CHAPTER 29

3K 37 0
                                    

Chapter 29

I FOUND myself entering at the near convenience store. Paikot-ikot lang ako sa mga samu't saring produkto ng pagkain at kung ano-ano pa pero wala naman akong ganang kumain.

Nakuha ng atensyon ko ang isang candy mint at kukunin ko na sana nang maramdamang may bumangga sa paa ko. Agad akong napatingin sa paa ko and to my surprise it's a cute little girl.

Napatingala ang bata at ngumiti sa 'kin. "Sorry po!"

Ngumiti ako at lumibel sa taas niya, maybe she's around 3 or 4? I don't know. "It's okay cute little girl." I pinched her cheeks. "Bakit ka mag-isa? Where's your mommy and daddy, hmm?"

"There's mommy po! Bumibili ng milk ko!" masiglang sagot niya at tumakbo na habang humahagikhik.

Napangiti ako at muling napatayo. She's so cute, nakakagigil.

When I'm about to walk ay nahagip ng mata ko ang babaeng lumapit sa 'min nang nasa restaurant kami.

My world begin to crumble as my heart pound with nervousness. She's here, with a bump on her womb.

That face, alam na alam ko ang mukhang iyan, tandang-tanda ko pa ang masakit na alalalang iyon sa restaurant.

Hi, DM! Who are you with?" I can sense the sarcasm there. Nilibot niya ang paningin sa amin at mapanuya siyang napatitig sa kabuuan ko kahit na nakaupo pa.

I scanned her body. She's sexy, have the height and have a good visual. Maputi ang balat at maikli ang buhok na hanggang tenga lamang.

Nangunot ang noo ko sa babaeng ito. What's her problem?

"Ah! I know na! She's your mistress ba?" natatawa niyang dagdag na ikinakuyom ng kamao ko.

"Miss, mawalang galang na. Hindi ako magbibingi-bingihan sa pambabastos mo sa ina ko!" diing sabat ni Daneil habang matalim na tinititigan ang babae.

"Stop it, Step! I'm with my wife, fucking leave!" malamig na sambit ni Juvian pero tumawa lang ang babae.

"After those hot nights? I will leave you? No! That woman should leave you dahil buntis ako!" malakas na sigaw niya na naging dahilan para mapukaw ang atensyon ng mga tao.

The moment I heard it, hundred of spears stabbed my chest. Unti-unting nangiligid ang luha ko at pilit na pinipigilang huwag malaglag iyon.

I looked at Daneil.

Mabilis kong naisawalang bahala ang nararamdaman dahil sa anak kong iyon. Taranta kong hinawakan ang kamay niyang nakakuyom dahil nanlilisik ang mata nitong nakatitig sa ama nito.

"Anak. . ." tawag ko ngunit parang bingi na ito. Nakikipagtagisan ito ng tingin sa ama.

"At nang buntis ka pa talaga ng ibang babae, dad?! How could you do this to our family?! Palagi mo na lang sinasaktan si mommy!" sigaw niya.

Napatayo ito at pilit ko siyang pinipigilan. Veins are now visible on his face. "Anak, please," pakiusap ko.

"No, mom! This is enough proof that dad will never love you! Hindi ko na maatim pang saktan ka niya! Let's leave him!"

"Pero anak—"

"Daneil enough," kalmadong usal ni Juvian at napatayo na rin.

Daneil threw him a dagger look. "And who are you to tell me that?!"

"Daneil!" malakas na saway ko.

"Mom, kakampihan mo pa 'yan? Ginagago ka na ni dad pero heto ka at dikit pa rin nang dikit sa kaniya! Will you live your life like this, mom?!"

Just His Wife In LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon