Darlene's point of view~
Isang buwan na ang nakakalipas at isang buwan na din akong taong hospital. Nakatingin lang akokay Drew habang oayaoa siyang natutulog,bilib nga ako sa manok na to,nakaya niyang lumaban sa sakit niyang iyon.
Hanggang ngayon hindi padin kami nawawalan ng pag asa. Dahil alam namin na gagaling siya at ipagpapatuloy pa ang buhay niya kasama kami.
"Darleen?" Tingnan ko naman si Drew at tumingin siya saakin habang nakangiti.
"Oh bakit? May kailagan ka? Sabihin mo.."
"Alam mo ba nanaginip ako." Hinawakan niya naman ng mahigpit yung kamay ko at tinignan lang ako. "Nanaginip ako na ikinakasal daw tayong dalawa,mabuti pa sa panaginip ikinakasal tayo. Akala ko nga totoo na iyon eh. Pero bigla akong nagising,sobrang saya ko habang ikinakasal tayo. Pakiramdam ko pwede na akong bumitaw."
"Drew!" Pinatigil ko naman yung sinasabi niya saakin. Ang drama niya kasi eh.
"Darleen,ang ikasal sayo yung lagi kong pinagdarasal. Pero nagayon na natupad na kahit sa panaginip lang,masaya na ako." Ngumiti naman siya saakin at nakita ko ang luha na tumulo sa pisngi niya kaya pinunasan ko naman iyon.
"Ano bang problema mo ha? Lagi ka na lang ganyan. Hindi ka bibitaw diba?!"
Ngumiti naman siya pero kitang peke lang ang ngiting ibinigay niya saakin. May luha na ding tumulo sa mga luha ko at agad niya naman itong pinunasan.
"Oh bakit ka umiiyak? May nakakaiyak ba? Diba sabi ko huwag kang iiyak? Gusto ko masaya ka." Napayuko na lang ako dahil wala ng tigil ang pagagos ng luha ko.
"Darleen,gusto ko maging matatag ka sa lahat ng haharaoin mong problema,kahit wala na ako sa barkada,lagi kitang babantayan. Mahal na mahal kita." Umiiyak na din siya habang hawak hawak yung pisngi ko.
"Drew,huwag ka namang ganyan magsalita! Ang bata bata mo pa,hindi naman ata fair yun noh!"
"Ganun talaga Darleen,walang pinipiling edad ang cancer. Darleen,huwag na huwag kang iiyak sa burol ko ha? Kasi hindi ko na mapupunasan yang mga luha mo."
BINABASA MO ANG
Status: It's Complicated
Teen Fictionstatus: it's complicated ang hirap nun noh! :) naranasan niyo na ba yun.?