Chapter 23 ❤ Car crash

34 3 5
                                    

Darleen's POV

Andito kami ngayon sa coffee shop matapos na hindi namin maabutan si Kaycee,sa airport na dapat pupuntaham namin siya. Nakakainia din kasi tong si Prince! Naniniwala na lang kung kani-kanino,kaya yan wala na si Kaycee.

Pero may part na naawa ako nung malaman niya na wala na si Kaycee diretso na uwi siya,no correction! Diretso BAR. Dun na nga siya lagin eh,araw-araw umiinom!? Susmaryosep -_- nakakasama nang kalusugan ang ginagawa niya.

Pero may part na naawa ako kay Prince,syempre umalis ba naman si Kaycee,ang babaeng pinakamamahal niya.Haynako! -_- ang sad nang lovelife.

"Ang may kasalanan talaga yung Audrey na yun! " -Kyla

"Kasalanan din ni Prince,kung inalam niya mun akung totoo yon. Edi dapat sila parin hanggang ngayon,dapat kasi di siya naniniwala agad,so kasalanan ni Prince at Audrey.." -Sam

"May point siya.." -Kenzo

"Alam mo ba ang nagyayare!? " -Sam

"Hinde,pero na se-sence ko lang yung nagyare." -Kenzo

"Dami mong alam.." -Sam

"Kesa naman sayo,walang alam." -Kenzo

"Aba't -- " hinawakan ni Marie si Sam kasi susugudin niya na si Kenzo sige sasabihin ko na PIKUNIN si Sam. Makikipag debate,asaran,away tas mapipikon. Ang saya niyang kaaway noh!? =_=

Napansin ko namang tahimik lang si Jake,ang yow yow king tahimik! Bakit kaya? Nakakapanibago ah!

"Jake ang tahimik natin ah! " -Drew

Di lang pala ako ang nakapansin pati din pala si BAKLA nakapansin,shh wag kayong maingay kay Drew okay? Bakla tawag ko sa kanya for now on! ^_^ diba bagay sa kanya?

"Dahil ba kay--- Kay Marie? Nag away ba kayo? Lq ba kayo? " -Dale

kinabahan ako dito kay Dale akala ko kasi sasahihin niya yung name ni Andir nako,baka magka world war 4 kung magkikita sila. Maghahalo ang balat sa tinalupan. teka tama ba? Aywan.

"Hindinkami LQ kanina pa nga yan si Jake,ay no nung simulang nakita niya yung babare sa starbucks. " -Marie

Sinabi niya yun nang nakatitig lang kay Jake,pero umiwas agad ito nang tingin at kumain na lang ulit,napansin ko namang umalis sa kinauupuan si Kenzo at mukang may kausap.

Maya maya pa umupo na ulit siya,sino kaya tinawagan niya.

"Sino yun?"

Status: It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon