12

2.6K 101 0
                                    


MY BOSS, MY BODYGUARD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

Unedited....

Paglapag ng helicopter, napanganga si Melody. Ang laki ng mala-palasyong bahay sa gitna ng isla.
"Oh my ghad, ang ganda!" manghang sabi niya at naupo sa isang tabi.
"Sina Mommy?" tanong ni Kale sa katulong na sumalubong sa kanila.
"Kakaalis lang po," sagot nito at napasulyap kay Melody. "Sumunod ka na lang daw po."
"Okay," ani Kale at napasulyap sa wristwatch. 4pm na at saktong alas kuwatro daw ang start ng announcement ng engagement. Kanina pa nga tawag nang tawag si Mayumi sa kaniya pero nawalan lang ng signal nang nasa himpapawid na sila.
"Let's go?" tanong ni Kale. "Or gusto mo pang magpahinga muna?"
"Baka late na tayo."
"Hindi naman tayo importante. Matutuloy ang engagement without us," matamlay na sagot ni Kale at pinasadahan ng tingin si Melody mula ulo hanggang paa. Tama nga siya, bumagay ang dark green na damit sa dalaga.
"Pangit ba ang suot ko?" naiilang na tanong ni Melody.
"Di naman."
"Makapal ang makeup?" Baka mapahiya si Kale nang dahil sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala, mas nagmumukha kang tao ngayon," pang-aasar ni Kale.
"Kale? Baka magkalat ako mamaya," nangangambang sabi niya saka tumayo.
"Be yourself, Melody. Isa pa, huwag mo silang kausapin kapag hindi sila nagtatanong," bilin ni Kale at iginiya ang dalaga patungo sa black Nissan bladeglider sportscar.
"Wow, ang cool!" bulalas ni Melody. Ang daming sasakyan sa parking lot nila.
"Kina Kuya Dale at Empress ang iba rito," sabi ni Kale. Sa kanilang tatlo, siya ang hindi mahilig sa racing noon. Siguro dahil na rin sa may bestfriend siyang sinasamahan sa ibang kalokohan nito.
Sumakay si Melody matapos pagbuksan ni Kale.
Habang nasa daan, hindi niya napigilang itago ang pagka-amaze sa lugar. Kahit saan ay may malalaking puno at may iilang wild animals na nasa gitna ng kalsada pero agad na nagtatago kapag may parating na sasakyan. May malalaking ibon din na lumilipad sa itaas. Ang iba ay alam niyang agila.
"This is paradise island. Almost half of it ay pag-aari ng parents ko. Kinuha ni Mommy ang mana niya to buy and own this land," pagkukuwento ni Kale. Their mom loves this island so much kaya mas pinili nitong manatili sa isla na malayo sa kabihasnan kesa bumalik sa Maynila. Dito na sila nagkaisip at lumaki kaya hindi nila maiwan-iwan ang isla. Isa pa, mahal sila ng mga tao rito.
"CPU?" Pagbasa ni Melody nang mapadaan sa napakalaking gate.
"Central Philippine University," sabi ni Kale. "Lahat ng pasaway na mayayamang estudyante ay tinatapon dito."
Para siyang tourguide ni Melody.
"Oh my! Naririnig ko na 'yan dati." Napatutop siya sa bibig. Sigurado siyang may narinig na siyang nakasambit nito noon pero hindi lang niya matandaan.
"Baka sa iba ring estudyante, binuksan na namin 'to sa publiko," sabi ni Kale. "Do you like it here?"
"Oo," sagot ni Melody. "Sarap sigurong tumira dito."
Sumingkit bigla ang mga mata ng binata at hindi na kumibo kaya inaliw na lang ng dalaga ang mga mata sa nadadaanan nila.
Pumasok sila sa malaking gate ng resort. Papalubog na ang araw kaya ang ganda ng view lalo na't puti ang buhangin.
"K-Kale? Nahihiya ako," alanganing sabi ni Melody.
"Psh! Huwag kang mahiya."
"N-Natatae ako," wika ng dalaga pero hindi iyon pinansin ni Kale dahil alam nitong nagdadrama lang si Melody. Bumaba ito at pinagbuksan si Melody.
"Labas na."
"K-Kale kasi--"
"Bilisan mo at nang makauwi na tayo!"
Kinakabahang bumaba si Melody. Ang daming tao. May naka-formal attire at may mga simple lang. Ang mga naka-dress ay halatang mula sa may sinabing pamilya.
"Mayor si Tito Lawrence," ani Kale para masagot ang katanungan sa utak ni Melody. "At imbetado ang lahat ng taga-isla."
"Ah, kaya pala," sabi ni Melody. Napatingin siya sa kamay ni Kale na umakbay sa kaniya.
"Girlfriend kita ngayon, tandaan mo," paalala ng binata.
"Uy, nagpagupit ka pala, Kale?" puna ng binatang nakasalubong nila.
"For a change," tinatamad na sagot ni Kale.
Ibinaba ni Kale ang kamay saka ipinulupot ang kamay ni Melody sa forearm niya.
"Kambaaaaaal!" tili ni Empress na papalapit sa kanila.
"Ang asawa mo?" tanong ni Kale.
"May inasikaso," sagot ni Empress at napasulyap kay Melody. "Hindi ba't ikaw ang--"
"Girlfriend ko," sabat ni Kale na ikinataas ng kilay ng kakambal.
"Baby K? Kailan ka pa nagkajowa?" nakapamewang na tanong ni Empress.
" Baby K?" ulit ni Melody sa utak.
"Puwede ba, matatanda na tayo, Baby E!" ani Kale at pinandilatan si Empress. Sa pamilya nila, letters ang tawagan nila pero may 'baby' sa unahan. Kagaya sa kanilang kambal, Baby E at Baby K. Siyempre ang mga magulang nila ang pasimuno ng lahat.
"Whatever! Tapos na ang announcement," pagbalita ni Empress.
"Ganoon ba? E di uuwi na kami," sabi ni Kale. Ang mahalaga lang naman ay nakadalo siya kahit na hindi na sila magkita ni Mayumi. Sa bahay na lang sila kakain ni Melody.
"Hey, Kale!" masiglang tawag ni Mayumi na papalapit sa kanila.
"Y-Yumi," usal ni Kale.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Empress at iniwan sila.
Napatitig si Melody sa morena, matangkad at sobrang gandang babae na papalapit sa kanila.
"Mabuti naman at nakarating ka. Akala ko, hindi mo na sisiputin ang engagement party ko," nakalabing sabi ni Mayumi at humalik sa pisngi ng kaibigan.
"Congrats," bati ni Kale.
"Girlfriend mo?" mataray na tanong ni Mayumi kaya napayuko si Melody. Siya ang tipo ng kaibigang sinasabi ang gusto at alam ni Kale iyon.
"Yups, si Melody pala," sagot ng binata. "Baby? Si Mayumi pala, kababata ko," pagpakilala niya.
"H-Hi," nauutal na bati ni Melody. Parang dyosa ang nasa harapan niya at mala-porselana ang kutis, sobrang kinis. Parang pinaghalong indian at brazilian ang hitsura nito.
"Bestfriend ni Baby K," ani Mayumi at pinasadahan si Melody ng tingin.
"Hindi kami tatagal," sabi ni Kale.
"Ipakilala ko lang kayo sa fiancè ko," sabi ni Mayumi at iniwan muna sila saglit.
"Ang ganda ng bestfriend mo," puri ni Melody. "Gusto ko ang kutis niya."
"Maganda naman talaga siya."
Masayang palapit si Mayumi sa kanila na may kasamang guwapong lalaki.
Napatitig si Melody sa bestfriend ni Kale. Morena, makinis at bumagay ang makapal na kilay. Natigilan siya. Morena? Makapal ang kilay? Hindi ba't ito ang mga tipo ni Kale? Napasulyap siya sa binatang salubong ang kilay.
"Kale? Si Paolo, fiancé ko," pagpakilala ni Mayumi.
"Hi, madalas kang ikuwento ni Yumi," nakangiting bati ni Paolo at inilahad ang kamay.
"Ah, never ka pang naikuwento ni Yumi sa akin," sagot ni Kale at inabot ang kamay ni Paolo. Sarap bigwasan ng loko. Ito ba ang ipinalit ng kababata sa kaniya? Maputi lang dahil obvious naman na may halong amerikano pero wala pa ring panama sa kaniya.
"Maupo muna tayo," alok ni Mayumi na pinaunlakan nina Kale. Paminsan-minsan, napapasulyap siya sa ipinakilalang girlfriend ni Kale. Alam niyang naaasiwa ito sa kanila pero kung mukha ang pagbasehan, kakaiba ito kaysa sa dream girl ni Kale. She knows him very well. Sino ba ang hindi? Eh, sabay na silang lumaki ni Kale.
"Hindi ko akalaing mahilig ka na pala sa mestiza," puna niya.
"Really? Naging busy ka lang kasi kaya hindi mo na ako kilala," makahulugang sagot ni Kale at dinampot ang wine saka ininom.
"Ang bilis lang kasi."
"Parang pagpakasal mo rin," sabi ni Kale. "Anyways, people change."
Nakikiramdam lang si Melody sa dalawa. Kahit ang fiancé ni Mayumi ay ramdam ang tension sa pagitan ng magkababata.
"Kain na kayo," alok ni Mayumi.
"Busog pa kami," sagot ni Kale.
"Excuse me, CR lang ako," paalam ni Melody.
"Samahan na kita," alok ni Mayumi. "I'm sure hindi mo alam ang daan." Tumayo siya para masamahan si Melody.
Tahimik na naglakad dila patungo sa pasilyo. May mga bumabati kay Mayumi kaya nginingitian lang ng dalaga.
"Dito ang restroom," sabi ni Mayumi.
"S-Salamat," nahihiyang pasalamat ni Melody. Ngayon lang siya nakapunta sa party na bonggahan ang handa. May limang litson pa sa mesa, dami ng pagkain, at mamahalin ang mga gamit.
Umihi siya. Paglabas niya ng cubicle, napatingin siya sa salamin. Nakapag-ayos na siya dati pero ang galing ng nag-makeup sa kaniya ngayon tapos mukhang mamahalin pa ang pinahiram ni Jessie na damit at sapatos sa kaniya.
Paglabas niya, nagulat siya nang makita si Mayumi.
"Ang tagal ko ba? Pasensiya na. Akala ko bumalik ka na," paumanhin niya.
Ngumiti si Melody. "Kailan lang naging kayo ni Kale?"
"H-Ha?" nagulat siya sa tanong nito. Mukhang hindi yata friendly ang boses ni Mayumi?
"Hmm? Bestfriend ko siya at kailan lang kami nagkatapuhan. Parang ang bilis naman yata niyang nagka-girlfriend?"
"Ma'am--"
"Bakit mo ako tatawaging ma'am? Katulong ka lang ba?" nakataas ang kilay na tanong ni Mayumi kaya mas lalong kinabahan si Melody. Naduduwag siyang makipag-usap sa mga taong mas angat sa kaniya.
"Yes."
Napalingon sila sa nagsalita. "She's my slave," sagot ni Kale. Nang samahan ni Mayumi si Melody, nagduda na siya. Kabisado niya ang bestfriend kaya sinundan niya ang mga ito.
"Slave?" natatawang ulit ni Mayumi.
"Slave ng puso ko," ani Kale kaya mas lalong natawa ang kababata.
"Ang corny mo talaga, K!"
"Bahala ka," napipikong wika ni Kale at nilapitan si Melody saka hinila ang kanang kamay nito. "Let's go, baby."
"I can't believe this. Ang corny mo pala," biro ni Mayumi. Kampante siya kay Kale at kahit na ano ang sabihin niya rito, okay lang.
"Bahala ka kung ano ang isipin mo."
Nagpahila si Melody sa binata hanggang sa makarating ulit sila sa malawak na venue. Madilim na kaya binuksan na ang ilaw sa mga poste.
"Hi ulit," bati ni Anndy nang makasalubong nila. "Uwi na ako, Baby K. Hinahanap ka nina Mommy."
"Puntahan lang namin sila, uuwi na rin kami," sabi ni Kale.
"Ginawa mo palang girlfriend ang tigalinis ng opisina mo?" patanong na sabi ni Empress kaya napayuko si Melody. Nanliliit siya. "Magkano ang binayad mo sa kaniya?"
"Stop it, Empress, will you?" mahina pero galit na saway ni Kale.
"Why? Butthurt, my twin?" nakangising tanong ni Empress.
"Insulting my girlfriend, Empress?" may galit na tanong ni Kale. Pasalamat ito at marami ang tao dahil kung hindi, malalagot talaga ito.
"Oh? You mean your fake girlfriend?" she asked sarcastically.
"Umuwi ka na bago pa ako mapikon sa 'yo!"
"Fine," natatawang sabi ni Empress at itinaas ang mga kamay saka tumingin kay Melody. "I like your looks today, nagmumukha kang mayaman."
"I said stop it!"
Nginisihan lang siya ni Empress bago umalis.
"Pagpasensiyahan mo na ang kakambal ko, spoiled brat lang 'yon," paumanhin ni Kale at inakbayan siya.
"O-Okay lang, totoo naman," sagot ni Melody at sinikap na nginitian ang binata para hindi na ito mag-alala. Gusto na niyang yayain itong umuwi para matapos na ang kalbaryo sa buhay niya pero alam niyang isa sa pinakamahalagang tao si Kale sa party na ito dahil bestfriend pala ito ni Mayumi.
"Ando'n sina Mommy," sabi ni Kale at iginiya ang dalaga palapit sa round table nang makita ang ina kasama ang mga magulang ni Mayumi.
"Hi," bati ni Kale.
"Kale, hijo!" bati ng mommy ni Mayumi. "Mabuti at nakarating ka."
"Tita Ligaya," sabi ni Kale at nakipagbeso sa ginang pati na rin sa mommy niya.
"And who's with you?" tanong ni Anndy na tinatamad tumayo pero nakatingala kay Melody.
"Si Melody pala, girlfriend ko," pagpakilala ni Kale.
"H-Hello po," magalang na bati ni Melody sa mga ito. Mas lalo siyang kinakabahan dahil parents na ni Kale ang nakaharap niya. Ang pogi ng daddy ni Kale at ang mommy Anndy nito? Sobrang ganda. Mukha itong bata tingnan kaysa sa kaniya.
Nginitian siya ng mommy ni Kale.
"Hi, mabuti naman at may girlfriend na pala ang bunso ko," masayang sabi ni Anndy nang maupo ang magkasintahan sa tabi nila.
"Kaya nga, naunahan pa siyang mag-asawa ni Mayumi," sabat ni Ligaya. "Akala ko nga, sila ni Mayumi ang magkatuluyan eh."
"Mabuti nga at hindi," nakangiting sabi ni Anndy kaya pasimpleng kinurot siya ni Zero.
"Ba't ka nangungurot?" bulong ni Anndy sa asawa.
"Mag-behave ka!" mahinang saway ni Zero.
"Saan pala kayo nagkakilala?" tanong ni Ligaya kaya napakagat ng ibabang labi si Melody, ayaw niyang magsinungaling e.
"Di na mahalaga kung hindi mo sagutin, Melody," sabat ni Anndy. "Ang mahalaga, nagmamahalan kayo ni Kale at ikaw ang magiging manugang ko."
"Umiba na pala ang taste mo, hijo," ani Ligaya.
"Just like his father," makahulugang sabat ni Anndy, "nag-iba rin siya ng taste."
Napayuko si Zero. Heto na naman sina Ligaya at Anndy.
"May mga maitim kasi na ang dugyot na tingnan," dagdag ni Anndy na walang pakialam kung magalit ang asawa. Laban kung laban!
"Mauna na po kami," paalam ni Kale saka tumayo. "Babalik pa kasi kami ng Maynila."
Tumayo na rin si Melody.
"Balik kayo para maipasyal mo si Melody rito sa isla," sabi ni Anndy.
"I will," sabi ni Kale saka iginiya ang kasamahan palayo sa mga ito hanggang sa nakarating sila sa sportscar.
"Salamat, Melody," pasalamat ni Kale.
"Wala iyon, salamat din," pasalamat ni Melody. "Ang mommy mo--"
"Ayaw niya kay Mayumi," ani Kale.
"Huh?"
"I mean, okay naman si Mayumi sa kaniya. Ayaw lang niyang maging manugang si Yumi dahil ayaw niyang kay Ligaya."
"Bakit?" curious na tanong niya.
"Ex ni Daddy si Tita Ligaya," sagot ni Kale. "Pero kailangan nilang magkita dahil nasa iisang isla lang sila at bestfriend ni Daddy si Tito Laurence. Lahat naka-moveon na maliban kay Mommy, kaya nga tutol din siya sa paghabol ni Mayumi kay Kuya Dale noon. Mabuti na lang dahil dumating si Ate Suin at sa kaniya na-inlove si Kuya."
"At ikaw?"
Natigilan si Melody sa tanong nang pinabilisan ni Kale ang sasakyan. Mali yata ang tanong niya.
"Ikakasal na siya," mahinang sabi ni Kale. "Kaya matatahimik na si Mommy."
Ngayon alam na ni Melody ang rason kung bakit siya nito pinakilala bilang girlfriend. Kung tutuusin, kulang pa nga itong kabayaran sa lahat ng ginawa ni Kale sa kaniya.
Nang makarating sila sa bahay, kumain muna sila ni Kale bago umakyat sa kuwartong tutuluyan nila.
"Salamat sa masarap na pagkain, Kale," pasalamat ni Melody nang ihatid siya nito sa kuwartong tutulugan.
"Salamat din," pasalamat ni Kale at binuksan ang pinto. "M-Melody..."
"Yes?"
"Alam kong napagod kita at masyadong toxic ang mga tao kanina sa party," sabi niya. "Pasensiya ka na."
"Wala iyon, sanay na ako."
Nginitian niya si Kale. Kahit na na-toxic siya, sigurado siyang wala iyon sa sakit na naramdaman ni Kale kanina.
"Wala pang twelve," sabi ni Kale.
"Bakit?"
"Hindi pa tapos ang pagiging girlfriend mo sa akin," sabi ni Kale na ikinakunot ng noo ni Melody.
"Hindi ko--"
Nanlaki ang mga mata niya nang hapitin siya ni Kale sa bewang at batok saka hinagkan sa mga labi.
Nanigas siya nang maramdaman ang mainit at malambot na mga labi nito. Parang tumigil ang ikot ng mundo niya kaya nawalan siya ng lakas para itulak ito lalo na't sobrang bango ni Kale. She closed her eyes. It is a deep and very passionate kiss na nagpalambot ng mga tuhod niya at nagpakawala ng katinuan sa kaniyang utak.
"K-Kale," usal niya nang pinakawalan siya nito.
"Thank you, Melody," pasalamat ni Kale. "Pumasok ka na, maaga pa tayo bukas."
Walang imik na pumasok si Melody. Nang maisara nito ang pinto, saka lang napahawak sa dibdib si Kale. Gusto niyang humingi ng sorry dahil sa halik pero hindi naman siya nagsisisi dahil iyon naman talaga ang nais niyang gawin mula pa kanina nang nasa Maynila pa sila.
"Shit!" bulalas niya nang tumalikod para tumungo sa kuwarto niya nang makita ang kakambal na nakapajama na.
"Binayaran mo siya para maging girlfriend," ani Empress. "Tapos may bonus pa na kiss ang serbisyo niya?"
"Matulog ka na!" naiinis na sabi ni Kale.
"Kasama ba sa serbisyo niya ang pagbigay mo ng first kiss mo sa kaniya?"
"Damn! Mind your own business!"
"How was it? Nagustuhan--"
"Shut your mouth or I'll kill you!" galit na saway ni Kale saka tinutukan ng baril ang kakambal.
"Kyah!" tili ni Empress at tumakbo palapit sa kuwarto niya. "Hindi na virgin ang lips ni Baby K!"
"Shutup!" pahabol ni Kale at binaril ang flowervase na nasa tabi dahil sa pagkapikon.
" So, that was a real kiss, huh?" wala sa sariling bulong niya habang papasok sa silid niya.

My Boss, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon