14

2.7K 100 1
                                    


MY BOSS, MY BODYGUARD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 14

Unedited....

Hindi nakauwi si Kale. Gusto niyang tawagan pero wala naman siyang sasabihin kaya maaga pa siyang natulog.
Kinabukasan, naligo siya at lumabas ng kuwarto. Sa opisina na lang siya kakain.
Nagulat siya nang makitang nakaupo sa sala si Kale na tila bagot na bagot sa kakahintay sa kaniya.
"A-Anong oras ka nakauwi?" alanganing tanong ng dalaga.
"Kumain ka na," sabi ni Kale.
"Sa office na lang."
"May dala akong pagkain kaya kainin mo."
"K-Kumain ka na ba? Sabay na tayo."
Tumayo si Kale at tumungo sa kusina kaya sinundan niya. Inaayos nito ang hapag-kainan at kinuha sa supot ang dalang ulam saka ininit.
"Bumili ka pa sa labas?" Sa pagkakaalam niya, iilan lang ang 24 oras na kainan.
"Galing 'to kina Lola Anne," sagot niya.
"Tulungan na kita."
"Maupo ka na, hindi ko naman 'to niluluto sa microwave," sagot niya kaya naupo na siya dahil baka mag beast mode na naman 'to.
Nang ilapag ni Kale ang pagkain, napalunok siya ng laway dahil nakaramdam ng gutom.
"Kain ka na," sabi ni Kale at inabutan siya ng plato, kutsara't tinidor. "Ubusin mo 'to ha."
"Hindi ka ba kakain?" Napasulyap siya kay Kale na kumuha ng isang pitsel ng malamig na tubig.
"Busog na 'ko, kumain na ako bago umalis," sagot ng binata at naupo sa harapan niya.
"Sino nagluto ng beefsteak?" tanong ni Melody.
"Lola Ann," sagot ni Kale at matamis na ngumiti.
"Mukhang masarap."
"Talaga. Sinarapan niya 'yan nang malamang kasama ko ang girlfriend ko. Sabi niya, pakainin daw kita at huwag gutumin."
"Hindi mo naman ako girlfriend." Nilagyan niya ng kanin ang plato.
"Sinabi na ni Empress. Isa pa, alam na ng lahat dahil sa pagsama mo sa isla."
"Pero kunwari lang 'yon!"
"Pero seryoso sila."
"Sila lang 'yon pero hindi tayo!"
Naningkit ang mga mata ng binata at namula ang tainga. Ganito ito kapag galit o nahihiya, agad na namumula ang magkabilang tainga.
"Seryoso ako," ani Kale kaya natigilan si Melody.
"D-Di ba kunwari lang 'yon?"
"Hindi na ngayon."
"H-Huh?"
"Girlfriend na kita."
"B-Bakit hindi ko alam?"
"Ngayon alam mo na."
Napanganga si Melody at nagtatanong ang mga mata sa binata.
"H-Hindi ba dapat may pahintulot ko?"
"Wala na. Okay na tayo."
"Kale-"
"Bakit? Ano ba ang problema mo kapag boyfriend mo ako? May reklamo ka ba sa pagkatao ko?"
"W-Wala nam-"
"Wala naman pala e."
"Hindi mo ako naintindihan. Ano na lang ang sasabihin nila sa opisina kapag-"
"Isumbong mo ang nang-aaway sa 'yo sa office at patatalsikin ko!"
"K-Kale naman, huwag mo akong pahirapan!" naiiyak na sabi niya.
"Nahihirapan ako, Melody. Alam mo bang ayaw ko naman talaga sa 'yo bilang girlfriend pero bakit sa ilang araw na lumipas, mas lalo kang gumaganda sa paningin ko. Nagiging sexy ka kahit na walang kuwenta naman ang mga suot mo! Araw-araw, gusto kitang makita't makasama. Nahihirapan ako dahil ayaw ko man pero minahal na kita kahit na ang clumsy mo." Mahabang sabi ni Kale kaya natameme si Melody. Ito ba talaga ang Kale na boss niya? 'Yong malaking duwende na boss nilang sobrang strikto at sungit sa opisina? Ito ba talaga ang nasa harapan niya? O baka nananaginip lang siya?
"Kumain ka na," mahinang sabi ng binata saka iniwas ang mga mata. Kapag ganitong natulala si Melody, mas lalo siyang natatakot para sa sariling damdamin e.
"Salamat pala sa pa-breakfast," masayang pasalamat ni Melody at sinimulan ang pagkain pero agad na napadura siya sa nakaing beefsteak.
"Tubig," alok ni Kale matapos lagyan ng baso.
"Ano 'to? Niloloko mo ba ako, Kale?" singhal ni Melody at gigil na tumayo. "Papatayin mo ba ako?"
Pigil ang tawa ni Kale. "Galing kaya 'yan kay Lola Patch."
"Galing sa kaniya? Lalasunin mo ba ako?" bulalas niya.
"Hindi. Pinapakain nga kita e."
"Kumain ka kung maayos ang utak mo!" singhal niya saka tinalikuran ang binata. Hindi niya maipaliwanag ang lasa. Basta mas malala pa sa tubig-dagat. Siguro isang basong asin na kusang natunaw, gano'n.
"Sandali!" Habol ni Kale. "Sa akin ka pa rin sasabay!"
Tuloy-tuloy siya sa elevator nang makalabas.
Sumabay si Kale sa kaniya kahit na may dalawang babae ring nakasakay sa loob.
"Si Lola naman talaga ang nagluto no'n."
"Huwag mong idahilan ang lola mo kung gusto mo akong lasunin!" Pinandilatan niya ang binatang natatawa. "Tatawa-tawa ka pa? Ano'ng nakakatawa? Baliw ka ba?"
Inakbayan siya ni Kale pero agad niyang tinanggal ang kamay nito.
"Galit pa rin ba ang girlfriend ko? Gusto ko lang naman na mapansin mo ah," malambing na tanong ni Kale kaya napatingala ang dalawang babae sa kaniya at halatang kinilig.
Tumahimik si Melody dahil ayaw niyang gumawa ng isyu hanggang sa nakalabas na sila at nakapasok siya sa sasakyan nito.
"Ganoon naman talaga magluto si Lola Ann. Ayaw ko nga sanang dalhin kaso kawawa naman siya. Nagbabakasakali lang na magustuhan mo."
"Huwag mo sabing gamitin ang lola mo!" singhal niya.
"Ipakilala kita kay Lola Ann at samahan mo pa siyang magluto para malaman mo!" pikon na ring sabi ng binata.
"Kung totoo man, ba't mo pa ako pinakain?"
"Para patas tayo! Matapos ninyo akong ipahiya ni Empress kahapon sa opisina, ganun lang 'yon?"
"Pakialam ko sa drama ninyo?"
"Sinabihan kitang sa office ka lang pero pumunta ka pa rin sa canteen!" inis na sagot ni Kale saka iniliko ang sasakyan.
"Ikaw nga 'tong nilayasan ako e. Wala naman akong gagawin sa opisina mo."
"Kapag galit ako, maglalayas ka?"
"So, galit ka kahapon?" Inalala niya ang usapan nila. Wala namang nakakapikon pero nag-walkout ito.
"Kasi seryoso ako tapos sabihin mo na magpatingin ako sa neuro?" hindi makapaniwalang depensa ni Kale.
"Naiilang nga po ako e. Bakit ba sinasabi mong . . . ano . . ."
"Na gusto na kita?"
Marahang tumango si Melody.
"Bakit? Masama ba'ng magsabi ng totoo? Eh, sa gusto na nga kita e."
"Seryoso na kasi, Kale! Alam ko namang si Mayumi ang gusto mo. Maganda siya, morena at mayaman. Ang layo naming dalawa kaya impossible. Iba ang taste mo."
"Hindi ba puwedeng magbago ako ng taste, Melody? Noong ginusto ko si Mayumi, wala ka pa naman a. Kung sabay ko kayong nakilala, malamang ikaw ang magugustuhan ko," seryosong sabi niya habang nagmamaneho.
"Isang tanong, isang sagot. Pero gusto ko ang totoo talaga, Kale."
"Ano?"
"M—May gusto ka ba talaga sa akin?"
Tumigil si Kale at hinarap siya saka nakipagtitigan sa kaniya.
"Oo, Melody. Gustong-gusto na kita," seryosong sagot ni Kale kaya napatingin si Melody sa bintana.
"B–Bakit?"
"Malay ko. Kailangan ba ng sagot sa lahat ng bakit?" sagot ng binata at ipinagpatuloy ang pagmaneho.
Tumahimik si Melody pero nahihirapan siyang huminga. Pakiramdam niya ang sikip-sikip nila sa loob ng sasakyan. Naiinitan siya kahit na naka-aircon naman.
Pagdating sa building, naunang bumaba si Melody.
"Wait lang," tawag ni Kale at sinabayan siya sa paglalakad.
"B—Baka ma-issue tayo."
"Bakit?"
"Ang kahapon."
"Yaan mo sila."
"Boss pa rin kita."
"Sinukahan mo nga ako e," paalala ni Kale kaya namula ang magkabilang pisngi niya.
Sumakay sila sa elevator. Pasara na pero biglang pumasok ang tatlong babaeng empleyado. Lalabas na sana ulit nang mapansin si Kale pero sumara na ang elevator. Pasimpleng umurong ang tatlo sa likuran.
"Magpapa-deliver ako mamaya ng pagkain," sabi ni Kale. Marahang tumango si Melody at napayuko. "Sabay tayong kakain ha."
Siniko niya si Kale para tumahimik na ang binata pero nagulat siya nang akbayan siya nito. Pati ang tatlong empleyado ay nagulat din.
Napapikit si Melody dahil sa hiya.
Naramdaman niya ang mainit na hanging dumaan sa bunbunan niya. Wait, hinalikan ba siya ni Kale o feeler lang siya?
Bumukas ang elevator kaya inalis na ni Kale ang kamay sa balikat ng dalaga at naunang maglakad. Mabagal na sinundan niya ito hanggang sa makarating sila.
Ini-lock niya ang pinto at sinundan si Kale na nakaupo na sa swivel chair nito.
"Ang lakas mo ring manukso, noh?" singhal niya sabay hampas ng mesa.
"Bakit?" inosenteng tanong ni Kale.
"Magtatanong ka pa? Alam mo namang may mga tao sa elevator!"
"And so? Anong pakialam nila kung gusto kong akbayan ang girlfriend ko?"
"May sayad ka na talagang duwende ka!" Umuusok na ang ilong niya pero lalo pang tumawa si Kale. "Walang nakakatawa!"
"Cute mo. Maglinis ka na nga ng office."
"Ugh! Kainis ka!"
"Pagdating dito, boss mo ako," sabi ni Kale. "Linis na!"
"Oo! Pero hindi mo ako girlfriend dito!"
"E di sa bahay na lang."
"Ugh! Bahala ka!" Nagmartsa na siya palayo kay Kale bago pa siya matuyuan ng dugo.
May tumawag kay Kale sa cellphone kaya tinatamad na sinagot niya ito.
"Jaffy 'to."
"Tita."
"Meron na akong latest update sa kaso ni Melody at ng parents niya."
"Really?"
"Kita tayo later."
"Hindi ba puwede ngayon?"
"Busy ako."
"Okay. Hindi naman siguro negative sa side ni Melody?"
Narinig ang pagtawa ng sa kabilang linya.
"No," sagot ni Jaffy. "Basta. Kita tayo mamaya."
"Sige, bye."
Napasulyap siya kay Melody na nag-aayos ng gamit.
"Hon? Timpla mo nga ako ng kape," sabi niya at binuksan ang laptop kaya napasimangot si Melody. "Nagrereklamo ka ba?"
"Wala akong sinabi," depensa ni Melody kahit na aminado siyang napasimangot siya.
"Ah, kala ko may reklamo ka."
Tumigil si Melody sa ginagawa at nagtimpla ng kape. Pansamantalang nag-aayos siya ng coffee mixer nang pumasok si Mayumi.
"Kale! Kamusta?" masayang bati ng dalaga kaya napalingon si Melody.
Tumayo si Kale at sinalubong ang kababata saka niyakap.
"Okay lang. Napadalaw ka?"
"Pasensiya ka na pala kung hindi kita naasikaso nang maayos noong engagement party ha."
"Walang anuman," sagot ng binata. "Gusto mo ng coffee?"
"Yes, please."
Humarap si Kale kay Melody.
"Two coffee, please."
"Oh, hi, Melody. Nandiyan ka pala." Masiglang bati ni Mayumi at makahulugang tumingin kay Kale."Ikaw ha."
"Psh! Kamusta na kayo ng boyfriend mo?"
"Okay lang." Naupo si Mayumi sa silyang nasa tapat ni Kale. "Alam mo ba, balak kong sa ibang bansa na magpakasal."
"Di ba marami kang pamilya dito?"
Napanguso ang dalaga.
"Kasi gusto ko sa Paris e."
Natawa si Kale. Para itong bata. Hindi sila magkakatugma ni Mayumi dahil siya, gusto niya sa isla pero ito, gustong-gusto naman nitong takasan ang bayan nila.
"Two cups of coffee!" sabi ni Melody at inilapag ang dalang kape sa gitna ng dalawa.
"Tinapay, please," pakiusap ni Mayumi.
"Sa ref meron," sabi ni Kale. "Pakiinitin na lang, please."
Tumalikod si Melody at naiinis na kinuha ang tinapay saka ininit.
Hindi naman siya nagrereklamo pero . . . basta.
"Ito na po," sabi niya.
"Sabay ka na sa amin," alok ni Mayumi. "Kain ka."
"Oo nga pala, 'di ba hindi ka pa nag-breakfast?" tanong ng binata.
"Gusto ko po ng kanin," sagot ng dalaga.
"Sa canteen meron," ani Mayumi.
"P—Puwede ba akong kumain?" tanong niya.
"Hindi!" sagot ni Kale.
"Nagugutom na ang girlfriend mo. Pagbigyan mo na," sabat ni Mayumi.
"Salamat po," pasalamat ni Melody saka hindi na hinintay ang sagot ng binata at agad na pumunta sa canteen saka kumain. Hindi niya nakita ang mga kaibigan kaya mag-isa siyang kumain.
Nakakalahati na siya nang lumapit si Kale.
"Ba't mo iniwan ang bisita mo?"
"Umalis na siya," sagot ni Kale at pinagmasdan itong kumain.
"Huwag mo akong tingnan, naiilang ako!" mahinang saway niya kaya napalingon ang mga empleyado.
"Galit ka?"
"Bakit?"
"Ewan ko. Feel ko lang."
"Mali ang feeling mo."
"Feeling na mahal kita?" nakangiting tanong ni Kale.
"Ano ba, Sir! Tumigil ka nga," saway niya. Dapat hindi na lang siya dito pumunta kung alam lang niyang susundan siya.
Agad na tinapos na niya ang pagkain at tumayo. Sinundan siya ni Kale saka inakbayan.
"Kale, ano ba?" mahinang saway niya.
"Nagseselos ka ba kay Mayumi?"
"Ba't naman ako magseselos?" Halos lalabas na ang kaluluwa niya kaya tumawa si Kale.
"Hmm? Kasi nakikita ko po sa mukha mo na nagseselos ka."
Tumigil si Melody sa paglalakad at tiningala ang matangkad na boss.
"Hindi ako nagseselos!"
"Talaga?"
"Oo!"
"Then kiss me!"
Namilog ang mga mata ng dalaga sa utos ni Kale lalo na't ang lakas pa nito kaya narinig ng mga empleyado.
Natawa si Kale nang namutla si Melody.
"Just kidding, Honey," bawi niya saka hinigit si Melody at niyakap. "Tara na nga sa office. Do'n tayo."
Tamemeng naglalakad si Melody dahil sa sobrang hiya. Ne hindi nga niya alam kung paano sila nakarating sa opisina.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon