CHAPTER 19

3K 44 0
                                    

Chapter 19

1 MONTH had passed and we finally adjusted in the environment here. May nalalaman na rin akong hilagaynun words, thanks to Dexter.

Makakaintindi na ako ngunit putol-putol pa rin magsalita ng lengwaheng iyon. Naging malapit kaming dalawa ni Dexter at palagi akong tinutulungan mamili sa palengke at magtinda sa harap ng apartment namin.

Mabuti na lang at mabait ang land lady at pinayagan akong pumuwesto sa harap dito. Ang sabi pa nga niya ay nakakahatak ng costumer ang ganda ko kaya maraming nangungupahan dito ngayon.

"Dex, pakikuha nga itong tatlong hotdog at limang adidas. Order 'yan ni Aleng Hetty. Mix lang 'yong sauce, ha?"

"Opo bossing."

Sinamaan ko ng tingin si Dexter pero nagpatay malisya lang siya. Naging busy kami dahil sobrang daming  bumibili at galing pa sa kabilang barangay.

Nagpatulong na lang din si Daneil dahil hindi namin kaya ni Dexter ang tao. Sa susunod ay mag-e-extend na ako ng paglulutuan.

Noon pa naman kasi ay iyon na ang suhestyon ni Dexter pero hindi ko sinunod dahil panaka-naka lang naman ang bumibili. Hindi ko naman inaasahang magbo-boom itong lasa ng sauce na ginawa ko at ang paraan nang pagma-marinate ni mommy ang baboy at manok.

Mag-aalas syiete na ng gabi nang maubos ang paninda namin. Doon ko na rin sa apartment pinakain si Dexter at binigyan ng adobong manok para sa nanay nito.

"Salamat dito, Aya. Ang sarap mo talagang magluto kahit kailan."

"Nangbola pa. Umuwi ka na nga lang!" kunwaring singhal ko na ikinatawa niya.

"Aya. . ." seryoso itong napatitig sa 'kin.

"Hmm?"

"Ah. . .wala. Mauuna na ako. Maligo ka na ang dungis mo!" sabay kurot sa pisngi ko na ikinairap ko. "Aba, ang sungit na."

"Edi kapag maliligo ako ay mapapasma itong kamay ko! Gago ka!" tawa ko sabay hamlas sa likod nito.

"Aray! Ang lakas mo talagang manghampas! Ano bang klaseng kamay na meron ka, Aya?" Aabutin na sana ako nito nang sumigaw ito. "Aray!"

"O? Napaano ka?"

Napatingin ito sa paligid kaya agad ko ring nilibot ang tingin. Taka ko siyang binalingan.

"May bumato sa 'kin sa ulo! Tangina!"

Nanlaki ang mga mata ko at napaturo sa mukha niya. "May aswang ba?"

Seryoso din napatitig sa 'kin si Dexter pero agad na bumunghalit sa tawa. "May aswang bang namamato ng bato?"

I pouted. "Malay ko ba!"

"Hala!"

"Gago! Huwag mo akong tatakutin! Hindi ka na makakabalik sa bahay namin." Inambahan ko siya ng suntok pero umiwas lang siya habang natatawa.

"Sige na. Uuwi na ako. Pumasok ka na. Bukas ko na lang sasabihin."

"Ano ba kasi 'yan? P'wede naman ngayon," irita kong reklamo.

"Basta! Atat ka e. Sige na. Alis na! Kung 'di lang kita mah—" Taboy niya sa 'kin kaya napapasok na ako. Hindi niya rin tinapos ang sasabihin kaya hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil natawa na ito at nahawa na ako kakatawa.

Ang kulit si Dexter! Ewan ko ba at natagalan ko 'yong ugali niya pero nakakagaan talaga ng loob ang personality niya. He's like a bestfriend to me.

Pagpasok ko sa apartment namin ay agad kong hinanap si Daneil.

Just His Wife In LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon