Chapter 13 ♡ STOP

45 5 3
                                    

Darleen's POV

"Huy! "

Napamulat naman ako nang mata dahil sa biglang may sumigaw at yumugyug sakin nang napakalakas,problema ba neto.


"Ano?! "

Ngumiti lang siya sakin pero inirapan  ko siya at tumayo kaso nabigla ata yung bewang ko at kumirot,tch oo nga pala bumulagta pala ako kanina.

"Masakit ?! Tch carefull! " singhal niya sakin. Saka siya tumayo at inalalayan niya ako pero tinulak ko siya.


"Kaya ko ho! Kaya ko! " inambangan ko pa siya at tumawa lang siya,sino pa ba to si Tyron. Di ata sila ang magkapatid ni Dale,eh ang kulit! Ay sabagay kalahati lang pala sila.


Naglakad na ako papalabas nang clinic pero pa-ika- ika pa,masakit eh. Pero biglang may humawak sa braso ko. At ikinagulat ko yun.

"Hayaan mo nang tulungan ka,masyado ka kasing mayabang,tch " inalalayan niya ako sa paglakad,yeah right kailangan ko nga nang tulong niya.

Naglakad-lakad pa kami at uwian na pala,haba naman nang tulog ko,masyado lang siguro akong pagod kaya,mahaba-haba ang tulog ko.


"Si kuya oh! " napatingin naman ako at boom!

Nagkatinginan kami,at ang aking mapaglarong puso ay tumitibok-tibok nang napakalakas. Pero bigla niyang iniwas ang tingin sa akin at nilagpasan kami.

"Kinilig ka naman? Psh,landi mo! " sabay hila niya sa buhok ko. Tong lalaking to,parang bakla seryoso ata siya sa sinabi niya eh. Haha

Umupo na lang kami dito sa bench. At nagkwentuhan nang kung ano-ano. At dahil inaasahan ko to,mapupunta ang topic kay Dale.

"Mukang di ikaw ang mahal ni Kuya,siguro alam mo? Kaya tayo pinagtagpo upang mapunan ang kulang sa atin! "

O.o hala siya! Gumaganern siya kaya tinulak ko yung muka niya gamit ang kamay ko. At tumawa na lang kami.

"Kanina di mo pa sinasagot yung tanong ko,may chance ba ako? "

"Haha,syempre ikaw pa? Of course WALA! " Sabay ngiti ko sakanya kaso yumuko siya,pero saglit lang at tumawa,saka ginulo yung buhok ko.

At di pa tinigilan habang di pa gulong-gulo.


"Ayusin mo yan! " nag-peace sign naman siya at inayos ang buhok ko at nakita ko si Drew. Daming naka-sunod sa kanyang girlalu!

"Psst! " lumingon naman siya at di man lang lumapit sakin.

Kaya sinenyasan ko siya na lumapit siya at lumapit naman siya,aba masunurin ang aso ko ngayon ah. Pagkalapit niya piningot ko naman siya.


"Aray!! "

Nakapingot parin ako sakanya.


"Ikaw ang landi-landi mo eh ang pangit-pangit mo naman! Haha." Tinanggal niya yung kamy ko sa tenga niya at piningit din ako.

"A-aray ko !! "


"Ikaw na ting-ting ka wag kang epal,ang landi mo din po! " sabay alis niya.


Napangiti na lang ako at tumingin kay Tyron at nakangiti nang napakalawak.

"Ngiti-ngiti mo? "

Status: It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon