13

3.2K 113 0
                                        

MY BOSS, MY BODYGUARD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

UNEDITED....

Nakabalik na sila sa Maynila. Nagiging maayos naman ang lahat at buong araw na natulog si Melody dahil sa sobrang pagod. Kinaumagahan, balik trabaho na siya.
Si Kale naman ay dumiretso sa opisina ng Tita Jaffy niya pagkatapos ihatid ito para alamin ang status ni Melody.
"Nahuli na namin ang isa sa nagtangka sa buhay ni Melody at nasa investigation room na siya," pagbalita ni Jaffy.
"Can I talk to him?"
"No, kinakausap pa siya ni Jaff," tanggi niya na ang tinutukoy ay ang kakambal. "Pahirapan kami sa pagpa-amin."
"Bakit?"
"Handa siyang mamatay para sa boss niya."
"Walang pamilya?" usisa ni Kale.
"Sa ngayon, wala pa siyang pagkilanlan. Kahit ID, wala rin. Pati fingerprints, hindi namin ma-detect. It seems na hindi siya narehistro sa NSO."
"Imposible!" wika ni Kale at namulsa.
"Si Melody?"
"She's fine. Nasa office ko siya."
"Hindi kaya delikado siya? Masyado mo siyang na-expose."
"As long as she's with me, wala kang dapat na ikabahala. She's safe in my office."
"May tiwala ako sa 'yo, Kale." Tinapik ni Jaffy sa balikat ang binata at iniwan.
Nagpaalam si Kale kina Jaffy para bumalik sa opisina.
Malapit na siya nang makita ang matandang babae na nagtitinda ng rosas sa gilid ng daan kaya tumigil muna siya para bumili ng isang bouquet ng red roses.
Nang nasa elevator na siya, panay ang sulyap ng mga kasabayang empleyado sa kaniya lalo na sa bitbit niyang bulaklak pero patay-malisya lang siya sa mga ito.
Nang bumukas ang pinto, dali-dali siyang tumungo sa main office niya.
"Hi," bati niya kay Melody na nagliligpit ng papers niya sa table.
"Hello," bati ni Melody. Napasulyap siya dala nitong bulaklak.
"For you pala," sabi ni Kale sabay abot ng bulaklak.
"Ha?" nagtatakang tanong ng dalaga.
"Thank you dahil tinulungan mo ako sa isla. That was a big help, Melody."
Kinuha ng dalaga ang bulaklak. "Salamat. Bayad naman iyon kaya okay lang. Ang dami ko na ngang utang e."
"Saka na ako maniningil ng utang mo," sabi ni Kale. "Marami ba kayong gagawin?"
"Hindi ko pa alam," sagot ng dalaga.
"Hmm? Mukhang wala naman akong ipapagawa," sabi ni Kale saka napatitig kay Melody.
"Bakit?"
"Wala," sagot ni Kale at naupo sa swivel chair. "May kaibigan pala akong dadalaw mamaya, baka nasa meeting pa ako."
"M-May kaibigan?"
"Yes, don't worry, she's a good friend," sabi ni Kale saka pinagmasdan si Melody. "N-Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?"
"Pinagtatanong mo?"
"Masama ba? Kasama talaga 'yon sa resume namin kaso diretso ka nang pasok," sagot ni Kale. "Baka mamaya, may jowa ka palang naiwan sa kung saan tapos niloloko mo lang ako."
"Niloloko? Bakit naman kita lolokohin?" Nagtatakang tanong ng dalaga. Hindi naman siya nagsisinungaling.
"H-Ha? Ah, k-kasi baka maisip nina Mommy na mag-imbestiga ng buhay mo kaya naisip ko lang na baka matuklasan nilang may boyfriend ka," sagot ni Kale at napakamot sa batok. Tama ba ang pinagsasabi niya?
"Wala," sagot ni Melody saka pinunasan ang mesa.
"Sabi mo e. Mamayang tanghalian, wait mo 'ko ha. Sabay tayong mag-lunch."
"Mauna na ako."
"Sabay tayo!" Giit ng binata.
"E di sabay," ani Melody. Gusto sana niyang irapan kaso boss pa rin niya ito.
Nang pumunta si Kale sa meeting, saka naman dumating ang babaeng black beauty.
"Hi," nakangiting bati nito. Mahaba ang wavy  na buhok nito at napansin niyang pantay ang pagkakulay ng mamula-mulang balat nito dahil sa maikling puting bestida na suot. Ang ganda pa ng tila nangungusap na mga mata at artistahin kahit na walang make-up. Para itong si Moana.
"Yes po?"magalang na sagot niya.
"Si Kale?" tanong nito at naupo sa couch saka iginala ang mga mata.
"Nasa meeting ho," sagot niya.
"Matagal pa ba? Sabi niya wala siyang appointment," nagmamaktol na sabi nito. "Kainis talaga ang batang 'yon!"
"Biglaan po kasi eh," sagot ni Melody.
Tumayo ang babae at lumapit sa kaniya.
"Anyway, pakibigay na lang kay Kale ang dala ko," sabi nito at inilapag sa mesa ang bitbit na paperbag.
"Sige po."
"Pasabing ubusin niya 'yan dahil pinaghirapan kong lutuin 'yan."
"Sige po."
"Aalis na ako dahil hinihintay na ako ng asawa't mga anak ko sa labas," paalam nito.
Nagulat si Melody. May pamilya na pala ito? Akala niya dalaga pa. Hindi halatang may anak na sa balingkinitan nitong katawan at ang ganda pa malapad na balakang.
Palabas na ang babae nang tawagin ni Melody.
"A-Ano nga po ulit ang pangalan mo, ma'am?" nahihiyang tanong niya.
"Venize," sagot ng babae saka tuluyan nang lumabas.
Nang makabalik si Kale, agad na inabot ni Melody ang malaking paperbag.
"Oh, dumaan siya rito?" nakangiting tanong ni Kale.
"Oo, pero umalis din kaagad dahil hinihintay raw ng asawa niya."
"I see," ani Kale at kinuha ang tupperware sa loob ng paperbag saka naupo sa table. "Wow! I wonder kung paano niya naluto 'to habang kasama ang asawa niya," sabi ni Kale at tumayo saka binitbit ang tupperware.
"Tara, kain na tayo."
Sumunod si Melody. Nakapagsaing na siya dahil kanina pa siya nagugutom.
Kinilaw at inihaw na pusit, saka malalaking alimasag at hipon ang iniwan ni Venize kaya natuwa si Melody.
"Sarap noh?" tanong ni Kale.
"Oo," sagot ng dalaga na wiling-wili sa pagkain. Ang tataba kasi lalo na ang talangka. Mahal kaya ang kilo nito sa palengke.
"Actually, we're too lucky dahil ayaw ng asawa't bayaw niya ang mga ito," nakangiting sabi ni Kale.
"Huh?"
"Nevermind," ani Kale saka napatitig sa dalaga. "Mel?"
"Hmm?"
"May sira na ba ang mga mata ko kung aminin kong gumaganda ka?"
Muntik nang mabulunan si Melody sa sinabi ng kaharap. As in seryoso pa kasi talaga ang boses at mukha nito.
"M-Magtingin ka sa optha," ani Melody. "Baka may sira na nga ang mga mata mo."
"Puwede rin sa cardio," wika ng binata. "Baka puso ko talaga ang may sira."
"N-Neuro na lang, baka utak mo na talaga ang sira," sabi ni Melody kaya natawa si Kale. "Anong nakakatawa?"
"Wala lang, ang cute mo kasi kapag mainis."
"Corny mo kasi!" Malapit na siyang mapikon sa mga banat ni Kale. Malapit na kasi siyang maniwala. Matapos siya nitong halikan, parang wala lang ang nangyari dito. Ne hindi man lang siya nito iniwasan o ne hindi man lang nagpaliwanag.
"E di corny!" Naiinis na sabi ni Kale saka tumayo.
"Tapos ka na?"
"Obvious ba?" pagsisinuplado ni Kale. "Alis na 'ko."
"Saan ka pupunta?"
"Boss ako, wala kang karapatang magtanong!"
Nagulat talaga si Melody sa biglang pag-iba ng timpla ng modo ng binata.
"Labas lang ako, magpapahangin," paalam ni Kale at iniwan siya.
"Hala, anong problema nun?" tanong niya. Kumakain lang naman sila ah. Galit ba talaga ito?
Niligpit niya ang pinagkainan saka hinugasan. Wala namang ibinilin na trabaho si Kale kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin.
" Matulog na lang kaya ako?" bulong niya pero baka bumalik si Kale at ayawin siya. Sinubukan niyang tawagan pero hindi sinasagot kaya nag-text na lang siya.
"Ano p ggwin ko d2?"
"Bahala ka!"
"Bahala ka? Iyon lang reply niya?" naiinis na sabi niya saka lumabas ng opisina.
Pupunta na lang siya sa canteen para makipag-usap sa mga kaibigan.
"Uy, kamusta ang first day ninyo ni Sir?" biro ni James.
"Baliw. Anong first day?" Padabog na naupo si Melody.
"Anong problema?" tanong ni James. "Napagod ka ba?"
"Tumahimik ka nga!" saway ni Melody na iniisip pa rin kung ano ang problema ni Kale?
"Si sir," bulong ni James.
"Wala akong pakialam!" sagot ni Melody.
"Seryoso, palapit siya rito," bulong ni James at siniko siya kaya napalingon na ang dalaga.
Bigla ring tumahimik ang canteen.
"Melody," tawag ni Kale na salubong ang kilay.
"Sir?" sagot niya saka tumayo.
"Sinong nagsabing lumabas ka ng opisina at makipag-usap sa kanila?" tanong nito kaya napayuko si Melody. Rinig na rinig pa naman sila ng mga empleyado.
"S-Sorry," tanging nasabi niya.
"LQ?"
Pareho silang napalingon sa nagsalita.
"Empress?" ani Kale. "Bakit ka nandito?"
"Hmm? Binibisita ang sister-in-law ko," nakangising sagot ni Empress at dumiretso kay Melody.
"Umuwi ka na!" utos ni Kale at pinandilatan ang kakambal.
"Hindi tama na singhalan ang kasintahan sa harap ng mga empleyado mo kahit na boss ka pa," wika ni Empress at sinalubong ang mga mata ng kakambal. Siya pa ba? Hindi siya uurong. "Girlfriend mo pa rin siya."
Uminit bigla ang magkabilang pisngi ni Melody. Humihingi siya ng saklolo kay Kale pero kahit ito, hindi rin alam ang gagawin.
"Unless, nagseselos ka?" prangkang tanong ni Empress.
"Ba't naman ako magseselos?" napipikong tanong ng binata. "Umuwi ka na nga!"
Tumawa si Empress.
"Sumbong kita kay Daddy na inaaway mo girlfriend mo sa harap ng maraming tao," pagbabanta ni Baby E.
"Empress! Labas!"
"So? Deni-deny mo na kayo ni Melody?" Tanong pa rin ni Empress. Kapag ito magsalita at mantrip, walang makakapigil sa kaniya.
"Tumahimik ka nga!" malakas na singhal ni Kale kaya ne isa ay walang gumalaw at takot na makalikha ng ingay.
"Matapos niyang makuha ang first kiss mo--"
"Shutup, Empress!" sigaw ni Kale kaya napapreno si Empress at napatutop sa bibig.
"Sorry," paumanhin niya na lungkot na lungkot ang mukha. "Nakakalungkot lang kasi matapos mo siyang ipakilala sa pamilya natin, at maghalikan sa bahay, inaaway-away mo lang siya ngayon."
Naikuyom ni Kale ang kamao saka walang sabing iniwan ang kakambal na nagdadrama. Kaya ayaw talaga niyang bumisita ito sa kompanya nila e.
"Alis na ako, Melody. Bye!" paalam ni Empress saka tumakbo palabas kaya napayuko si Melody dahil sa kaniya na lang ang mga mata ng lahat.
"Sila na?"
"Seryoso?"
"Oh my!"
Nagsimula na ang ingay kaya hiyang-hiya na si Melody.
"B-Balik na 'ko," paalam ni Melody kay James pero agad na nahatak ni Kale ang kamay niya.
"K-Kale," usal niya dahil binalikan siya nito.
"May papagawa ako sa 'yo," seryosong sabi ni Kale at hinatak na si Melody palabas ng canteen.
Pabagsak na isinara ni Kale ang pinto nang makapasok na sila.
"Bakit ba kasi lumabas ka?" singhal niya.
"Sabi mo bahala na ako."
"Hindi ko sinabing lumabas ka!"
"Ba't ka naninigaw? Ikaw na nga 'to g umalis eh," sumbat ni Melody dahil kung makasigaw ito, parang pulubi lang ang kaharap e.
"Kasi--" Ani Kale na hindi alam ang sasabihin.
"Kasi ano?"
"Kasi biro lang sa 'yo ang lahat," mahinang sagot ng binata.
"Huh?"
"Seryoso na ako, pinagsasabi ko, ikaw binibiro-biro mo lang!"
"Di ko ma-gets," sabi ni Melody.
"Wala!" ani Kale. "Nevermind. Ayusin mo na nga lahat ng kailangan ko para sa meeting ko nextweek."
Dumiretso na siya sa sleeping area kaya naiwan si Melody.

A/n:
Maka-update lang. Kaya ayaw ko talagang iwan nang matagal ang story kasi nakakalimutan ko e. Haist.... Baka papalitan ko na naman 'to. Hahahaha. Kaya kahit busy ako, hindi ko binibitiwan ang pagsusulat kasi nawawalan ng feels.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon