10

2.7K 114 5
                                    


MY BOSS, MY BODYGUARD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited...

"Hindi siya kumain ng dinner," sabi ni Kale habang palakad-lakad sa sala. Alas onse na pero hindi pa rin lumalabas si Melody sa silid nito.
"What's wrong with that woman?" naiinis na sabi niya at napatingin sa pintuan. "H-Hindi kaya--shit!"
Dali-dali niyang kinuha ang duplicate ng susi saka binuksan ang pinto. Binuksan niya ang ilaw kaya napabangon si Melody na halatang kakagaling sa malalim na tulog.
"K--"
"Hindi ka ba kakain?" malamig na tanong ni Kale. Kanina pa siya naghihintay na kakain ito tapos natutulog na pala ito?
"B-Busog pa ako," sagot ng dalaga at iniwas ang mga mata saka pasimpleng hinila ang kumot hanggang sa leeg niya.
"Ano ba ang problema, Melody?"
"W-Wala," inosenteng sagot ng dalaga. Kanina pa siya nag-iisip kung ano ang gagawin niya gayong ito pala ang may-ari ng tinitirhan niya tapos kung anu-ano pa ang sinasabi niyang masama tungkol dito.
"Kapag magutom ka, may pagkain sa ref," sabi ni Kale at tumalikod.
"S-Sir," natarantang tawag niya nang nasa pintuan na ito. "A-Ahm, s-sa frame pala na nabasag ko--"
"Huwag mong isipin ang mga bagay na tapos na. The damage has been done." Napakagat si Melody sa ibabang labi dahil sa lamig ng boses ng binata. Maybe galit talaga ito lalo na sa nangyari kanina sa opisina.
"Pasensiya na po talaga, b-babayaran kita kapag may pera na ako."
Hindi sumagot si Kale. Lumabas na ito kaya pabagsak na nahiga na naman si Melody at ilang minutong nakatitig sa kisame.
"Ang tanga mo talaga, Melody!" bulong niya saka itinakip ang unan sa mukha. "Gusto ko nang mamatay!"
Tinanggal niya ang unan saka naupo.
"Sino ba naman ang mag-aakalang siya pala ang boss? Sabi niya Karlo ang pangalan niya tapos bodyguard siya ng boss namin. Siyempre ako naman si Tanga, naniwala sa kaniya. Haist! Panigurado tawang-tawa siya sa akin!" depensa niya na para bang may kinakausap.
"Kyah! Mababaliw na ako!" desperadong wika niya at nagpapadyak pa ang mga paa. Pabagsak na humiga na naman siya hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iisip.
Kinaumagahan, napabalikwas siya ng bangon pagkadilat niya.
"Oh my ghad!" bulalas niya nang mapasulyap sa bedside clock. "Kyah! Late na ako!"
7:30 na ng umaga kaya nagmamadali siyang niligpit ang higaan at patakbong pumasok sa bathroom para maligo.
Alas otso ng lumabas siya sa kuwarto niya.
"M-Morning," nahihiyang bati niya kay Kale na nagkakape sa sala habang nanonood ng TV.
"Kumain ka na muna," sabi ni Kale na nasa TV ang mga mata dahil sina Grey at Red ang ini-interview sa isang talkshow.
"B-Busog pa ako." Napahigpit ang hawak niya sa bag nang inilapag ni Kale ang mug saka tumayo at pinatay ang TV.
"M-Mauna na ako sa opisina," magalang na sabi niya.
"Toothbrush lang ako, wait me here," sabi ni Kale saka muling pumasok sa kuwarto.
"Ano na ang gagawin ko?" tanong ni Melody at naupo sa sofa. Aalis na ba siya? Pero baka magalit si Kale sa kaniya.
"Tara na," ani Kale nang lumabas kaya parang tuta na sumunod siya rito. Nang nasa elevator na, sinadya niyang mauna para siya na ang pumindot.
Dinig na dinig niya ang kalabog ng puso nang sumara ang pinto at sinalubong sila ng nakakabinging katahimikan. Pasimpleng napasulyap siya kay Kale na naka-business suit at sobrang linis nito tingnan.
"May dumi ba sa mukha ko at ganiyan ka makatingin?"
"H-Ha?" nagtatakang tanong ni Melody saka napayuko sa sahig.
"Ba't mo ako tinitingnan?"
"Hindi kita--"
"Malaki ang salamin sa harapan natin, Melody!"
Namilog ang mga mata niya at napatingin sa malaking salamin sa harapan nila. Geez! Nakalimutan niyang salamin pala ang sa harapan nila.
"N-Nanibago lang ako sa suot mo."
"'Yon lang ba?"
Marahang tumango ang dalaga.
Pagbukas ng elevator, saka lang siya nakahinga nang maluwag. Naunang lumabas si Kale kaya nagmamadali siyang sinundan ito patungo sa kotse.
"Dito ka sa harap," sabi ni Kale nang nasa likuran pumuwesto ang dalaga.
"Kasi--"
"I'm your boss, hindi ako driver!"
"Yes, sir," nagmamadaling lumabas siya saka lumipat sa tabi nito.
"Psh! Umayos ka nga," saway ni Kale saka nagmaneho na. Hindi siya sanay sa ikinikilos ni Melody kaya sumasakit ang ulo niya rito.
Binilisan niya ang pagmaneho nang may mapansin siyang motorsiklong nasa likuran. Sinubukan niyang mag-overtake at iyon nga rin ang ginawa ng nasa motor.
"K--Sir, hindi po ito ang daan," sabi ni Melody nang lumiko siya sa kanan.
"May titingnan lang ako," wika ni Kale at napasulyap sa naka-motor.
" Psh! Hindi mo kilala ang binabangga mo, boy!" sa isip ni Kale saka nag-U-turn at bumalik sa daan nila patungo sa opisina. Mukhang nakatunog ang lalaki kaya lumiko ito at hindi na sila sinundan pa.
"M-May problema ba?" tanong ni Melody.
"Wala, may bagong branch na pala ng KFC dito," ani Kale kaya napalingon si Melody at nakita niya ang KFC na nadaanan. "Paborito kasi nina Tito LL ang KFC kaya tiningnan ko lang," sabi niya na ang tinutukoy ay ang isa sa quadruplets na kapatid ng Mommy Anndy niya.
Pagdating sa building, naunang bumaba si Melody at dali-daling pumasok. Nagpaiwan muna si Kale at may tinawagan para ipa-check ang CCTV sa area na dinaanan nila kanina. Kailangan nilang makilala ang sumusunod sa kanila at makuha ang plate number kung meron man.
Nang bumaba siya, sinalubong siya ng guard.
"Good morning, sir," bati nito.
"Balita?"
"May kopya na po ng nangyaring aksidente noong isang araw," magalang na pagbalita niya.
"Good. Ipapakuha ko na lang sa tauhan para maimbestigahan," sabi niya at dumiretso na sa elevator. As usual, napuno na naman ang tainga niya ng bati ng mga empleyado.
Pagdating sa opisina, dumiretso siya sa table niya.
"Coffee sir?" tanong ni Jessie na kakalabas lang sa mini kitchen at tinulungan ang technician na ayusin ang saksakan ng ref.
"No, thanks. Nagkape na ako sa bahay," sagot niya at binuksan ang computer.
"Sir? Magle-leave na pala ako nextweek," paalala ni Jessie. Ooperahan na kasi ang nanay niya kaya kailangan niyang magpahinga muna.
"May ipapalit ka na ba?" tanong ni Kale habang tina-type ang password sa computer.
"Yes po."
"Okay," sabi ni Kale kaya umalis na si Jessie. Tiningnan niya ang email niya. Tambak na ang inbox niya kaya ne-red flag na lang muna niya ang ibang hindi niya kayang basahin para si Jessie na ang gagawa. Naka-loop in naman ito at ang HR.
Sa pagkawili niya, nagulat siya ng alas onse na ang oras.
Tinawag niya si Jessie.
"Patawag ka nga ng housekeeping." Utos niya.
"Sir, bakit po?"
"Papa-check ko ang CR ko," sagot ni Kale.
"S-Sige," ani Jessie. "Lalaki ba o babae?" Hanggang ngayon, hindi niya akalaing magagawa iyon ng boss niya kahapon. Firstime nitong dumepensa sa isang empleyado at sa facility department pa talaga galing.
"Huwag na lang pala," ani Kale. "Check mo na lang kung kumain na sila."
"Ho?"
"Check mo ang mga nasa housekeeping kung kumain na sila," ulit ni Kale at pinatay ang computer.
"Bakit ho?"
"Mag-e-eleven thirty na e," anito.
"Sige, tatanong ko po," sabi ni Jessie.
"Jessie? Puwede bang huwag kang pahalata? 'Yong tanong na pasimple lang?" pakiusap nito.
"Sir? Paano po 'yon?" Naguguluhang tanong ng dalaga.
"Haist! Magpatawag ka na nga lang ng housekeeper tapos tatanong na natin," sabi ni Kale kaya tumango si Jessie. Ano kayang trip ng boss niya?
" Hindi kaya dahil sa housekeeper na 'yon?" tanong ni Jessie at napasulyap sa boss niya na ang lalim na naman ng iniisip.
Tinawagan niya ang guard para magpatawag ng housekeeper.
"Morning," magalang na bati ni James kay Jessie. "Ano po 'yon, ma'am?"
"Kumain na ba kayo?" tanong ni Kale na kakalabas lang ng opisina.
"Hindi pa po sir," magalang na sagot ni James.
"Mag-aalas dose na ah," ani Kale.
"Busy po kasi kami," sagot ni James.
"Eh, merienda? Nagmemerienda ba kayo?" tanong ni Kale kaya napatingin si Jessie sa kaniya.
"Hindi pa sir eh, walang time."
"Paano ang mga kasamahan mo? Nag-merienda ba sila?"
"Ahm, ang iba sir may tinapay na dala at kapag may oras, sumasaglit lang po," sagot ni James.
"L-Lahat kayo may tinapay?" usisa ni Kale kaya pasimpleng napataas ang kilay ni Jessie sa boss na hindi nakatingin sa kaniya.
"Ang iba lang po pero ako, wala."
"Sino pa ang wala?"
Ngayon na talaga nagdududa si Jessie. Pakialam ng boss niya tungkol sa merienda ng mga ito? Eh siya nga, hindi nito tinatanong kung kumain na ba?
"Kami lang po yata ni Melody," sagot ni James.
"You mean, hindi pa kayo nakakaing dalawa?"
Napakamot si James. "Busy po eh, pero nag-almusal naman ako kanina sa bahay."
"Sige, mamaya na kayo kumain, oorder lang ako," sabi ni Kale.
"Ho?"
Hindi na siya nasagot nang tinalikuran sila ng boss at pumasok sa loob ng opisina.
"Ano raw?" naguguluhang tanong ni James sa secretary nito.
"Magpapalibre siya ng lunch sa inyo," ani Jessie.
"T-Talaga?"
"Oo, sige na, bumalik ka na sa trabaho mo," sabi ni Jessie kaya lumabas na si James at bumalik na rin siya sa puwesto.
Hindi pa uminit ang puwet niya sa silya nang lumabas ulit si Kale sa pinto.
"Ito ang pera, mag-order ka nga sa Chowking. Ilan ba sila?" tanong ni Kale.
"Siguro mga lima, sir," sagot ni Jessie.
"Sige, order ka ng pang-sampu. Saan kaya tayo kakain?" tanong ni Kale.
"Po?" mulagat na tanong ng dalaga.
"Sa board room na lang kaya?"
"Masyadong malaki--"
"Okay lang 'yon at least kakasya tayo."
"Sasabay tayo sa kanila?"
"Emergency meeting tayo. Ipahanda mo ang board room," sabi ni Kale.
"S-Sige," sabi ni Jessie na hindi na nagtanong pa. Alam niyang may kakaiba talaga sa boss nila pero ayaw na niyang magpahalata pa.
Kinuha niya ang pera at tumawag sa Chowking saka sa reception na rin para i-inform na may pagkain silang hinihintay.
Tumungo siya at pinaayos ang board room. After ng 30 minutes, dumating ang pagkain kaya pinatawag niya ang lahat ng nasa housekeeping.
Napatingin siya kay Melody na naiilang na pumasok kasama sina James.
"Maupo kayo," sabi ni Jessie. Pinagmasdan niya si Melody, maganda ito at maputi kaso medyo hindi lang maayos tingnan dahil sa trabaho. Pero kapag sa office siguro 'to ilalagay, baka sakaling may ibubuga. Or baka magkaibigan talaga sila ng boss niya kaya ganoon na lang ka-convern ang boss nila kay Melody?
"Ma'am? Magpapakain ba talaga si Sir?" usisa ni Lando na dito na tumanda.
"Opo," sagot ni Jessie.
"Bakit?" usisa ni Melody.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kale kaya lahat sila ay nanahimik at tila pinipigilan ang paghinga.
"Kumain na tayo, mamaya na tayo mag-usap," sabi ni Kale at naupo sa pinakadulo ng mesa kaya binuksan na ni Jessie ang pagkain na nasa gitna na ng mesa.
"Salamat, sir," pasalamat ni Lando.
Hindi makatingin si Melody kay Kale habang inaabot ang isang order na para sa kaniya.
"Kumain lang kayo nang marami. Kapag kulang, magpasabi lang kayo," sabi ni Kale at sinimulan na ring kumain.
" Ano kaya ang nakain ni Kale?" bulong ni Melody at ipinagpatuloy ang pagkain. Gutom na siya. Nag-candy nga lang siya kanina para hindi siya mahilo.
"Dapat hindi kayo nagpapagutom," sabi ni Kale kaya mapatingin si Jessie sa kaniya. Kailan pa naging concern ang boss nila sa mga ito?
"Busy sir," sabi ni Lando.
"Kahit na. Kapag nagugutom kayo, kumain kayo. Iisa lang ang katawan natin kaya dapat na alagaan natin," sabi ni Kale kaya wala nang sumagot.
Napasulyap siya kay Melody na tahimik na kumakain.
"Ilang floor ba ang nililinis ninyo araw-araw?" tanong niya.
"Buong floor po," sagot ni James. "Pero minsan depende rin po. Ang iba kasi malinis na."
Nang matapos silang kumain, niligpit nila ang pinagkainan.
"Ako na ho sir," sabi ni James nang tumayo ang boss bitbit ang pinagkainan.
"Ako na," sabi ni Kale at iniwan sila saka lumapit kay Melody na nasa basurahan at nagtatapon ng pinagkainan.
"S-Salamat," nahihiyang pasalamat ni Melody sa katabi. Medyo umingay na ang room dahil nakakapag-usap na ang mga kasamahan nila.
"Kailangan ko pa bang pakainin ang lahat para makakain ka lang?" mahinang sagot ni Kale at itinapon ang pinagkainan.
"H-Ha?" naguguluhang tanong ni Melody habang nakatingala sa binata.
"Tsk!" ani Kale at may dinukot sa bulsa saka inabot sa kaniya. "Kapag nagugutom ka, kainin mo 'to."
Napatitig si Melody sa maliliit na chocolate na inabot nito. Parang mini kisses lang kaliit.
"H-Huwag na," tanggi niya.
"Kunin mo sabi eh!" singhal ni Kale kaya napatingin sa kanila ang mga kasamahan ni Melody.
"S-Salamat," namumula ang mukhang pasalamat ni Melody saka inabot ang mini chocolates.
"Hindi ka kumain kagabi, hindi ka rin kumain kaninang umaga tapos late ka na ring kumain ngayon, magpapakamatay ka ba?" galit na sabi ni Kale na para bang pasaway na bata ang kausap niya.
Napayuko si Melody dahil nahihiya siya sa mga kasamang nakikinig.
"Kainin mo 'yang chocolate kapag nagugutom ka. Kapag may magagalit, isumbong mo sa akin, maliwanag?" Naha-highblood na yata siya kay Melody pero agad na umurong ang dila niya nang maalalang may mga kasama sila na nakatingin at nakikinig sa kanila.
"N-Narinig ba nila tayo?" bulong niya sa dalaga na pulang-pula na ang magkabilang pisngi.
Nakayukong tumango si Melody kaya naikuyom ni Kale ang kamao. Nawawala yata ang senses niya ngayon at hindi siya aware sa paligid niya?
"Huwag mong ipamigay 'yang chocolates, galing pa 'yan kay Tita Jaffy," sobrang hinang bulong ni Kale at hinarap ang mga tauhan.
"K-Kayo rin, huwag kayong magpagutom. May chocolates ako sa opisina, ipapadala ko lang sa inyo mamaya para may mangata kayo kapag nagugutom kayo," sabi ni Kale at tinalikuran si Melody. "Tayo na, Jessie, may gagawin pa tayo sa opisina ko."
Nang makalabas na sila, tiningala ni Jessie ang boss.
"S-Sir? May chocolate ka ba sa office?" curious na tanong ni Jessie nang makapasok na sila sa elevator.
"Bumili ka," sagot ni Kale nang sumara ang pinto. "Meron naman yata sa Seven eleven o Familymart."
"Ho?" Jessie.
"Pero huwag ka lang magpahalatang kakabili mo lang, maliwanag?" bilin ni Kale saka dumukot ng dalawang libo sa wallet at inabot kay Jessie ang pera. "Paperbag naman ang gamit nila kaya hindi nila makikita ang binili mo. Keep the change."
"Sige po," magalang na sagot ni Jessie saka napangiti. Dinadamay siya ng boss sa kalokohan e.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon