CHAPTER 18

4.6K 57 3
                                    

Chapter 18






MUGTO ang mga matang napabalikwas ako sa kama nang marinig ang nag-a-alarm na cellphone. For a moment, my mind went blank and didn't know what to do.

Makalipas ang ilang minuto ay naalala ko ang mga bagay na ikakapunit ng puso ko. I cried over and over again.

Tears filled my face as I got off the bed at dumungaw sa veranda.

Madilim pa at tanging ilaw sa paligid lang ang nagsisilbing liwanag. Napatitig ako sa wall clock at alas cinco pa lang ng umaga.

Buong gabi kong pinag-isipan ang magiging desisyon ko ngayong araw at kapag magawa ko na ay wala nang atrasan pa.

Mabilis kong kinatok ang kwarto ni Daneil kahit napakaaga pa para gumising. Bawat katok ko ay parang lahat ng bigat ng nararamdaman ko ay na roon nakaatang lahat.

When the door opened, bumungad ang mukha ng anak ko sa 'kin. His warmth smile wants my tears escape in my eyes.

"Good morning, mom. Bakit ang aga naman?" He kissed my cheeks.

"We will leave Manila. Pupunta tayong Iloilo," walang paligoy-ligoy na saad ko.

Daniel nodded parang ito na ang inaasahan niyang sasabihin ko. "Okay mom, mag-aayos lang ako," agap ni Daneil at hindi na nagtanong pa.

Bumalik ako sa  kwarto at niligpit ang mga damit na narito sa bahay. Isang maliit na maleta lang ang dadalhin ko at doon na lang bibili ng mga kakailanganin.

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging buhay ko sa Iloilo dahil kahit isa ay wala kaming kamag-anak doon.

Mas okay na iyon dahil walang nakakilala sa 'min ng anak ko at sapat din naman ang pera at ipon ko para buhayin ng maayos ang anak ko.

I can provide his needs without a problem, thanks to my parents' wealth and my savings.

Nang masiguradong okay na ang lahat ay nakaantabay na si Daneil sa labas ng kwarto ko hawak ang isang backpack.

I smiled on him at ganoon din ang ginawa niya. "I love you, mom."

"I love you, anak." Sabay kaming bumaba at sinalubong kami ni yaya. "Yaya, kapag po ay pumunta ang kahit na sino rito at hahanapin ako ay alam mo na ang isasagot, ha?"

Lumapit si Yaya Doring sa akin at binigyan ako ng isang mainit na yakap patirin ang anak ko. Agad na nangiligid ang luha ko sa ginawa niyang iyon.

"Mag-ingat kayong dalawa roon, ha?"

Napatango ako. "Mami-miss kita, yaya, mag-ingat ka rito. Aalis na kami at wala na kaming oras."

Napatango si yaya at ngumiti. "Nawa'y gabayan ka ng Panginoon, iha. Palayain mo ang sarili mo, maging masaya ka. Natitiyak akong iyon din ang gusto ng mga magulang mo."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at pinalis ang luhang umalpas sa mata ko nang marinig iyon.

We bid our goodbyes to each other at tuluyan ng umalis sa bahay. Habang nakasakay sa taxi papunta sa airport ay tinanong ako ni Daneil, "Are you happy with this decision, mom?"

Pinagmasdan ko ang mga matatayog na gusaling nadadaanan namin at binalingan si Daneil. I smiled weakly. "Yes, anak. I'm happy."

The truth is, I felt empty. Parang kulang. Parang may naiwan ako. May parte sa puso ko na gustong manatili pero kinokontra iyon ng isip ko.

Nang makatapak kami sa airport ay agad nag-ring ang cellphone ko. It's Juvian, calling me.

Pangalan pa lang niya ang nakikita ko na naka-flash sa screen ay agad na may sumipa sa puso ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napatingin kay Daneil. I swipe the red button to decline his call but seconds after I did it, tumawag ulit ito.

Just His Wife In LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon