Kabanata 17

116K 1.4K 246
                                    


Kabanata 17

Author's note: Diretso na ako sa kung ano ang nangyari kay Chanel after nung aksidente. 

Living a life with no memories intact in your brain is so hard. For the past years I've been asking and praying who I am. Kung ano ba ako noon? Paano ako napunta dito at kung may naghahanap pa sa akin

"Ija, halika dito at tulungan mo kami." Tawag sa akin ni Lola Rosa

Sa isang probinsya ako nakatira ngayon at si Lola Rosa ang nakakita sa akin sa gilid ng bangin. Hindi ko alam kung sino ako at hindi rin niya alam kung saan ako ibabalik. Napangiti ako doon sa kanya at tumulong sa pagkakayod ng niyog para sa kakanin na tinda namin, 

"Naku, ija ilang taon ka na dito at nasasanay na." Napangiti siya doon

"Salamat po sa pag aaruga sa akin." ngumiti ako sa kanya

"Walang anuman ija, Hindi ko makakalimutan na makita ka sa ganong sitwasyon kaya naisip namin ng Lolo Ernesto mo na ibenta ang isang lupain para sa pagpapagamot mo." Ngiti niya doon

Napayuko ako doon at nilaro ang aking daliri "Salamat po utang na loob ko po ang buhay ko sa inyo." Niyakap niya ako doon

Nagpatuloy kami sa ginagawa namin at matapos iyon ay inilako na namin iyon sa palengke. Sa ilang taon ko dito ay nasanay na ako sa buhay probinsya wala namang naghahanap sa akin kaya hinayaan ko na.  Wala akong naalala sa buhay na meron ako noon pero hindi nawala sa isip ko ang kagustuhang maging abogada sa sitwasyon namin ngayon ay imposible na iyon mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang mahalagang bagay.

"Mama." A small fingers grasped in my arms 

"My baby." I kissed her cheeks "Saan ka galing anak?" I asked her

"Naglaro po ako doon kasama sila Tasha." She said happily

My baby is a miracle ang sabi ng doctor ay kumapit ang bata sa sinapupunan ko kahit na comatose ako ng ilang buwan. Kaya naman nang magising ako ay bata na sa tabi ko caesarean ang ginawa sa akin dahil nga wala akong malay at kailangan ng manganak.

3 taon na siya at napakaganda ng aking anak. Kamukha niya ako pero ang kulay ng kanyang mata ay kulay abo baka sa tatay niya, hindi ko naman kilala iyon kaya isinantabi ko ang isipan ko. 

"Naku ang magnanay naglalambingan pa." Bungad ni Lolo Ernesto at sa likod naman niya ay si Lola Rosa na nakamasid sa aming mag ina 

"Lolo!! Hug po" agad na yumakap ang anak ko sa binti ni Lolo at gano'n rin ang ginawa niya kay Lola. Pinugpog naman siya ng halik ng mga taong nag aruga sa amin ng sobra sobra. 

Kumain kami doon at nagkwentuhan pagkatapos ay magkatabi kaming nakahiga ng anak ko sa kama. Nagkwento siya tungkol sa mga laro na ginawa nila kanina at nagsumbong na rin sa akin sa pang aasar sa kanya.

"Bakit po hindi tayo same ng color ng eyes mama?" She asked me and I gulped "Sabi po nila buknoy baka sa maligno 'to." She even covered her mouth and widened her eyes

"Naku ang ganda ganda ng baby ni mama paanong sa maligno?" I arched my brows at her

"Kasi po iba color ng eyes ko eh." She pouted and I hugged her "Saan po ba galing 'to? Wala naman po akong papa kaya panigurado hindi sa kanya." Tuloy tuloy niyang kwento doon

Hindi ko maiwasan na malungkot sa narinig ko sa kanya alam ko na gusto niya ang kalinga ng isang ama pero paano ko naman mabibigay iyon ni isang alaala sa buhay eh wala naman akong natatandaan. 

Hindi ko nga alam kung ano ba ang totoo kong pangalan kung sino ba ako noon at kung anong buhay ang meron ako bago mapunta sa lugar na ito. Nagising na lang ako isang araw na nakaratay sa higaan at may sanggol sa tabi ko takot na takot ako no'n pero nawala iyon dahil inaruga ako nila Lola.

Jar of Love  (Organización Intrepída series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon