Darleen's POV
Kinakabahan ako sa sasabihin ngayon nang doktor matapos makita ko na nire-revive si Prince. Sana buhay pa siya sana naman naagapan kaagad.
"Akala namin mawawala na ang pasyente,hindi na namin naagapan pa pero lumaban ang katawan niya kahit hindi niya na kaya. Ligtas na ang pasyente.."
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang ligtas na ang pasyente ligtas si Prince at lumaban siya.
"P-pero dok,masasabi niyo na ho ba kung kelan magigising si kuya? " -Melody
"Im so sorry pero hindi pa,theres no sign na malapit na siyang magising. The last time i check his body wala pa din mahina at sa maaaring hindi pa ngayon at hindi pa bukas. Wala pang eksaktong oras at araw. Salamat.." Nilagpasan na kami nang doktor. Bakit ganun? Ang tagal niya namang magising? Gumising ka na prince
Pumasok na kami sa kwarto ni Prince. Nakatingin kami lahat kay Prince pero nagulat kami nang nag-salita si Ate Kath.
"Gusto ko ang tanging matatandaan niya lang ay ako at kayo. At ang sasabihin niyong girlfriend niya,ayun ay si Audrey. Ayun ang sasabihin niyo sa kanya! Kung hinde kayo papayag sorry pero di ko kayo papalapitin kay Prince."
Hanggang ngayon umiiyak pa din si Audrey.
Tama bang magsinungaling kami kay Prince? Pwede namang wag na lang namin ipaalala si Kaycee at sabihing wala siyang girlfriend. Pero angngusto ni ate Kath. Ang sabihin kay Prince na si Audrey daw ang taong mahal niya. Mali ata eh,pero anong magagawa namin kung si ate Kath na ang ang nagsabi?
Kailangan namin sundin yun kahit alam naming mali. Alam niyo ba yung parang hawak niya kaming magkakaibigan? Yung siya yung nagkokontrol samin. Ganun siya eh..
Alam naming pwede namin siya suwayin pero di namin magawa. Siguro dahil sanay na kami na lagi namin siyang sinusunod.
"Pero pano kung naalala na ni Prince si Kaycee? " -Jake
"Hindi natin hahayaang maalala pa ni Prince ang babaeng yon. Pag tinanong kayo ni Prince na kung kilala niyo si Kaycee o may babae siyang natatandaan na parang naging importante sa kanya ang sasabihin niyo lang na tayo lang ang importante sa kanya at wala nang iba.."
![](https://img.wattpad.com/cover/34900554-288-k631218.jpg)
BINABASA MO ANG
Status: It's Complicated
أدب المراهقينstatus: it's complicated ang hirap nun noh! :) naranasan niyo na ba yun.?