Chapter 36 ❤ Paalam

8 1 0
                                    

Darleens POV~~

Andito kami ngayon sa isang lugar.isang lugar na puno nang bulaklak tahimik. Iilan lang ang mga tao dito.Nakakailang lang dahil kasama ko si Drew dito,oo alam kong may nararamdaman siya para sakin. kaya nga nakakailang eh tss. ang hirap lang kumilos lalo't ngayon na may taning ang buhay niya. Magiging sweet ba ako sa kanya? Kaso baka umasa ang tao .. PHEW!

Ang hirap maging maganda! HAHA! Nagulat naman ako nang hawakan ni Drew ang kamay ko,"Matagal ko nang pinapangarap to. Hawak yung kamay mo,naglalakad tayo dito. At syempre nagmamahalan tayo. Hindi ganto na,naaawa ka lang sakin. Kaya kasama kita ngayon at hawak ang kamay mo."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya,

"Drew, hindi ako naaawa sayo. Ayos lang sakin kung hawakan mo ang kamay ko,kailangan mo nang tulong at kung sa tingin mo ang paghawak sa kamay ko ang lakas mo. Hahayaan kita," Ngumiti ako sa kanya,.

"Tara??"

Hinawakan niya yung kamay ko at pilit na naglakad, naka-wheel chair kasi siya ngayon. Kalbo na nga pala tong si Drew,nag pa- chemotherapy kasi siya. Para gumaling siya.

"Darleen? May problema ka pa ba??" Ngumiti ako at umiling. Ayokong dagdagan ang mga problema niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumumba.

"Drew! Nako naman,di ka na tatayo ah. Hayaan mo na akong ipagtulak ka." Umupo na siya sa wheel chair.

Nililibot namin ang park. Hanggang sa umubo siya nang umubo.

"Ayos ka lang? Balik na tayo sa kotse." Dali dali kong itinulak ang wheel chair.

Pero nakita ko si Tyron. Nakaupo siya sa isang bench at mahimbing na natutulog habang naka-head set. Napaka gwapo niya. Ang tipuno nang pangangatawan niya.

"Lapitan mo.."

"Ayoko,hindi kita iiwan. San mo pa gusto?"isinakay ko na siya sa kotse at pinaandar na ang kotse. Pero bigla niyang pinahinto.

"Sige na! Dito lang ako kahit lapitan mo lang siya." Lumabas na ako nang kotse at nilapitan si Tyron.

"Hi! Kamusta?" Ngumiti siya sakin.

"Eto maganda pa din haha!" Ngumiti ako sakanya.

"Eh si Drew kamusta?"

"Ganun pa din,pero lumalaban siya"

Tumayo siya at hinawakan bigla ang kamay ko.

"Darleen" pero inalis ko ang kamay ko sa kamay niya.

"I'm sorry.." Sambit niya.

Tumalikod na ako pero bigla niya akong hinila at niyakap. Biglang namuo yung mga luha ko sa mga mata ko.

"Sorry kung hindi ko kaagad nasabi saiyo ito."

"Mahal kita Darleen" bumitaw na siya sa pagkayap niya sakin.


"Mahal din kita Tyron pero sorry may girlfriend ka na. Ayokong makasira ng isang relasyon."

"Ikaw ang mahal ko."

Hindi ko alam ang ginagawa ko ngayon,ang alam ko gustong gusto ko na maghiwalay sila nung bisugo niyang girlfriend pero bakit ngayon umuurong ako? Siguro naaawa ako Kian.

"Si Kian ang girlfriend mo. Pinili mo siyang mahalin kaya si Kian ang piliin mo Tyron."

Napaiyak na ako pero pinunasan ko yun.

"Well siguro eto na yung last na paguusap natin. Pag aralan mong mahalin si Kian,Mahal ka niya Tyron."

"Ikaw nga ang mahal ko Darleen! " sigaw niya.

Tinignan ko lang siya sa mata at lumapit ako sakanya at hinalikan siya. Yung halik na punong puno ng pagmamahal. Umiiyak na ako pero kailagan ko itong itigil. Lumayo na ako sakanya.

"Salamat dahil sinamahan mo ako sa lahat tinulungan mo ako maka move on sa Kuya mo. Salamat sa pagmamahal. Mahal kita Tyron pero iniisip ko yung mararamdaman ni Kian. Masakit para sakanya yung gagawin mo kung pipiliin mo ako. Mas maganda ng masaktan ako wag lang ang iba. Maging masaya ka sana Tyron."

Tumalikod na ako at naglakad papunta sa kotse at sumakay na. Napansin naman ni Drew na mugto ang mata ko.

"Okay ka lang ba?"

Tumango ako at nag maneho na. Paalam na Tyron.

****

Kalerki after 9999 uears nakapag ud na! Naloka kasi ako sa Jadine eh! Haha! ❤  Real na ang Jadine pero si Darleen complicated parin! Chaka! Haha.














Status: It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon