Kabanata 14

97K 1.2K 47
                                    

Papunta na tayo sa exciting part 

Kabanata 14

Ito ang unang beses na makita ko siyang umiiyak. Agad siyang tumikhim bago punasan ang kanyang mga luha at nagseryoso doon. Nagtataka ko siyang tiningnan pero agad niyang iniwas ang tingin sa akin.

"Why?" Taka kong tanong

"I'm sorry nadala lang ako sa emosyon ko." Seryoso niyang sabi 

"No, it's alright. You look sad pwede mo sa akin ilabas kung ano man 'yan. Makikinig ako sayo." Hinawakan ko ang kamay niya "Mahal na mahal kita diba?" tanong ko at tumango siya sa akin.

Umupo kami sa bandang garden nila wala namang nanggulo sa amin kaya malaya siyang nakapagkwento pinilit ko talaga siya magsabi. Hindi ko mahilig mamilit sa tao pero para sa kanya ay gagawin ko mailabas niya lang ang bigat ng kanyang dinadala.

I held his hand and smiled sweetly. "You can tell me love." malumanay kong sabi

He look at me with concern but I touched his cheeks "Don't be shy okay? Makikinig ako sayo." dagdag ko pa

Bumuntong hininga siya doon bago ako higitin sa isang yakap. "I'm sorry hindi kita natawagan nagkaroon ng problema ayokong makisabay sobrang busy mo." He said

Naiinis ako sa kanya pero nawala iyon nang madatnan ko ang kanyang sitwasyon. "Ayos lang." ngumiti ako doon sa kanya

"Let's go to my room, doon ko sasabihin ang lahat." He said calmly bago hawakan ang kamay ko

Tumayo na kami at naglakad papunta sa kanyang kwarto nadaanan namin ang kanyang mga magulang. I mouthed "sorry" for them agad kaming umakyat sa kanyang kwarto.

Umupo ako sa dulo ng kanyang kama at inantay na mag salita siya ilang beses pa siyang bumuntong hininga

"Now pangga ko, care to share? What happened? Why Tito Alex is so ballistic." I asked him

"Sasabihin ko na." he started off and I just nodded at him. "I have a twin brother." He confessed kaya nagulat ako doon "namatay siya nung high school kami dahil.." suminok siya doon kaya hinawakan ko ang kanyang kamay "dahil sa akin."

Hindi muna ako magsalita at hinayaan ko lamang siyang magpatuloy doon. Tumayo ako binigyan siya ng halik sa tuktok ng kanyang ulo. 

"His name is Trevor magkasundo kami sobra. Sa aming dalawa ako ang sobrang pasaway." Kwento niya doon "Palagi kaming magkasama noon kaibigan na namin sila Logan noon pa man." "Siya ang paborito ni Daddy sa amin dahil siya ang matalino pero hindi naman ako nainggit sa kanya mahal ko ang kakambal ko." he added

"Then?" tanong ko

"Palagi kaming magkasama hanggang sa masali ako sa isang fraternity nung hs." Bumalatay ang lungkot sa kanyang mga mata "Mula nung masali ako doon hindi na kami nagkakasama. Palagi akong nasa riot. Gusto kong makuha ang atensyon ni Daddy kahit pagalitan ako basta mapansin lang." "Dahil sa ginawa kong iyon napahamak ang kakambal ko." nanginig siya doon kaya hinawakan ko ang kanyang mga kamay 

"Love, I'm here okay? Pero kung hindi muna kaya pwede naman na 'wag mo munang i-kwento sa akin." I said sweetly but he shook his head.

"No, I have to." He said and I just nodded at him "Identical twins kami isang beses akala ng mga kaaway namin siya ako." nagulat ako doon kaya napatingin siya sa akin "Yes, you're right napagkamalan na ako siya kaya siya ang nasaktan. He was stabbed" He confessed "Isang beses naglalakad siya palabas ng bugbugin siya hindi sanay ang kakambal ko sa gulo. Siya ang nasaksak pag--- pagdating namin sa ospital.  Nakita namin siya doon na nakaratay nakadilat pa siya pero ilang araw namatay din siya dahil hindi nakayanan." umiyak siya doon

Jar of Love  (Organización Intrepída series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon