Chapter 17 ♡ Love me ?!

43 4 8
                                    

Darleen's POV

Shit! Shit! Kanina pa ako talon nang talon sa kama ko,nabato ko na din pati yung mga unan,kumot at bed sheet ko. Shutangines naman kasi si Tyron. Pinapakilig ako.

Flashback

Nakatingin pa din' kaming dalawa sa langit natahaimik kami nung matapos kami mag-picture. Kasi naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon. Yung kabog nang puso ko kanina kakaiba na. Hindi na kilig na dahil gwapo siya,kakaibang kilig tong nararamdaman ko.


Napahawak naman ako sa puso ko,ang lakas-lakas nang kabog nang puso ko. Anong nangyayare sakin. Hindi kaya--

Naka-move on na ako kay Dale sa tulong ni Tyron? Pero hindi eh,parang ang bilis. Ang gulo-gulo!


"Ayos ka lang ba? " napatingin naman ako kay Tyron at nakatingin sa'kin nang pagka-seryoso.


"Ahh--u-uwi na t-tayo b-bigla akong nahilo.. "
Sabay tayo ko at bumaba na sa bubong nang kotse niya. Juice colored. Nauutal pa ako kanina,jusmiyo! Ano nangyayare sakin.

Bumaba na din' siya at pinagbuksan ako nang pinto,kaya sumakay na ako at sumakay na din' siya. Nagmaneho na siya. Di ako makatingin nang diretso sa kanya.

Walanjo naman oh! Akward! Letse,ano bang nagyayari sakin.


"Nahihiya ka ba sakin? I'm so sorry.." ngumiti naman ako sa kanya at ngumiti din siya at umiwas agad ako nang tingin. Haru! Tunuon ko na lang yung atensyon ko sa daan.

--

"Darleen? Gising na andito na tayo, " minulat ko ang mga mata ko at nasa tapat na kami nang mansion. Nakangiti siya sa'kin. Lumabas siya at pinagbuksan ako. Wow gentleman talaga netong si Tyron eh!

Lumabas na ako at sinara na ang pinto nang kotse ko. Nakayuko akong lumapit sa kanya mag-papaalam na ako.


"S-salamat sa ride tsaka sa p-pag dala sa'kin dun sa over looking .. " maglalakad na ako nang bigla niya akong niyakap.

Dug,dug


Dug,dug

Ang lakas nang kabog nang dibdib ko. Hala uy Tyron rinig mo ba yun? Ang lakas diba? Rinig mo? Huy sagot naman!


"Ang lakas nang tibok nang puso mo! "

O.o nabasa niya isip ko?! Shete. Aalis na sana ako pero mas hinigpitan niya yung yakap sa'kin. Anong gagawin ko? Para akong nanigas dito at walang nagawa kundi ang mapatayo at hindi pigilan ang pagyakap niya sa'kin.

"Ewan ko kung saan nag-simula ang pagkagusto ko sa'yo. Kung pwede ko lang alisin si kuya jan sa puso mo at ako na lang jan nagawa ko na haha. Corny ba? "


Dug,dug


Corny mo nga,pero kinilig ako. Ang lakas nang impact mo sa'kin Tyron Castro! Magkayakap parin kaming dalawa. Ay mali pala siya lang pala ang nakayakap sa'kin.

"Sige bye na.." nilayo niya na ako at hinalikan ako sa noo. At umalis na siya.


Status: It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon