Chapter 22
NANG mailipat na si Daneil sa ICU ay hindi pa kami pinapasok at tanging tanaw na lang ang magagawa namin sa bintana nito.
Different of machines are beaping on his side. Marami ring aparato ang nakakabit sa katawan nito at halos naninikip ang dibdib ko sa tanawing iyon.
Seing Daneil lying on the bed made my heart sunk deep in the ocean. Wala na yatang sasakit pa sa isiping nasa coma ang anak ko ngayon at hindi tiyak kung kailan magigising.
Again, my sobs filled the hallway.
Anak, please, gising na. Hindi kaya ni mommy makitang ganyan ka.
"Aya, magiging okay rin ang lahat," malumanay na ani Dexter at niyakap ako. "Shhh, andito lang ako."
I hugged him back but my mind flashed Juvian's image hugging me tightly. Agad akong napatigil sa iyak at napaalis ng yakap kay Dexter.
He look at me confused, nagtatanong sa pagbitiw ko sa yakap niya. Mabilis kong pinalis ang luha sa pisngi at malungkot na napangiti sa kaniya.
"M-magpahinga ka na muna, Dex. Ako na ang bahala kay Daneil."
"Mamaya na, Aya. Ikaw ang dapat na magpahinga. Ako na ang magbabantay rito kay Daneil."
Napailing ako. "Ako na. Gabi na at walang kasama roon sa bahay niyo ang nanay mo, Dex. Kailangan mong balikan iyon sa bahay niyo. Kaya ko na ito."
He heaved a sighed. "Sigurado ka?"
"Yup. Kaya ko na ito, Dex. Kapag may kailangan ako, sasabihin ko agad sa 'yo. Okay na ba iyon?" Matamlay akong ngumiti sa kaniya. I hugged him and tapped his shoulders. "Umuwi ka na. Kaya ko na 'to."
Kahit kita sa mata nito na ayaw niyang umuwi ay wala pa rin siyang nagawa. Dexter bid goodbye to me, however, he assured that he will comeback tomorrow.
I silently walked towards Daneil room at matiyagang binabantayan ito. Tangan ang pag-asang agad itong gigising ay hindi ko inalis ang paningin sa kaniya buong gabi.
Napansin ko na lamang na panibagong umaga na naman ng may kumausap sa 'king doctor na pwede nang pumasok sa loob.
Nanginginig kong hinakbang ang paa sa loob ng kwarto ni Daneil. Tanging bumubuhay sa loob ay ang tunog ng mga aparato nito sa katawan.
I shed my tears once again when I called his name. "Daneil. . . anak."
Napahikbi ako nang hindi man lang ito gumalaw o sumagot. Pilit kong kinakalma ang sarili ngunit patuloy pa rin ang agos ng luha ko.
Napakasakit pagmasdan ang isang anak na nakaratay sa isang higaan at nakikipagbuno kay kamatayan.
Tila inaapakan ang puso ko sa pagdaan ng oras. Hanggang dumaan ang napakaraming araw ay wala pa ring pinapakitang pag-asa si Daneil.
"Aya, nagdala ako ng paborito mong bulalo, kumain ka na muna at matulog. Kailangan mo na ng pahinga, nangangayayat ka na," alalang sambit ni Dexter.
Doon ako napatingin sa katawan ko sa salamin. Oo nga't malaki ang binawas ng timbang ko. Nangingitim din ang ilalim ng mata tila hindi kahit kailanman nakatikim ng tulog.
Ngumiti ako kay Dexter at sinunod ang gusto niya. Naligo ako at nagbihis ng kumportable at nahiga sa sofa.
Nang maramdaman ng katawan ko ang malambot na kutsong nakapatong sa mahabang sofa ay agad akong hinila ng antok.
"Sir, hindi ko po kayo kilala kaya p'wedeng huwag kayong pumasok dito? Respeto na lang po, may pasyente po kami rito."
Tila hudyat ang ingay na iyon para magising ako sa matagal na pagkakatulog.
BINABASA MO ANG
Just His Wife In Law
Romance(COMPLETED) Lumaki si Ridaya sa isang marangyang buhay, lahat ng gusto ay nakukuha agad ng palad niya at lumaki ng puno ng pagmamahal sa magulang. Ang makulay na mundo niya ay biglang naglaho nang magkasakit ang ina nito. Isa-isa ng nagsilapitan an...