.
"Ang bait naman ng boss natin sa 'yo."
"Sinabi kong may nagtatangka sa buhay ko ngayon kaya bawal na raw akong gumamit ng motor," aniya.
"Alam niya?"
"Oo, wala naman akong tinatago sa kaniya," tinatamad na sagot niya.
"Ikaw na ang close sa kaniya. Karlo? Ano ang hitsura ng boss nat--"
"Kapag hindi ka pa tumigil sa kakadaldal, puputulan na talaga kita ng dila!"
Biglang umurong ang dila ko. Alam kong nasa limit na ako kaya mas minabuti kong manahimik na lang at tinandaan ang street na nadadaanan namin para kapag ako na lang mag-isa, alam ko na ang daan pauwi.
After ng ilang minuto, nasa parking lot na kami ng building.
"Tandaan mo--"
"Hindi ako lalabas kapag wala pa ang tawag mo," dugtong ko sa sasabihin niya habang tinatanggal ang seatbelt. "Thank you, Karlo."
Bumaba na ako at naglakad patungo sa entrance door kahit na medyo nakaramdam ako ng kaba. Paano kapag bumalik sila at this time, pagbabarilin ulit ako? Pero teka, ano na nga ba ang nangyari sa mga iyon?
"Good morning," bati ng guard.
"Morning po," masiglang bati ko. May alam kaya sila tungkol sa nangyari kahapon? Pero mukhang wala naman. Pero impossibleng walang nakarinig ng putok? Para hindi na maintriga ang nangyari, mas minabuti kong manahimik na lang. Baka mapaghalataang ako ang dahilan ng putukan kahapon.
"Guys? Bilisan ninyo," natarantang sabi ng isang kasama kong tigalinis. Papauwi na sila at kami ang papalit sa kanila.
"Totoo bang papasok siya ngayon?" tanong ng kasama nang sumunod sa amin na pumasok sa elevator.
"Sabi," sagot ni Kuya. "Maghanda na lang tayo at pa-endorse na lang mamaya na linisin nila ang office ni Sir."
Nang makalabas na kami, dumiretso ako sa loob ng facility and utility room.
"Si James?" tanong ko sa lalaking kasama ko.
"Nasa pantry. Kumain ka na ba?" tanong ni Polo.
"Oo, bakit? Libre mo 'ko?" biro ko.
"Naku, wala pa nga ang sahod, ubos na siya sa utak ko. Pambayad ng bahay at kuryente. Dagdagan pa ng tubig at allowance ng mga anak ko," sagot niya kaya natawa ako. Pareho lang kami. Lahat ng sahod ko ay balak kong ibayad kay Karlo.
"Pareho lang tayo," sabi ko.
"Kumain ka muna, mapapasabak tayo," sabi niya.
"Busog na ako. Kumain na ako sa bahay. Bakit ba?" curious na tanong ko. Pansin kong busy yata ang lahat?
"Babalik na si Sir Kale mamaya," sabi niya kaya namilog ang mga mata ko.
"H-Hala, totoo?"
"Oo," sagot niya. "At mukhang mamalagi na raw dito."
Kyah! Kinabahan ako. Kapag nasa paligid lang siya, ibig sabihin eh, more pressure sa amin.
"Pero huwag kang mag-alala,minsan lang naman 'yon nagpapatawag kapag nagpapalinis. Isa pa, kapag wala siya naman tayo naglilinis ng opisina niya. Iyon nga lang, dapat malinis sa lahat ng nadadaanan niya."
"O-Okay," ani ko at kinuha ang cellphone saka tinawagan si Karlo pero hindi niya sinasagot. Akala ko ba, matagal pa ang boss namin uuwi? Bakit biglaan? Paano na ang unit? Aalis na ba ako? Tinext ko na lang si Karlo dahil wala yatang balak na sagutin ang tawag ko.
"Uy, mabuti at nandito ka na," sabi ni James na kakapasok lang. Siya ang bff ko rito sa work at madalas na katuwang ko sa gawain kaya gumagaan ang pakiramdam ko sa trabaho.
"Busog ka na?" tanong ko.
"Ready na ako sa bakbakan," handang sabi niya. "Taralets, marami pa tayong lilinisin. Isa na roon ang maduduming ugali ng ilang call center agent."
Natawa ako. "Marinig ka nila," saway ko but he just rolled his eyes.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon