MY BOSS, MY BODYGUARDby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 4
Unedited...
[Kale POV]
"Ano ho ba ang problema?" tanong ko kay Tito JM nang pumasok sa office niya.
"May isang trainer na nakatakas," sagot niya. "Sinubukan pa siyang habulin ng guard pero may nakaabang daw na motorsiklo kaya nakatakas siya."
Naupo ako sa harapan niya.
"Any news sa kaniya."
"Wala," sagot niya. "Ang pinoproblema namin, baka may nakuha siyang chips or any information sa about sa agency. Or baka spy siya."
Gusto kong matawa. Si Melody? Spy? Eh tanga nga 'yon.
"Ang problema, hindi namin siya mahanap. Mukhang may nagtatago sa kaniya."
"Ano ang case niya?" tanong ko.
"Her parents was killed sa harapan niya mismo dahil sa illegal position of fire arms and alam mo na, shabu pa rin."
"Guilty?" tanong ko.
"No. Actually, nadamay lang ang mag-asawa dahil nang pasukin ang mansion ng pinagsisilbihan nila, sila lang ang nandoon. Pababa siya para tingnan ang ingay sa baba pero iyon nga ang nasaksihan niya, nagtatanim ng planted evidence ang mga pulis. Papatayin sana siya pero may dumatingtat isa pang grupo ng SWAT team kaya nagkaroon siya ng time na nakatakas siya."
"I see," sabi ko. I heard the news.
"Siya ang main witness kaya sa bahay sana siya magtatrabaho para maprotektahan namin pero heto, wala na siya," problemadong sabi niya. "We just want to know if who the fuck helped her!"
"She's with me," ani ko kaya napatingin siya sa akin.
"What?"
Hinihintay kita that time tapos humahangos siyang patungo sa akin kaya ayun, itinakas ko nga siya.
"Shit! Sa 'yo ba talaga siya?"
"Yes," sagot ko.
"Ba't siya tumakas?"
"Takot."
"Takot? We're here to protect her."
"Takot makabasag ng mamahaling gamit," ani ko. "Natakot yata sa inyo ni Tita Jaffy kaya ayun, tumakas. Baka raw makabasag siya at magbabayad eh, wala siyang pera."
"Damn!" aniya kaya natawa ako.
"Tutal na sa 'yo na siya, ikaw na lang magbantay sa kaniya."
"Excuse me? Ako?" sabay turo ko sa sarili.
"Why? Mas kampante pa nga akong na sa 'yo pala siya e. Isa pa, mas mapapanatag kami dahil mas magaling ka."
"Ang dami ko pong problema, ibabalik ko na siya sa inyo."
"Sa 'yo na lang siya."
"Haist! Bigyan n'yo siya ng matutuluyan."
"Delikado kapag mag-isa siya. Sa unit mo na lang siya muna," aniya.
"Hindi puwede."
"That's an order!" madiing sabi niya na ikinabigla ko.
"T-Tito?"
"Malaki ang chance na konektado ito sa frat ng pamilya dahil may nakita raw siyang paso sa daliri ng isang pulis," sabi niya. "At hand tattoo iyon ng alpha sigma rho."
"Sa iba mo ibigay."
"Kanino? Maliban sa inyo, sino pa ang maaasahan ko sa mga pinsan mo? Alangan naman ipasa ko siya kina Luis? Eh, suntukan lang ang alam ng mga anak ni LL lalo na nina Jacob at Lee Patrick."
Sa kanilang lima, sila lang ni Mommy ang involved sa assasin and killings.
"Damn!" naiinis na tumayo ako at naglakad palapit sa pinto.
"Watch her," habol niya na hindi ko na pinansin pa.
"Puro na lang ako ganito!" naiinis na sabi ko. Una, si Mayumi. Nakiusap sina Tita na bantayan ko siya rito sa Maynila dahil taklesa siya pero ayun, nakalusot at ikakasal na.
Wala naman akong pupuntahan kaya umuwi ako sa bahay. Walang kakaiba sa sala, mukhang wala siyang nabasag na gamit. Pumasok ako sa kusina at nadatnan ko siyang nakaupo at tila kay lalim ng iniisip.
"Oh, kanina ka pa ba?" tanong niya nang mapansing nandito ako.
"Hindi naman," sagot ko at kumuha ng tubig sa ref saka naupo sa harapan niya.
"Grabe, nakakaantok," sabi niya.
"Magsisimula ka na pala bukas ng trabaho," anunsyo ko.
"Talaga? Wow, e di makakaalis na ako rito?"
"No," labas sa ilong na tutol ko.
"H-Ha?"
"May utang ka pa sa akin kaya dito ka muna manilbihan habang wala ang boss ko. Hindi ako marunong maglinis ng bahay."
"Hala, babayaran kita."
"Iyon na lang ang ipambayad mo," sabi ko. "Okay na ba?"
"Bakit?"
"Two months lang, para makatipid ka rin."
Napangiti siya. "Sabi ko na nga ba eh, mabait ka talaga. Salamat, buddy."
"Haist! May bestfriend ako!" naiinis na sabi ko.
"Ayieee. Huwag mong sabihin, may crush ka sa akin?" tukso niya pero biglang tumigil at sumeryoso ang mukha nang makitang hindi ako nakikipagbiruan. "Joke lang, budz."
----------------
Ika 40 days na ng pagkamatay ng parents ko ngayon pero wala man lang akong handa.
"Nakaayos ka na?" tanong niya.
"Oo," sagot ko. Papasok na raw ako sa opisina ng boss niya at ang pamatay roon ay mga Lacson pa.
"K--" alanganing wika ko.
"What?"
"P-Paano kung makabasag ako?"
"E di basag."
"K-Karlo naman eh. Paano kung mas mahal pa sa buhay ko ang mababasag ko?" nag-aalalang tanong ko.
"Puro ka basag. Huwag ka ngang nega riyan! Ang isipin mo ay kung paano mo magawa nang maayos ang duties mo."
Napabuntonghininga ako. Tama siya. Kailangan kong magtrabaho nang maayos para hindi mapauwi sa Antique.
"By the way, huwag mong ipaalam kahit kanino na ang boss mismo ang nagpapasok sa 'yo," bilin niya.
"Mabuti naman," sabi ko. Ayaw kong mahiya sila dahil ang boss mismo ang nag-recommend sa akin.
"K? Mabait ba ang boss?" tanong ko.
"Bakit mo natanong?"
"Hindi ko pa kasi siya nakita e."
"Depende," sagot niya. "Kapag mabait ka sa trabaho, bakit ka matatakot?"
"Ano ba ang mga gusto niya sa trabaho?"
"Masipag. Mabilis ang utak at higit sa lahat, ayaw niya ng palaging late."
Maaga naman akong magising at wala naman akong issue sa dati kong trabaho. Maayos naman akong makitungo.
"Huwag kang mag-alala, tigalinis ka lang naman ng building kaya hindi ka mahihirapan," sabi niya. Mas mahirap pa nga iyon dahil all around ako sa lahat ng opisina e.
"Tara na nga, nastre-stress ako!" sabi ko. Bahala na. Sayang lang ang perang pinaaral ng mga magulang ko dahil tigalinis lang pala ang bagsak ko. Pero mas okay na ito. Aanhin ko ang diploma kung kumukulo na ang sikmura? Sabi nga nila, daig na masipag ang may diploma. Aanhin ko ang diploma kung tamad naman ako magtrabaho. Hindi ako kagaya ng iba na ma-pride. Iyong ayaw nang magbenta ng tuyo kahit na wala nang laman ang pitaka kasi college graduate raw siya.
Lumabas na kami sa unit. Pagpasok namin sa elevator, humarap siya sa akin.
"Alam mo na ang password ng unit, 'di ba? Kahit mauna ka na."
"Karlo? Hindi ko alam ang pauwi rito."
"Mag-taxi ka."
"Eh? Wala akong per--"
"Oh, kasya na siguro 'yan, 'di ba?" tanong niya sabay abot ng isang libo.
"Sobra-sobra na yata," sagot ko at kinuha ang pera. Siyempre hindi ko alam kung magkano ang bayad sa taxi.
"Ganoon ba? Sige. Akin na ang number mo para matawagan kita," sabi niya kaya ibinigay ko ang cellphone number ko.
"Tatawagan na lang kita," sabi niya
Bumukas ang pinto kaya sabay kaming lumabas.
"Kaninong sasakyan 'to?" tanong ko.
"Sa boss ko."
Ang bango ng loob ng sasakyan, malinis at ang kintab pa ng lahat ng sulok. Grabe, halatang mamahalin 'to. Nasa magkano kaya ang presyo nito?
"Ang sarap lang kapag mayaman ang amo mo, noh?"
"May mahirap bang boss?"
"Si Mar Roxas," natatawang sagot ko. Lahat na yata ng gawaing mahirap, may picture siya.
"Actually, all politicians," aniya.
"Sinong president mo?"
"Wala. I hate politics," sabi niya.
"Sino nga ang ibinoto mo?"
"Boycott ako," seryosong sabi niya kaya hindi na ako nangulit pa.
After ng ilang minutes, tumigil ang sasakyan sa malaki at mataas na building.
"Salamat," pasalamat ko.
"Sabihin mo sa guard na ikaw ang bagong janitress para ihatid ka niya sa area mo," sabi niya kaya nginitian ko siya.
"Thank you, budz. You're the best friend I ever--"
"Shut your fuckin' mouth, Melody!"
"Fine," I rolled my eyes at lumabas saka naglakad patungo sa glass door ng company.
"ID po?"
"Wala po," magalang na sagot ko. "Ako raw po ang bagong janitress."
"Ah, kayo pala," sabi ng guard at tinawag ang lalaking naglilinis. "Samahan mo nga para sa orientation niya."
"Hindi ka pa na-orient?" tanong ng lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang.
"Hindi pa ho," sagot ko.
"James pala," pagpakilala niya. "Mabuti at ikaw ang napili nila."
"Bakit?"
"Di ba marami kayong nag-apply? Malaki kasi magpasahod ang mga Lacson at maganda ang benefits dito."
"A-Ah... Eh... Oo," sagot ko at nginitian siya. Bawal palang ipaalam na ang boss mismo namin ang nagpasok sa akin dito.
"Halika."
Dinala niya ako sa facility room.
"Kay James ka mag-shadowing," sabi ng lalaking head namin. "Nasa fourth floor at rooftop na kasi ang babae namin."
"Sige ho," pagpayag ko at sumama kay James na maglinis sa HR department.
"Pinapalabas namin ang lahat ng empleyado pagkatapos mag-mop dahil magsi-spray tayo ng insecticides."
"Ilang oras ba?" tanong ko.
"One to two hours," sagot niya. Ako ang nagma-mop at siya ang nagva-vacuum.
Nang matapos na kami, bumalik kami sa facility room at naupo muna roon.
"Mamaya sa canteen na naman tayo," sabi niya at naupo sa sahig. "Kapag may magradyo, puntahan natin."
"Sino ang nagraradyo?"
"Mostly, ang mga guwardiya. Kapag may ipagawa kasi ang ibang agent o employee, sa guard sila lumalapit."
"Ah."
"Sa ibang floor kasi, mga call center na riyan. Sa first second third and fourth, kay Sir Kale na."
"Kale?" ulit ko.
"Oo, boss natin. Siya ang may-ari ng buong building na 'to pero pinaparentahan lang niya ang sa itaas na floor para sa call center," sabi niya.
"Ah, mabait ba ang boss natin?"
"Naku, no comment."
"Ha? Suplado? Matanda na?"
"Bata pa. Kaedad lang yata natin," sagot niya.
"Hala, bata pa pala. Suplado siya, noh?" bulong ko.
"Huwag ka nga."
"James naman, atin-atin lang 'to. Magkuwento ka naman. Sige na, please."
"Basta huwag kang magsumbong, okay?"
"Promise," sabi ko at itinaas ang kanang kamay bilang panunumpa.
"Kasi may pagkasuplado talaga si Sir. Hindi nakikipag-usap sa empleyado at minsan lang ngumiti. Naalala ko noong nabasag ang salamin sa canteen, pinasesanti talaga niya ang agent na 'yon," pagkukuwento niya. Nagulat ako. Patay, parang kutsilyo pa naman itong kamay ko. Actually, ganito talaga ako. Kapag naghuhugas ng plato at baso, madalas akong nakakabasag ng baso. Ewan ko ba, pero dumudulas talaga siya sa kamay ko kahit na anumang ingat ang gawin ko.
"Nakakatakot naman."
"Huwag kang mag-alala, minsan lang 'yon dumadalaw pero alam mo na, sumisikip ang mundo ng mga empleyado rito. Ayaw kasi nu'n ng clumsy na tauhan."
"Haist, ang clumsy ko nga e," problemadong sabi ko.
"Pero wala 'yan sa atin. Minsan ko nga lang 'yon nakita e," sabi niya saka tumayo. "Tara, maglilinis na ulit tayo bago pa tayo mapatawag."
Tumayo na rin ako. First day pa lang pero marami na kaming napag-usapan ni James. Pansin ko rin ang mahinhin niyang kilos. Baka kalahi siya ni Eba? Ewan ko lang.
Naging maayos naman ang buong araw ko. Pauwi na ako nang may tumawag sa cellphone kong N33:10.
"Hello? Sino 'to?" tanong ko.
"Anong sino 'to? Bilisan mo na nga riyan! Punta ka sa parking lot."
"K?" bulalas ko.
"May inaasahan ka pa ba? Bilisan mo na nga!"
"Kyah! Sige, budz. Diyan ka na-- bastos nito ah." Pinatayan ako kaya dali-dali akong tumungo sa parking lot.
Agad ko siyang nakitang nakasakay sa motorsiklo na naka-helmet kaya lumapit ako sa kaniya at inabot ang helmet saka naupo sa likuran niya.
Pinaharurot niya ang motor hanggang sa makarating kami sa condominium.
Wala kaming imikan sa elevator hanggang sa makapasok sa unit.
"Kumusta ang first day ng duty?" tanong niya.
"Okay lang," sagot ko at sinundan siya sa kusina. Kumuha siya ng tubig at uminom. "Terror pala ang boss natin?"
Muntik na siyang mabilaukan saka humarap sa akin.
"A-Alam kong close kayo pero kasi-- sabi nila, suplado raw ang boss natin tapos walang kinakausap na empleyado," kuwento ko.
"Natural, boss 'yon. Magsaing ka na nga," naiinis na utos niya. "Tapos ayusin mo ang kuwarto mo dahil ang kalat. Isa pa, maglaba ka rin."
"Ay, oo nga pala, nakalimutan kong maglaba," sabi ko at tumungo sa kuwarto para ayusin ang mga labahan.
"Pakilaba na rin ng mga damit ko," sabi niya na sumunod pala sa akin.
"Sure," pagpayag ko nang makabawi man lang. "Alam mo bang walang may gusto sa ugali ng boss natin? Ang sabi nila, may pinatalsik siyang agent dahil nabasag nito ang sala--"
Boogsh!
Malakas na sumara ang pinto kaya nagulat ako. Galit ba siya? Kung sabagay, close pala sila. Nanlaki ang mga mata ko at tumakbo palabas.
"Karlo! Budz!" tili ko. Naabutan ko siya sa sala na nakaupo at nakapatong pa ang mga paa sa center table. "S-Sorry. Naging madaldal yata ako. Alam kong close kayo ng boss natin. Please, huwag mo akong isumbong," pakiusap ko.
Lumingon siya sa akin.
"Maglaba ka na, Melody!" Naniningkit ang mga matang sabi niya. Kapag magpagupit siya, sa tingin ko mas popogi pa siya.
"Pero--"
"Melody Tuazon? Maglaba ka na sabi!" galit na sabi niya kaya napakagat ako sa ibabang labi.
"S-Sorry," paumanhin ko at bumalik sa kuwarto. Hindi naman niya siguro ako isusumbong? Bestfriends naman yata kami e. Kapag tropa, walang laglagan, 'di ba?