Chapter 23
NANG magsilabasan ang mga tauhan ni Juvian ay nabalot ng katahimikan ang pagitan namin ni Dexter.
"Dex, I'm sorry," basag ko sa katahimikan. "I'm sorry that I didn't tell you this part of me."
Dexter smiled on me. "Naiintindihan ko naman ikaw, Aya."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi dahil akala ko ay magagalit siya sa 'kin.
Dexter is indeed a kind hearted man.
Inabot ko ang kamay nito. "Pasensya ka na talaga. Natakot akong sabihin na may asawa ako dahil. . . dahil s-siya ang dahilan kung bakit wala kang makitang trabaho." Napayuko ako ngunit napaangat ulit iyon ng marinig ko ang pagtawa niya.
"Simula pa lang talaga ay wala na akong pag-asa." Napailing ito. "Alam kong may asawa ka na sa simula pa lang at alam ko ring asawa mo nga ang may kagagawan no'n."
Nagulat ako sa narinig mula sa kaniya kaya nanlaki ang mga mata ko. "Alam mo?"
He nodded in response. "Nalaman ko no'ng pinilit kong sabihin sa 'kin ng may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko noong nakaraang linggo. Syempre, ano ba ang magagawa ng social media? Hinanap ko at hindi ko inaasahang asawa ka pala ng isang tanyag na bilyonaryo," kunwa'y natatawang aniya ngunit nakikota ang sakit sa mga mata nito.
I felt bad for Dexter. He's been good to me eversince the day we decided to reside here. Lahat ng tulong na kaya niya ay binibigay niya sa amin ng anak ko.
"I'm really sorry, Dex," ulit ko pa.
"Aalis ka na talaga?"
Napatango ulit ako. "It's for Daneil sake. Hindi ako papayag na mawalay siya sa 'kin."
"You really love that kid, huh?"
"More than my life."
Nabalot muli ng katahimikan ang pagitan namin. I smiled when I noticed that Dexter is looking at me.
"Huwag mo akong kalimutan, ah?"
"Bakit naman kita kakalimutan? Baliw! Tatawagan kita palagi, okay na ba 'yon?"
Nagtawanan kaming dalawa.
"Kapag pinaiyak ka ng taong iyon, sabihin mo lang. Welcome na welcome ka sa bahay namin. At nga pala, sabi ni nanay ay ipagdadasal niya palagi si Daneil para magising na siya."
We talked for about 1 and half hour when Juvian's men interfere us.
"Ma'am, pinapasabi ko si Sir DM na maghanda ka na po."
I nodded for response at binalingan si Dexter.
"Paalam, Dex. Maraming salamat talaga sa lahat. Ikaw na ang bahala sa mga gamit namin ni Daneil roon. You can sell it, pandagdag sa gastusin niyo. Ikaw na ang bahala roon."
Napansin ko ang pagdami ng tauhan ni Juvian at may mga nakaunipormeng doctor na kakaiba at hindi nabibilang sa hospital na ito.
I bet it's Juvian's family doctor at ang ibang doctor na kilala niya.
Isa-isang hinanda ang mga aparato na gagamitin sa paglipad naming lahat. A private jet was provided at may letrang S na nakalagay sa labas ng sasakyan.
Nakatingin lang ako at nananalangin na maayos naming mailipad si Daneil sa Maynila. Hanggang sa pag-alis namin ay naroon si Dexter.
Iloilo is the best place in the Philippines. Ang lambing ng mga tao at matutulungin. For a short span of time, this experience is so memorable to me and Daneil.
BINABASA MO ANG
Just His Wife In Law
Romance(COMPLETED) Lumaki si Ridaya sa isang marangyang buhay, lahat ng gusto ay nakukuha agad ng palad niya at lumaki ng puno ng pagmamahal sa magulang. Ang makulay na mundo niya ay biglang naglaho nang magkasakit ang ina nito. Isa-isa ng nagsilapitan an...