CHAPTER 25

3.2K 55 4
                                    

Chapter 25


NANG makabalik si Juvian sa loob ng kwarto ni Daneil ay hindi ko na tinangkang bigyan siya ng pansin.

Umidlip ako sandali habang nakapatong ang ulo sa kama ni Daneil.

"Mom."

Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses na iyon sa gitna ng kadiliman.

"Mom."

Daneil?

It's Daneil's voice, I'm sure of it.
Naglakad ako sa madilim na paligid at pilit na sinusundan kung na saan ang boses ni Daneil.

Gusto ko siyang tawagin pero walang lumalabas na boses. Taranta akong napahawak sa leeg ko at pilit na gumawa ng tunog pero nabigo lang ako.

Bakit wala akong boses?

"Mom."

"Anak!" sigaw ko sa isipan.

Napamulat ako bigla at napahawak sa leeg. Nangangamba na tuluyang nawala ang boses ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko na naging dahilan para mas bumilis din ang paghinga ko.

My gazed fixed to Daneil who's lying on the bed. Nangungusap na matang tinitigan ko ito ay inabot ang kamay.

"Kailan ka gigising, anak? Mom is lonely to see you like this," kausap ko sa kaniya.

Mabigat akong napabuntonghininga. Doon ko lang napansin na wala pala si Juvian dito.

Nangasim agad ang mukha ko nang maalala ang katawagan niyang Irene kanina.

Maganda ba 'yon at may number siya ng asawa ko?! Ako nga na asawa niya, e, walang numero niya! Tsk!

My phone rang at kamuntikan na akong mapatalon sa gulat. Hinanap ko kung nasaan iyon ay natagpuan na nakasiksik sa sofa.

I smiled when I see who's calling by now. It's Dexter.

"Hello, Dexter!" masayang bungad ko. I heard him chuckled on the other line.

I missed him.

"Mukhang miss na miss mo ako, Aya ah? Baka magselos 'yang asawa mo at bugbugin ako, ah," biro niya.

I felt about it and feeling sorry for him. Malaki ang atraso ni Juvian sa kaniya. My poor Dexter.

"Buang ka! Wala di siya, siya karun saputihun ko!"

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. "Ano. . . kumusta? Ay! May sasabihin pala ako."

"Ano 'yon? Mag-aasawa ka na ba?"

"Hindi!" kunwa'y singhal niya habang natatawa. "Nakakita na ako ng trabaho, Aya!"

"Talaga?! Nakakatuwa naman. Mabuti iyon, Dex. Kumusta 'yong nanay mo?"

"Ayun, bumubuti na siya. Nakakatayo na nga pero hindi nga lang katagalan."

"Mas mabuti na lang iyon kaysa sa wala, hindi ba? Masaya akong mabalitaan iyan, Dex. Ikaw? Kumusta ka na? Baka pinapabayaan mo 'yong sarili mo at magkasakit ka, ah! Naku, bumili ka ng vitamins para may laban 'yong resistensya mo." Nangunot ang noo ko nang marinig ang pagak nitong tawa sa kabilang linya.

Confused, I was able to get my phone on my ear and stared on the screen. Agad ko itong binalik sa tainga.

"Anong tinatawa mo? Nakadroga ka?"

"Sobra ka pa sa isang ina, Aya. Okay lang ako, ano ka ba? Hindi ko pinapabayaan ang sarili. Malakas pa ako sa kalabaw."

"Che!"

Just His Wife In LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon