Chapter 7
PAGKATAPOS kumain at makaalis ni Juvian ay nagkulong ako sa kuwarto. Doon ko iniyak ang pag-asang nalusaw na lang bigla.
Ang assume-era ko naman kanina. Nakatatawa.
Of course, sino ka ba Ridaya? Isa ka lang hamak na babaeng hindi pagkakainteresan ni Juvian kahit kailan. Don't get your hope too high, Ridaya. Nakatatawa ka lang sa huli.
Nagmartsa na ako papasok sa banyo at hinilamusan ang mukha para mawala ang make up na nilagay.
Nagpalit na rin ako ng pantulog dahil balewala lang naman sa kaniya ang lahat ng iyon. Ni hindi nga niya ako sinulyapan kanina habang kumakain kami, pagtuon pa ba ng pansin sa suot ko?
Nagmukmok ako buong araw at hindi kumain ng pananghalian hanggang sa gumabi ay hindi ako lumabas. Panay na rin ang katok ni Aileen sa pinto pero pinagbingi-bingihan ko na lang.
Sa katunayan, biglang bumigat ang pakiramdam ko kanina mga bandang alas-tres ng hapon kaya hindi ko na nagawa pang tumayo.
Gusto ko na lang mahiga at matulog ngayon.
"Ma'am? Okay ka lang po ba, ma'am? Ma'am, andito na po si Sir DM, hinihintay ka po sa hapag. Ma'am Ridaya?"pakinig kong tawag sa akin ni Aileen.
Napamulat ako nang marinig na hinihintay ako ni Juvian sa dining area.
Ano'ng nangyari at hinihintay niya ako ngayon?
Hindi na ako nag-atubili pang tumayo kahit na parang may mabigat na kadenang nakapulupot sa katawan ko ngayon
Kinuhanan ko ng lakas ang isiping hinihintay niya ako sa baba.
Ang kaninang sama ng loob na dinadamdam ko sa kaniya ay bigla na lang nawala na parang bula at napalitan ng saya.
Nilabanan ko ang hilo at lamig na nadarama at binuksan ang pinto. Binati ako ng nag-aalalang titig ni Aileen kaya nginitian ko ito.
"Ma'am, bakit ka po hindi kunain kanina? Baka po nagugutom na kayo. Tara na po." Hinawakan ako nito sa braso at bigla siyang napatigil kaya napahinto rin ako sa paglalakad. "Ma'am, bakit po ang init n'yo? May lagnat po ba kayo?" hestirikal na usal niya. Ayaw ko sanang magpahawak pero huli na ang lahat. Tuluyan niya nang dinampi ang likod ng palad sa noo at leeg ko. Her eyes widened after she did that. "Hala, ma'am! May lagnat po kayo!"
Napailing ako. "No, I'm okay. Tara na sa asawa ko at baka naiinip na siya sa kahihintay sa 'kin."
"Ma'am, dito na lang po kaya kayo sa k'warto n'yo? Sasabihan ko na lang po si Sir DM na masama ang pakiramda—"
"Aileen, please?" mahinang pakiusap ko. "Ngayon lang niya ako hinintay na mag-dinner. Alam mo 'yon, right? He never eat dinner with me and this was the first time. I don't want to lose this oppurtunity."
"Ma'am kasi—"
"Aileen," I cut her off.
She heaved a sighed, a sign of defeat. "Tara na po. Basta po ay aalalayan ko po kayo, ma'am, ha?" she assured.
I smiled on her and nodded. Inilalayan nga ako nitong maglakad hanggang sa marating ang hapag.
I'm feeling dizzy but I managed to walked straight. Pasama rin nang pasama ang pakiramdam ko nang tumayo ako pero hindi ko pinahalata kay Aileen.
Gusto kong makasabay si Juvian kumain ng dinner at kapag hindi ko nagawa 'to ngayon ay baka hindi na maulit pa. Kailangan ko munang indahin ang nararamdaman pansamantala.
Juvian was sitting comfortable on the chair and patiently waiting for me when I saw him. Gustong tumalon ng puso ko sa tanawing iyon.
Walang kupas pa rin ang kaguwapuhang taglay nito kahit na kagagaling pa lang sa trabaho. Kung ang iba ay nanlalata matapos ang nakapapagod na trabaho, siya naman ay hindi makikitaan ng ganoon.
BINABASA MO ANG
Just His Wife In Law
Romance(COMPLETED) Lumaki si Ridaya sa isang marangyang buhay, lahat ng gusto ay nakukuha agad ng palad niya at lumaki ng puno ng pagmamahal sa magulang. Ang makulay na mundo niya ay biglang naglaho nang magkasakit ang ina nito. Isa-isa ng nagsilapitan an...