MY BOSS, MY BODYGUARD
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 17
Unedited...
"Akala ko ba hahanapin natin si Arriane Torregoza?" tanong ni Melody habang naglalakad sila. Alas sais pa lang ng umaga pero heto na naman sila, lakad nang lakad patungo sa kung saan.
Iginala niya ang mga mata sa paligid, puno ng matataas na mahogany sa parehong gilid ng sementadong daan.
"Man-made forest ito," sabi ni Kale at inakbayan si Melody. "Ang linis ng lugar at tahimik." Madalang lang ang sasakyang dumadaan dito. Madalas ay mga turista rin na gustong mag-ikot-ikot.
Ilang sandali pa'y nakarating na sila sa Bilar eco-park. Nagbayad muna sila ng entrance fee at pumasok na.
"Bakit tayo nandito?" tanong niya na hindi na nagugustuhan ang paglakwatsa kahit na maganda ang tanawin.
"Date?"
"Kale, ano ba? Puro ka-date! Gusto ko nang matapos ito para makauwi na tayo at matahimik na ang buhay ko!"
Ang tahimik ng paligid kung hindi lang sa ingay ng ibang namamasyal. Napapalibutan sila ng matataaas na puno at dahil sa mga dahon ay natatakpan nito ang sinag ng araw.
"Honey!" hiyaw ni Kale sabay hila kay Melody para magtago sa malaking puno.
Bang! Bang!
Sunod-sunod na putok ang narinig ng dalaga habang nakatakip sa tainga habang yakap ni Kale. Inalalayan siya nitong dumapa at binunot ang baril sa tagiliran saka gumanti sa pagpaputok.
Naramdaman ng binata ang panginginig ng katawan ng dalaga habang nasa ibabaw siya nito para hindi ito matamaan ng bala kung mapuruhan man sila.
Nagsigawan at takbuhan ang mga tao kaya hindi rin niya mahanap ang target.
"Shit!" pagmumura niya nang dumaan ang bala sa gilid nila. Suwerte lang dahil may malaking bato sa unahan ng punong pinagtataguan nila kaya hindi sila kaagad mapuruhan. Malaki ang puno kaya nasa pagitan sila ng malaking ugat na pumoprotekta sa kanila.
Palitan ang putok sa paligid. Gusto niyang lumipat ng puwesto pero nangangamba siya para kay Melody dahil baka hindi nito makayang gumapang dahil sa takot at mas mapahamak pa sila. Isa paliliit ang puno sa paligid nila at hindi makakayang takpan at protektahan ang buo nilang katawan.
"It's okay, honey," bulong niya nang marinig ang mahinang paghikbi ng dalaga habang nakatakip ang kanang kamay sa bibig para hindi makalikha ng ingay.
"B—Buhay pa ba t—tayo?"
Ang mga labi ni Kale ang nagpukaw sa kaniya.
"Everything is under control, okay? Ligtas ka na," sabi ng binata nang lumayo ang mga labi sa dalaga. Sanay siya sa putukan at totoong laban pero ngayon lang siya nakaramdam ng pangamba. Tama ang Kuya Dale nila, iba pa rin pala na lumaban habang may pinoprotektahan. Nandoon ang takot, pangamba at pag-alinlangan. Lalo na si Melody dahil hindi ito sanay sa barilan.
"Kale?" boses ng babae kaya gumalaw si Melody. "Okay na, puwede na kayong lumabas."
"S—Sino 'yon?" nanginginig ang boses na tanong ni Melody. Familiar sa kaniya ang boses ng babae pero nakaramdam siya ng pagkaasiwa dahil sa puwesto nila ng binata at higit sa lahat, naramdaman naman niya ang matigas na bagay.
"Tapos na, okay?"
Pagyuko niya, napansin niyang namumula ang magkabilang mukha ng dalaga kaya tumayo siya.
"Iniisip mo bang binabastos kita?"
Umiling si Melody at nagpatulong sa binatang maupo.
"Hindi ako tinatayuan kung iyan ang iniisip mo."