CHAPTER 10

5K 60 0
                                    

A/N: Did a quick editing on this chapter, sorry if you encountered some mispelled words along the way.

***

Chapter 10






MATAPOS na makauwi nina Aileen at manong ay ako na lamang mag-isa ang natira sa bahay. Pumunta ako sa kusina para alamin kung may stocks pa ba kami para mawala ang sama ng loob ko at maaliw ang sarili.

Nang makitang kaunti na lang ang mga nasa lagayan ay nagbihis ako ng pang-alis at kinuha ang wallet ko. Naisip ko ring bisitahin si daddy sa bahay bago mamili ng mga bilihin kaya minabuti kong bilisan para magtagal ako roon.

I search for his name on my contancts and called him. Naging matagal ang paghihintay ko dahil hindi niya nasagot ang telepono. I dialed his number again and this time, he picked it up.

"Hi, dad!"

"Ridaya, anak. Napatawag ka?"  malumanay na tanong nito sa kabilang linya.

"Hindi na ba p'wedeng tumawag, dad?" I laughed when I heard him chuckled.

"Of course, you can call anytime you want, Rid."

I smiled. I missed him so much. Bakit ko nga ba nakaligtaang tawagan at kausapin si daddy nitong mga nakaraang linggo? Nangiligid ang luha ko kaya napatingala ako para huwag matuloy ang pag-agos no'n. Pinigilan ko nang maigi ang luha at napalunok para mawala ang nakabara sa lalamunan ko.

Ngumiti ako nang malapad as if dad will see it on the other line. Pinasigla ko ang boses para huwag niyang mahalata ang kalungkutan sa boses ko.

"Dad, nasa bahay ka ba ngayon?" tanong ko kaniya.

"Yes. I'm here, mamaya pa namang hapon kami maggo-golf ng mga kaibigan ko," he answered. "Why, anak?" dagdag na tanong niya.

Napakamot ako sa ulo. "Ano kasi dad, pwedeng. . . pumunta r'yan?"

"Oo naman. You are welcome in our home anytime, anak. Na-miss na rin kitang kasama rito, Ridaya. Iniwan ni'yo naman ako ritong mag-isa sa bahay ng mommy mo," kunwa'y nagtatampong aniya.

Natawa ako pero sa kabila no'n ang pag-alpas ng luha at pagtalunton no'n sa pisngi ko. How I wish mommy is with your side, dad, so that you will not be lonely. I want to say that to him but I prefer not to.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto at pinatay ang tawag. After I confirmed na nandoroon nga si dad sa bahay ay dumaan ako sa paborito nitong restaurant at in-order-an siya ng paborito nitong pagkain.

I drove to our house and it didn't take that long. Narating ko ang bahay ay napagmasdan ang kabuuan no'n. A wave of memory filled my mind the moment I saw the whole mansion. Parang kailan lang ay naglalaro ako sa garden ni mommy at nakikipaghabulan kay daddy.

Parang kahapon lang ang lahat ng mga alaalang nabuo sa mansyong ito. The happiness, sorrow, and arguements had happened to this place taking back the good old days.

I smiled weakly. Kung buhay pa kaya si mommy, narito kaya ako sa sitwasyong ito? Hindi ba babagsak ang kumpaniya kung buhay lang siya? At hindi ba ako gagawa ng desisyon na pupunit sa puso ko araw-araw?

I have a lot of what ifs, dahil lahat ng ito nagsimula noong malaman ang malaking dagok na dumapo sa pamilya namin—ang sakit ni mommy.

Napatigil ako sa pag-iisip nang pinagbuksan ako ng gate ng guard para makapasok ako sa compound. He greeted me dahil kilala na ako rito dulot na rin na dito ako lumaki. Nang makababa sa kotse ay agad kong namataan si dad na papalabas ng bahay.

He was wearing a simple blue t-shirt and plain white shorts. May nakaantabay sa kaniyang nurse dahil nai-stroke ito noong nakaraan taon. Thankfully, he recovered because of the series of therapy he had gone through. Pero medyo nahihirapan lang siyang ilakad ang isang paa nito—his left leg to be exact.

Just His Wife In LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon