2

3.5K 110 1
                                    

MY BOSS, MY BODYGUARD

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

UNEDITED...

[Melody's POV]

Pagmulat ko ng mga mata, sumalubong ang puting kisame sa mga mata ko tapos sobrang gandang lampshade.
Ang kapal ng kulay khaki na kurtina at babasaging kulay black na bedside table. May malaking flat screen TV din sa paanan ko at mini-ref sa right side. Napabangon ako nang ma-realize na nasa condo unit ako ng isang Lacson.
"Oh my ghad!" bulalas ko at patakbong tumungo sa pintuan para lumabas.
"Geez! Karlo? K pala?" tawag ko.
Nakaupo siya sa sala habang nakapatong ang mga paa sa center table at hawak ang tasa habang nanonood ng TV.
"Buti naman at gising ka na," sabi niya.
"Ba't hindi mo ako ginising?" bulalas ko at naupo sa tabi niya.
"Alarm clock mo 'ko?"
"Paano kung dumalaw ang boss mo?"
"Nasa ibang bansa pa 'yon."
Napasulyap ako sa wall clock. Alas siyete pa lang pala ng umaga.
"Haist! Ang aga mo naman yata magising?"
"Bodyguard ako, sanay akong magising ng maaga," sagot niya.
"Ang bango naman ng kape mo, pahingi."
"Gumawa ka."
"Saan?"
"Sa kusina, may coffeemaker doon," sagot niya.
"H-Hindi ako marunong gumamit ng coffeemaker," nahihiyang sagot ko. Poker face na humarap siya sa akin kaya napayuko ako.
"Sorry naman, walang ganyan sa bundok e," paumanhin ko. "May Kopiko ka? O Nescafe na lang na three in one."
"Psh! So ako pa ang gagawa?"
"Huwag na nga lang," sabi ko.
"Oh!"
Napasulyap ako sa kaniya, ibinibigay niya ang hawak na mug sa akin.
"Ano 'yan?"
"Sa 'yo na, gagawa na lang ako ng akin!" naiinis na sabi niya.
"S-Sure ka?"
"Huwag ka na ngang magpakipot, wala ka namang hiya e!"
"Grabe ka, may hiya kaya ako! Gipit lang talaga kaya kinakapalan ko na," sabi ko at kinuha ang kape. "Salamat."
"Tsk!" Tumayo siya at tumungo sa kusina.
Tinikman ko ang kape.
"Hmm, sarap!" bulalas ko. Ito na yata ang pinakamasarap na kapeng natikman ko. Kakaiba ang lasa e, sakto lang ang tamis at parang may inihalo siyang gatas na hindi ko mapaliwanag ang lasa.
Napasulyap ako sa kaniya na lumapit sa kuwarto ko.
"Ako pa ba ang mag-aayos ng kama mo?"
Napatayo ako. "Oh my ghad, sorry."
Sa pagmamadali, nakalimutan kong ayusin ang higaan ko.
Agad na pumasok ako at inayos ang kama. Nakita ko ang bra ko sa kama kaya nanlaki ang mga mata ko at napayuko. Hala, wala pala akong suot na bra dahil tinanggal ko kagabi. Hindi ako sanay matulog na may bra e.
"Kapag tapos ka na, bilisan mo na at magluto," sabi niya saka isinara ang pinto. Geez!
Binilisan ko ang pagliligpit saka pumili ng maliit na damit na binigay niya, pero maluwag pa rin para sa akin.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok siya.
Lumapit siya sa dresser at may kinuhang susi sa drawer.
Binuksan niya ang isangcloset.
"Pili ka ng isusuot mo, may undies din diyan," sabi niya.
"Kaninong damit 'yan?"
"Para sa mga bisita," sabi niya.
"Baka magalit--"
"Ipinaalam na kita, okay na raw na dito ka muna at hindi pa gamit ang mga damit na 'yan kaya pumili ka lang."
"B-Babayaran ko na lang kapag magkapera na ako," sabi ko.
"Bahala ka," tinatamad na sabi niya saka lumabas na.
Pumili ako ng damit pambahay pero kahit shorts, panlakad na yata. Nalula ako sa presyo nang hindi pa natatanggal ang pricetag ng isang shorts. 8, 788.50 pesos. Grabe. Isang shorts lang eh, isang buwang sahod ko na sa mall. Bago ako pumunta rito, naging cashier muna ako sa mall namin sa Antique.
Naligo na ako tapos lumabas.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ni Karlo sa kausap sa cellphone. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi yata niya naramdaman ang paglapit ko. "No, you listen, Yum. Of all people, bakit ako pa ang huling makakaalam? Wala bang--that's bullshit!" pasigaw na sabi niya.
Naramdaman yata niya ang presensiya ko kaya humarap siya sa akin.
"Listen to me--shit! The hell I care!"
Medyo kumalma siya pero masama pa rin ang timpla ng mukha niya. "You lied to me, paano kita paniwalaan? Enough!"
Tinapos niya ang tawag saka walang pasabing pumasok sa kuwarto niya. Hala, galit na siya? Sino ba ang kausap niya? Hmmm... Mukhang girlfriend niya.
Dahil hindi na siya lumabas, nakialamna ako sa kusina pero ingat na ingat sa gamit dahil baka makabasag ako.
Naluto na ang ulam ko pero hindi pa rin siya lumalabas kaya kumain akong mag-isa.
" Ano na kaya ang ginagawa niya?" tanong ko sa isip ko.
Pumasok ako sa kuwarto para mahiga. Saan kaya ako maghahanap ng trabaho? Kailangan ko nang umalis dito dahil baka dumating ang boss ni Karlo. Lacson pa naman 'yon.
Sa sobrang pag-iisip, nakatulogan ko na.
Nang magising ako, naghilamos muna tapos lumabas na para i-check kung gising na ang kasama ko. Walang tao sa sala at wala rin sa kusina pero may bawas na ang ulam na inihanda ko sa mesa.
Alas singko na pala kaya kailangan ko na namang mag-isip ng maiuulam namin.
"Aalis ako."
"Ay buto!" tili ko nang bigla na lang siyang magsalita sa likuran ko. Pagharap ko, nakataas ang kilay niya kaya napakagat ako sa ibabang labi. Naintindihan kaya niya?
"S-Saan ka pupunta?" nahihiyang tanong ko.
"Kahit saan," wala sa mood na sagot niya.
"Sama," sabi ko.
"Dito ka lang."
"K naman, baka biglang bumalik ang boss mo at mapagkamalan akong akyat-bahay."
"Nasa ibang bansa siya."
"Hala, kahit na. Baka may surprise visit siya. Sige na," pamimilit ko.
"Halika na."
"Wait, bihis lang ako."
"Huwag na. Kapag magpalit ka pa, iiwan na kita."
"Oo na!" ani ko. Naka-white shorts ako at blue tshirt pero bago naman. Pati nga tsinelas, bago rin.
Sumama ako sa kaniya.
"Ang gaganda ng sasakyan, mayayaman talaga ang tenant dito," manghang sabi ko nang makita ang mga sasakyan sa parking lot.
Isinuot niya ang helmet saka ibinigay sa akin ang kulay itim helmet na dala niya kanina.
Sumakay ako.
"Kyah!"tili ko nang biglang humarurot ang motorsiklo niya. "Taympirst, wait!" sigaw ko pero parang bingi siya kaya hinampas ko na siya sa braso. "Bagalan mo!"
"Kapit ka kung ayaw mong mahulog!" pasigaw niya at mas pinatulin pa ang pagpatakbo kaya napahigpit ang hawak ko sa bewang niya. Ako pa naman ang babaeng sa likod ng motor kumakapit sa halip na sa bewang ng driver.
In fairness, ang bango ng bodyguard na 'to. Kung sabagay, alangan naman kukuha ng mabaho ang mga Lacson. Ang amo ko nga sana kahapon, maarte rin e.
Bigla siyang tumigil matapos iparada ang motorsiklo. Bumaba ako at hinubad ang helmet.
"Saan tayo?" tanong ko at sinundan siya.
Sa paglalakad, napapansin ko ang mga babaeng napapalingon kay Karlo. Sino ba ang hindi? Ang haba ng buhok niya tapos ang tikas ng katawan at sobrang tangkad pa.
Ang daming restaurant kaming nadadaanan at parang pasyalan.
Pumasok kami sa parang plaza tapos ang daming kainan sa gilid at may banda sa gitna.
Para akong tuta na sumusunod lang sa kaniya. Tumigil siya sa isang stall.
"Ano ang gusto mo? Halo-halo o mango graham?" tanong niya.
"Mango graham na lang," sagot ko.
"Dalawang mango graham, big," sabi niya at inabot ang buong limang daan.
"Humanap ka ng puwesto," sabi niya.
Saktong may nahagip ang mga mata ko ng bench na bakante dahil kakatayo lang ng magbarkada. Patakbong lumapit ako para hindi na maunahan ng iba.
Naupo ako saka hinintay siya.
Matapos ang ilang minuto, nilapitan niya ako bitbit ang dalawang mango graham.
"Here," sabi niya sabay abot sa akin ng isa at naupo sa tabi ko.
"Fries po, sir?" tanong ng babae na lumapit sa amin.
"Isang cheese fries nga," sabi ni Karlo.
"One hundred five lang po, sir," sabi ng babaeng halatang nagpapa-cute sa kasama ko.
Binigyan siya ni Karlo ng 150.
"Keep the change.
"Thank you," nakangiting sabi ng babae at umalis na.
Iginala ko ang mga mata ko. Ang daming pagkain. May pinoy food din naman. May mga isaw at kikiam pa nga e. Kaso mahal lang.
"Anong lugar 'to?" tanong ko.
"Greenbelt," tipid na sagot niya.
"Ito pala ang Greenbelt," sabi ko at sinipsip ang mango graham. Sarap! Naririnig ko na ang lugar na 'to. Pasyalan pala rito at napapalibutan ng matataas na building.
"Kailan tutugtog ang banda?" tanong ko. Papalubog na ang araw kaya dumadami na ang mga tao.
"Ang dami mong tanong!" naiirita niyang sabi saka tumayo at lumapit sa babaeng may hawak na menu list ng binebenta nila.
Pagbalik niya, kasama na niya ang babaeng may bitbit na san miguel beer.
"May kailangan pa ba kayo, sir?" nakangiting tanong ng babae.
"Tatawagin na lang kita kapag meron," sagot niya.
"Sige po."
Nang makaalis na ang babae, kinuha niya ang isang bote at uminom.
"Excuse me lang po, heto na po ang fries," sabi ng babae at inilapag sa table namin ang fries.
"Kainin mo na," sabi niya sa akin. Medyo madilim na ang palibot kaya nag-aayos na ang magbabanda sa gitna.
"Ikaw?"
"Busog pa ako," sabi niya at uminom ulit. Nakakalahati na siya ng bote kaya sinimulan ko nang kainin ang fries. Sakto lang, hindi ako nasasarapan.
"Nachos gusto mo?"
"Gusto ko ng kanin," sabi ko.
"Mag tuna belly ka," sabi niya at tinawag ang babaeng nasa likuran lang namin ang stall saka nag-order ng tuna belly, mineral water at isang kanin.
"Ayaw mong kumain?"
"Busog pa nga ako."
Ang bilis naman niyang uminom, parang tubig lang ang beer e.
Ayun, kain ako nang kain tapos siya naman ay inom nang inom.
"Mauubos mo ba 'yan?" tanong ko.
"Kumain ka na lang diyan."
"Baka malasing ka, uuwi pa tayo," paalala ko.
"Umiinom ka?" tanong niya.
"Hindi," sagot ko at uminom ng tubig. "Hindi ka ba papagalitan ng girlfriend mo?"
"Girlfriend?" tanong niya saka ngumisi. "Wala ako nu'n!"
"Weh?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Wala nga!"
"Ano ba ang tipo mo sa babae?" tanong ko.
"Huwag kang mag-alala, wala sa 'yo," sabi niya na ikinataas ng kilay ko. "Morena," dagdag niya.
Hindi naman ako maputi e, pero mas maputi ako kaysa sa mga kababayan ko. Siguro may ikakaputi pa ako kapag tumagal ako rito.
"Oh, uminom ka," alok niya.
"Ayaw ko," tanggi ko.

----------------------

[Kale POV]

Badtrip ako. Gusto kong magpakalasing at mawala sa sarili matapos matanggap ang tawag ni Mayumi, ang kababata ko na patay na patay sa kuya ko. Hindi ko akalaing sa iba ko pa malalaman na ikakasal na siya at kinumpirma nga niya iyon kanina nang tumawag sa akin.
Hindi ko matatanggap dahil sa pagkakaalam ko ay wala siyang kasintahan. Ang bilis ng pangyayari. Akala ko ba nagluluksa pa siya sa pag-aasawa ng kapatid ko? Damn! Mahal ko siya. Noon pa man ay mahal ko na siya pero bestfriend lang ang turing niya sa akin.
"Bes? Cheers!" sabi ng babaeng katabi ko sabay taas ng isang bote ng alak.
"Tama na," saway ko. Tatanggi-tanggi pa 'to kanina pero nang malasahan ang Tanduay ice, hindi naman daw ganoon kapait kaya nakatatlo na siya.
"Kaya ko pa 'to, bes!" natatawang sabi niya. Ang daldal na niya. Bestfriend na raw kami dahil tinulungan ko siya.
Kinuha ko ang isang bote ng alak at inubos ang laman. Wala naman kasi akong malalapitan dahil walang nakakaalam ng feelings ko para kay Mayumi kaya sa alak ko na lang itodo ang hinanakit ko. Ang problema, bitbit ko pa ang babaeng 'to.
"Gushto kho pa ng isha!" Namumungay ang mga matang sabi niya saka tumayo. "Mish? Isa pa ngang--bwuak!"
"Shit!" bulalas ko nang sukahan niya ako sa balikat. "Problema mo?" singhal ko.
"Shorry," nakangiting paumanhin niya habang pinupunasan ng kamay ang bibig. "Oopsh, u-umiikot ang paligid." Napahawak siya sa balikat ko nang muntik nang matumba kaya tumayo ako at inalalayan siya.
"Damn!" bulalas ko nang lupaypay na niyakap niya ako. Wala na. Lasing na talaga siya. Nauna pa siyang malasing kaysa sa akin. Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya wala akong choice kundi binuhat siya na para bang bagong kasal.
"M-Mhabigat akho," sabi niya pero tuloy-tuloy na akong naglakad palabas at naghanap ng taxi. Ipapakuha ko na lang sa tauhan ko ang motorsiklo ko bukas kapag nasa tamang wisyo na ako.
Saktong may grab taxi na tumigil sa tapat namin at bumaba ang mga pasahero niya kaya nakasakay kami kaagad.
"Hoy!" sabi ko at tinulak siya nang sumandal siya sa balikat ko na sinukahan niya kanina. Heto na naman ako, nagiging babysitter na naman ako ng mga babaeng hindi marunong mag-alaga ng sarili.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon