Finale

5.9K 69 7
                                    


MY BOSS, MY BODYGUARD

by: sha_sha0808 Ash Simon

FINALE

Unedited...

Napamulat si Kale nang lumiwanag ang buong kuwarto.

"Good morning," nakangiting bati ni Melody. "Pasensiya ka na kung nagising kita pero kailangan ka na raw kumain para makainom ng gamot."

Inayos niya ang bedside table at inilapag ang pagkain.

Dahan-dahang naupo si Kale sa kama at agad naman siyang inalalayan ni Melody.

"Kaya ko."

"Kumusta na ang nararamdaman mo? May masakit pa ba?"

"Okay na," sagot ni Kale at nginitian ang kasintahan. "Sabayan mo akong kumain ha."

"Sige."

May malaking sugat lang ang likod niya at swerte na rin dahil hindi umabot sa buto niya. Marami lang talagang dugo ang nawala sa kanya kaya nanghina siya at namanhid ang buong katawan.

"Bawal ka pa raw gumalaw nang gumalaw," paalala ng dalaga.

"Kumusta ka rito? Nagustuhan mo ba ang isla? Okay ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Kale. "Pasensiya ka na kung hindi kita maasikaso."

"Mas mahalaga sa akin na gumaling ka. Ipinasyal ako ni Mommy Anndy sa tabing-dagat. Ang ganda rin pala ng tree house ninyo, kitang-kita ang karagatan," masayang pagkukuwento ni Melody pero hindi lang ma-enjoy talaga ang paligid dahil nasa kay Kale ang utak niya.

"Okay na ba sa 'yong nandito tayo? Na dito tayo bubuo ng masayang pamilya?" alanganing tanong niya. Paano kung ayaw ni Melody at kagaya ng ibang babae, mas piliin nilang lumuwas ng Maynila?

"Oo naman. Mas gusto ko rito. Ang sarap ng pagkain at sobrang ganda ng paligid. Tama lang na paradise island ito dahil para tayong mga engkanto na namumuhay sa gitna ng isla at nandito na ang lahat. Malaya ang mga hayop at mababait ang mga tao."

Hindi niya nakitaan ng kasinungalingan ang mga mata ni Melody. Bagkus mas nananaig ang tuwa at galak habang nagsasalita ito.

"Masaya talaga ako at nagustuhan mo rito."

"Oo naman. Nandito na rin naman ang lahat at tingin ko, marami ang babaeng pangarap na mamuhay sa islang kagaya nito."

"Iilan lang," sabi ni Kale. Maswerte lang sila kapag makatagpo ng babaeng kagaya ng ina nilang handang talikuran ang lahat para sa isla.

Naupo si Melody sa tabi niya at sinabayan siyang kumain.

"Gagawa tayo ng maraming baby," nakangiting sabi ni Kale. "Tapos dito na rin natin sila paaralin at palakihin sa isla."

"Magpagaling ka muna tapos saka na tayo gagawa ng baby," nakangiting sabi ni Melody at kumain na.

"Wala pa ba tayong nabuo?" biro ni Kale kaya uminit ang magkabilang pisngi ni Melody. "Di ba gumawa na tayo sa Lapu-lapu? Baka may nabuo tayo, honey."

"Baka wala naman," sabi ni Melody na biglang kinabahan pero mas nanaig ang tuwa. Pasimple niyang hinaplos ang tiyan. Two weeks pa lang naman ang nakalipas kaya hindi pa niya alam. Pero kung nakabuo nga sila, buong puso niya itong tatanggapin.

"Excited na akong pakasalan ka, honey," sabi ni Kale at inakbayan ang kasintahan. "Pangako, hinding-hindi kita sasaktan. Gagawin ko ang lahat pero hindi ka magsisising sumama ka sa akin dito."

"Alam kong mabuting tao ka, Kale," sabi ni Melody. "At hinding-hindi mo ako pababayaan. Salamat sa pagligtas mo sa akin at parating pag-intindi kahit na noong una, niloko mo lang ako. Ikaw pala ang boss sa office."

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon