Chapter 16
IT'S almost 6 days nang maparito kami sa bahay ni daddy. Each day is going smoothly. We bond and I cook for dad.
Tuwang-tuwa naman ito sa apo niyang si Daneil. He knew about him being adopted in which he gladly accepted it.
I smiled nang nakita kong tinutulak ni Daneil ang wheelchair ng lolo nito.
"Dad, anak, kain na. Our lunch is ready." Tinulungan ako ni Yaya Doring na isalansan ang mga pinggan. "Yaya dito ka na po kumain. Pakitawag na lang po si Kuya Terry para sabay-sabay tayong kumain lahat."
"Naku, iha, huwag na. Mamaya na lang kami kakain kapag tapos na kayo."
"Yaya naman. Sige na."
I heard her sighed, a sign of defeat. In the end, Yaya Doring ang Kuya Terry eat together with us. Si daddy naman ay sinusubuan ko.
Naging masaya ang pagsalo-salo namin at kasalukuyan na kaming nasa living area nakatambay.
"How's Juvian, anak? Bakit hindi n'yo siya kasama?" biglang tanong ni dad.
It's been six days, akala ko ay wala lang sa kaniya na wala si Juvian. Mukhang napukaw ang kuryusidad nito bakit wala ang asawa ko.
Nagkatitigan kami ni Daneil ngunit bago ko maibuka ang bibig ay inunahan na ako ng anak ko.
"He's busy with our business, lolo. He said that I will send his regards na lang po." Daneil smiled but the sarcasm is evident on his tone.
Hindi naman iyon napansin ni daddy at walang muwang sa gustong iparating ng anak ko. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba iyon o hindi.
Tila sinasaksak ang dibdib ko sa nakikitang galit sa mga mata ni Daneil patungkol sa kaniyang ama.
Ang pinakainiiwas-iwasan ko pa naman ay ang magtanim ito ng galit sa magulang niya—kay Juvian.
Dad nodded. Daneil and dad talk about business at nakakamanghang nasasabayan iyon ng anak. Sa mura pa lang niyang edad ay malawak na ang kapasidad ng utak nito.
Hindi ko tuloy maiwasang umawang ang labi sa mga bagay na lumalabas sa bibig niya.
I'm definitely sure, Daneil will be successful in managing our company. I can see that he's happy with business talks and have a future plan in our company. The passion is igniting on his heart.
Kung ibang bata ang kaharap ko ay laro at gala lang ang nasa isip.
Nakakamanghan na iba mag-isip si Daneil. Talagang hindi lang ang pangangatawan nito ang nag-mature dahil pati ang isip nito.
We enjoyed each other's presence at hindi namin namalayan na maggagabi na. Hindi nawawala ang mga ngiti sa labi si daddy ng gabing iyon.
Kasalukuyan akong nagmumuni-muni sa kwarto dahil hindi ako makatulog. It's already 12 in the midnight but here I am, wide awake.
Nabuksan ko na ang bintana at binilang ang mga bituin sa langit pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Umilaw bigla ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. It's 12:02 am.
Because I don't have anything to do, I log in my facebook account and scroll in my feed for about an hour to kill time.
Halos maubos ko nang mapanood ang reels sa facebook.
Ano ba ang mayroon ngayon at hindi man lang ako dinadalaw ng antok? Gosh! Napu-frustrate na ako.
I decided to go outside. Total ay hindi naman na ako makakatulog ay maglalakad-lakad na lang muna ako sa bahay.
BINABASA MO ANG
Just His Wife In Law
Romance(COMPLETED) Lumaki si Ridaya sa isang marangyang buhay, lahat ng gusto ay nakukuha agad ng palad niya at lumaki ng puno ng pagmamahal sa magulang. Ang makulay na mundo niya ay biglang naglaho nang magkasakit ang ina nito. Isa-isa ng nagsilapitan an...