Kabanata 25

96.9K 1.2K 115
                                    

Eto na papunta na sa exciting part. I searched na 5-6 months ang result ng bar exam bale ganon ang timeline na gagawin ko kay Chanel.  Btw, this is long hahahaha!

Kabanata 25

"I love you, Travis. Please don't hurt me hindi ko kakayanin." tumitig ako sa kanyang mga mata, hinawakan niya ang kamay ko doon "I won't hurt you just trust me, okay?" I saw love and desire on his gray orbs. Agad akong tumango sa kanya at hinila niya ako para sa isang yakap. Hindi ko pinagsisihan na mahaling muli si Travis, mahal ko naman na siya noon pa at hindi nawala iyon. 

Kaya nga ang laki ng tiwala ko sa kanya sa bawat araw na dumaan makita ko lang siya ay napagaan ng pakiramdam ko. I feel love and cherished each and everyday hindi siya pumalya na ipakita iyon sa amin. Pinaramdam niyang mahalaga ako sa kanya at mahal niya ako kaya sobra sobra ang tiwala ko. 

Hindi ko na pinapansin ang mga tingin na binibigay sa akin nila Diana mas nagpokus ako sa pagrereview ko para sa bar exam. Pinagsabay ko ang pagtatrabaho at pag aaral para lang sa kinabukasan ng anak ko at para sa pangarap ko. Pagod man araw araw ay nawawala iyon kapag nakaramdam ako ng maliit na yakap mula sa magandang memorya ko.

Until one video shattered my world down hindi ako makakilos sa nakita kong video ko. "I cheated on him?" tanong sa aking sarili diring diri ako sa sarili ko. Kaya ba naghirap ako kasi ang sama sama ko palang tao?

"Pinapasara na namin ang video." Si Kuya Caden tahimik lamang ako habang nag uusap kami dito sa loob ng opisina "Hindi ko alam kung sino ang nagpapakalat niyan palaging lumalabas. Basta hindi ka ganoon." mariing sabi ni Kuya sa akin walang salitang namutawi sa labi ko.

Ever since I saw that video I become aloof to Travis but he push himself so hard that I'm hurting. Nahihiya ako kasi nagawa ko pala iyon pero eto pa rin siya sa akin. "I love you." bulong niya habang yakap yakap ako. I immediately cried on his arms and clutched his shirt nabasa pa ang suot niya

"Hush." malambing niyang sabi sa akin tumango lang ako habang umiiyak, andito naman siya bakit ako matatakot diba? But, I was wronged. I saw an old article about my family na-frame up si Daddy at ang pamilya ni Travis ang kalaban namin. 

Nanlamig ang kamay ko habang tinitingnan ang mga larawan ni Daddy mula sa kulungan pati na ako na halos magmakaawa sa pamilya niya. Kita ko ang awa sa mata ni Irene habang nakatingin sa akin para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nalaman ko. 

"Handa ka na bang makita ang alaala mo?" tanong sa akin ng doctor na pinuntahan ko at tumango "Yes, I'm ready doc." sagot ko at bago tuluyang pumikit para alalahanin ang nakaraan kong buhay.

"Now, pumasok ka sa isa sa pintuan dyan." utos niya sa akin pinili ko ang pangatlong pintuan. 

There I saw myself smiling in front of those people maraming camera sa paligid at panay ngiti naman ako. Katabi ko si David at Alyssa na aligagang i-alis ako sa mga tao. Sunod sunod ang tawag sa pangalan ko. 

I even saw myself signing an autograph for my fans tuwang tuwa sa atensyon na nakukuha sa paligid ko pero hindi ko iyon nakukuha sa mga magulang ko. I'm so passionate when it comes to my career and study. Napapagsabay ko iyon para lang maipakita sa kanila ang ginagawa ko. Madalas din akong laman ng tsismis pero hindi ko na alintana

"Hayaan mo na atleast ikaw ang trending ngayon. Mukha mo pa lang ay halos mabaliw na ang mga tao. Paano pa kaya kung calendar shoot na?" Si David

My name lingers around the rumors in the town, wala akong pakealam basta ba ay nasa tuktok ako at nakakakuha ng atensyon. I obeyed my parents afraid that they might disown me someday. Sunod kong nakita ay si Travis we danced together at ako ang unang humalik sa kanya at ang pinaka nakakagulat siya ang fiancee ko. Our parents decided to have an arrange marriage for the both of us para sa pangangandidato ni Daddy at negosyo ng kanilang pamilya.

Jar of Love  (Organización Intrepída series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon