CHAPTER 21

4.5K 57 0
                                    

Chapter 21







"DEX, tulungan mo na lang ako sa pagtitinda ko. Ako na ang bahala sa mga gastusin mo."

"Hindi iyan pupwede, Aya. Problema ko 'to."

"Problema ko rin ang problema mo. Pansamantala lang naman ito, pwede ka rin namang umalis kapag may nakita ka nang trabaho," I explained.

"Nakakahiya, Aya. Ayos lang  talaga ako," pilit niyang pagtatanggi sa mga alok ko.

"Dexter! Mas mabuti nang may income ka kahit papaano. Ako na rin ang bahala sa mga gastusin sa gamot ng nanay mo, okay?"

Narinig ko ang pagbuntonghininga nito. Wala na yatang katapusan ang pagtanggi niya sa tulong ko.

Halos isang oras na kaming nagbabatuhan ng salita para sa usaping gastusin at pera. Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi yata ito magpapatalo.

"Tanggapin mo na ang tulong ko, Dex. Magtatampo talaga ako kapag hindi ka pumayag," kunwa'y may samang loob na aniko.

Napaangat ng tingin si Dexter at nakarinig na naman ako ng buntonghininga. "Kung matitiis lang talaga kita."

I smile widely when I heard his defeated voice. Iyon lang naman pala ang katapat.

Hinanda namin ang paglulutuan at sako ng uling. Sinet-up ko na rin ang isang maliit na electric fan para hindi na kami mahirapan kakapaypay.

"Ate Rad, magsisimula na po kayo?" tanong ni Ikay, anak ng pagawaan ng talyer sa 'di kalayuan.

Ngumiti ako kay Ikay at pinisil ang magkabila niyang pisngi. Ang cute na bata. Kulot ang itim na itim na buhok at maputi ang balat. Mahahaba rin ang pilik mata ang malaki ang mga mata.

"Oo. Anong bibilhin mo?"

"Gaya rin po ng dati!" masayang aniya. "Eto po ang bayad, ate! Si papa na kukuha mamaya!" hagikhik nito at naglaro ng bola nito.

Napakabibong bata, oo. Ilang segundo lang ay narinig ko ang nagsisisgaw na ina nito dahil nauna na naman ito papunta rito.

"Naku, ikaw na bata ka! Sabi nang hintayin ako dahil baka masagasaan ka! Juskong batang ito, oo!" sermon ng ina na ngisi lang ang sinagot ng bata.

Nawala lamang ang atensyon ko sa mag-ina nang may humahangos na binata papunta sa amin. Agad kaming nagkatinginan ni Dexter kung may alam ba siya sa nangyayari dahil tila nagpa-panic ang lalaki.

"Dexter! Aya!" sigaw niya.

Wala pa mang nalalaman ay biglang dinalahik ng kaba ang buo kong sistema. Pawis na pawis si Maykel at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.

Nang marating nito ang kinaroroonan namin at lumunok muna ito at binato ako ng nangsisimpatyang tingin.

"Si Daneil! Naaksidente!" saad niya na nagpagimbal sa buo kong mundo.

Nabitawan ko ang pinggang dapat ay paglalagyan ng nalutong inihaw. Narinig ko ang pagkakapira-piraso nito sa semento at wala sa sariling hinakbangan ito na naging dahilan para tumusok iyon sa manipis kong tsinelas.

"Aya!" agap ni Dexter at dinaluhan ako.

Ramdam ko ang hapdi sa paa ko ngunit wala roon ang isip ko. Tinangay iyon ng pag-aalala sa anak ko at nanginginig na napahawak kay Dexter.

Hindi ko alam kung kailan kami nakarating sa lugar ng aksidente. Isang kanto ang layo kung saan sila naroon ngunit parang nilipad namin iyon ni Dexter.

Panay rin ang pigil niya sa 'kin dahil sa dumudugo kong paa ngunit pagkakaabalahan ko pa ba ang sarili kong kalagayan kaysa sa anak ko?

Just His Wife In LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon