Kabanata 18

101K 1.2K 124
                                    

Caoimhe pronounce as kee-va which means precious, gentle, and beautiful. Mwaa!! Btw, this is un-edited!

Kabanata 18

"Apat na libo ang upa dito sa amin tapos kailangan pa ng advance deposit." sambit doon sa amin ng isang babae na ngumuguya pa ng bubble gum "Naku mga ateng mura na nga iyan mahal dito sa maynila." dagdag niya pa ng makita ang reaksyon namin doon 

Dinukot ko doon ang naipon ko na pera at inabot sa kanya nakita ko ang pagdaan ng emosyon sa mga mata nila Lola marahil ay pipigilan ako kaya umiling na ako. "Maayos naman po ba dito?" tanong ko sa babae

"Oo naman may tubig at kuryente na din." sagot niya sa akin "Sige kukunin na namin." sagot ko pa at nag usap kami doon tungkol sa pagtira namin doon. Bagong lugar, bagong buhay, at bagong pag aadjust. 

Naipasok na namin ang mga gamit na dala namin tanging mga damit lang ito. Mabuti ay mga naiwang gamit dito sa titirhan namin at pwede nang pagtiyagaan. "Anak, salamat." nakangiting turan ni Lola doon sa akin

"Walang anuman po." sagot ko pabalik 

"Pasensya na anak nagalaw mo pa ang ipon mo para sa inyong mag ina." Humingi naman si Lolo Ernesto ng paumahin doon.

"Wala ho iyon ang mahalaga po ay ligtas tayo at may matitirhan na pwede naman pong mabawi ang mga iyon." sagot ko sa kanila doon at ngumiti sila "Ate, ang laki pala ng Maynila." sambit ni Alice

"Ayos lang ba kayo?" bumaling ako sa kanilang dalawa ni Malia na nakikipaglaro doon sa anak ko.

Ngumiti sila sa akin doon at nagthumbs up sa akin kaya natawa ako. Nagpasalamat na rin sila sa akin dahil pinayagan ko sila na sumama sa amin. "Paano tayo kakain mama?" biglang tanong ng anak ko doon

Kinurot ko ang kanyang pisngi habang natatawa sa itsura niya "Gutom na ba ang baby ni mama?" tanong ko sa kanya at marahan siyang tumango sa akin ang kanyang mga abong mata ay kumislap doon

"Sa pangatlong kanto may carinderia dyan mars." sambit ng landlady namin doon habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kasama. Nakita ko ang paraan ng pagtingin nila doon sa akin kaya iniwas ko ang aking tingin.

"Mars, ang kinis natin ah?" bati doon ng isa at alanganin akong ngumiti

"Salamat po mga ate." Bigla akong hinila ni Malia doon at umalis na kami sa lugar para maghahanap ng makakain "Grabe naman makatingin mga taga dito sa Maynila." biglang sambit ni Malia doon habang naglalakad kami

Napadaan kami sa mga maraming tambay may ilang nagsisitsit sa amin doon at di ko maiwasang kabahan dahil nga bago lang kami sa lugar mabuti na lang ay nakarating na kami doon sa pagbibilhan namin. 

"Isang order ho ng pinakbet at sarsyadong isda." banggit ko doon "150 yan ija." sagot naman ng babae doon at nag abot ako ng bayad sa kanya bumili na rin ako ng kanin para sa kakainin namin ngayong gabi.

"Ang mahal naman grabe." bulong ni Alice doon na sinegundahan naman ni Malia kaya inawat ko sila 

Sabay sabay kaming kumain doon at inayos na rin ang mga gamit dito sa apartment. Hindi ko pinakilos sila Lola kami na lang nila Alice ang nag ayos ng gamit doon at natapos ang araw na maginhawa ang pagtulog namin

"May bago ka na namang photoshoot. Grabe ka talaga madam." I saw a blurred face of a woman

"Totoo grabe ikaw na naman ang trending niyan." sagot naman ng isang lalaki doon na malabo rin ang mukha 

I almost got blind by the flash of camera but I didn't mind it and a lot of reporters interviewed me as the new face of the cover magazine.

Suot ko ang isang magarang damit doon at pinalilibutan ako ng mga tao habang sunod sunod ang pagkuha ng larawan sa akin. Nakita ko ang sarili ko na naglalakad sa mahabang daanan doon na suot ang magandang damit.

Jar of Love  (Organización Intrepída series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon