Kabanata 2

156K 2.3K 256
                                    

Kabanata 2

Tw: Guns

"How's your engagement with that man?" My mom, Alona Alcantara, caressed my hair while looking straight at my eyes.

I gulped before speaking. "Uh, we're okay," I spat back.

"Are you sure, Ija?" She eyed me.

"Yes, mom." I chuckled.

"Good; you must work that engagement for the sake of your father's candidacy." She smiled sweetly.

Sa totoo lang ay puros pagpapanggap lang ang ipinapakita namin ni Travis sa harap ng mga magulang namin. Parehas naming ayaw matali sa isang kasalan na wala namang kasiguraduhan. 

Ayaw kong matali sa ganoon marami pa akong gustong gawin kagaya ng pag aaral ko sa law school at isama pa ang pagmomodel ko.

Mula nung maengage kami sa isa't isa ay puro pangpapanggap lang ang ginagawa namin. Kakain kami sa private restaurant pero pagkatapos no'n ay parang hangin na kami sa isa't isa. 

"Wear that dress, Ija." inabot sa akin ni Mommy ang isang champagne red dress.

"Uh, for what, mom? I have to study." I said, biting my inner cheek

"You have to come with us, Ija. Balikan mo na lang iyang pag-aaral mo." She said it strictly.

"But–" she cut off my words.

"No buts ija, kailangan mong sumama sa amin." mariin niyang sabi wala na akong ginawa kung hindi ang sumunod na lamang.

"Anna, ayusan mo siya." tawag ni Mommy sa kanyang personal stylist.

Umupo ako sa harapan ng vanity mirror walang emosyon ang aking mukha habang inaayusan ako, gusto kong mag aral ilang araw akong hindi nakapagbasa dahil sunod sunod ang mga photoshoots ko.

"Ngumiti ka," bulong sa akin ni Mommy ng makapasok kami sa loob ng isang hotel.

Puro business tycoons at mga taga pulitiko ang nandito, alam ko naman kung bakit andito kami. Suot ko ang matamis na ngiti habang kumakaway sa mga tao dito.

"The gorgeous Chanel is here." lumapit sa akin si Madam Amelia Fortunato. Isa siyang sikat na fashion icon dito sa bansa

"Hi," I kissed her cheeks.

"You look dashing in that champagne dress." puri niya sa akin na ikinatuwa ko.

"Thank you madam." I smiled sweetly.

Marami pa ang kumausap sa akin at ilang interview rin ang sinagot ko, sanay ako sa atensyon kaya hindi ko na alintana, pero ngayong gabi ay gusto ko na agad umalis dahil nga may aaralin pa ako sa law school. 

"Ija, here." My mom tapped a seat beside her and I decided to go there after talking with some people here.

Tahimik lamang akong umupo sa tabi ng mga magulang ko panay puri sa akin si Mommy, dahil daw kasi sa akin ay mas mukhang tataas pa ang engagement ni Daddy sa pulitiko.

Panay tango lamang ako pero sa totoo lang ay lutang ako. 

"Chanel!!" Mom's voice filled my ears.

"Uh? W-what?" I bit my lower lip.

"You're not focusing," she hissed.

"I'm sorry. May iniisip lang ako, ano po ba ‘yon?" Sagot ko naman.

"Gosh! Pwede bang isantabi mo muna ‘yang iniisip mo? Huwag mo kaming ipahiya," mariin niyang sabi at tumango na lamang ako.

Nagpatuloy pa ang event syempre ibinida ako ng nanay ko sa kanyang mga amiga.

Jar of Love  (Organización Intrepída series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon