Kabanata 12

99.9K 1.4K 107
                                    

R18

Warning: Matured content patnubay ng magulang ang kailangan XD

Kabanata 12

Hinawakan ko ang Travis doon at matamis na ngumiti sa kanya "Kinabahan ka ba?" Tanong ko sa kanya. 

Kagabi kasi ay nagkaroon kami ng family dinner at pinutol na nga ang engagement namin. Walang article na lumabas dahil kami kami lang rin ang nakakaalam no'n  mabuti na rin yon. Ayoko naman na kasama na lang lagi sa pag uusapan ang boyfriend ko. Alam ko na hanggang ngayon ay ayaw niya pa rin nasasama sa mga issue, pero ang sabi niya ay ayos naman daw basta nakakabit ang pangalan ko sa kanya. 

Katatapos lang rin ng photoshoot ko at sinundo niya ako dito kami sa condo niya dumiretso para dito mamahinga. 

"Of course, akala ko ay ilalayo ka nila sa akin. Fuck" He muttered "Bakit kasi sobrang seryoso ng mga mukha nila?" Dagdag niya pa kaya napangiti ako sa kanya

"Kinabahan rin ako." Sagot ko pa

"Talaga?" Tanong niya sa akin at tumango muna ako bago magsalita

"Syempre naman. Sinong hindi kakabahan? You're the man that I love. Masasaktan ako kung ipaglalayo nila tayo." Sagot ko sa kanya kita ko ang pagkapula ng kanyang pisngi doon. Kaya binigyan ko iyon ng halik. "I love you my engineer." dagdag ko

"I love you more my future attorney. Hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin. Pinaghirapan ko na ligawan ka." Sagot niya sa akin na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Nagluto si Travis ng seafood carbonara at garlic bread para sa merienda namin ngayon. Halos mag alangan pa akong galawin ang mga iyon dahil nga mataas ang calorie rate.

"Eat up, love!" He said sweetly

"Pero kasi yung calories. Bakit naman kasi hindi mo sinabi na eto pala ang lulutuin mo?" Hawak ko ang tinidor doon at nagdadalawang isip na galawin ang pagkain, "Gaga, luto 'yan ng boyfriend mo." Sigaw ng kabilang isip ko "Girl, sige ka mahihirapan kang mag-burn. Remember my strict diet kayo ng manager mo. "You should eat dahil luto 'yan ng boyfriend mo. Sanay ka naman sa workout." Sigaw ng kabilang banda ko.

Napatingin ako kay Travis at kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Hmm, maybe I should eat. Ayokong masayang ang effort na ginawa niya para sa akin. Kaya naman sinimulan kong kainin ang kanyang niluto

I think I'm in a cloud nine after giving a chance to his cook. Hindi ako mahilig sa pasta sa kadahilanang strict ang diet na meron ako. David and my mom forbids me from eating too much calories. Mahirap nga naman ang mag-diet at work out. Minsan kasi ay may biglaan akong runway shows at photoshoots.

"What do you think about it?" He tilted his seriously and raised his brow waiting for my response.

"I didn't know that you cook well." Masiya kong sabi

"Ako pa ba?" He protruded a cocky smile before kissing my cheeks. Napamaang naman ako sa kanyang ginawa doon. Humalukipkip ako doon at diretso siyang tiningnan. "Hindi lang ako basta engineer. Isa rin akong chef." Sagot niya 

"Wait, woah? You mean nag aral ka din no'n?" Tanong ko sa kanya at tumango siya "Hindi ko alam yun ha." dagdag ko pa

"Parehas ko kasing gusto ang maging chef at engineer. Inuna ko ang magtapos ng engineer tapos nung nasa states ako doon ako nag aral ng culinary habang nagtatrabaho din." Sagot niya sa akin

"Mahirap nung nasa ibang bansa ako. Ilang taon rin ako doon." Naglabas siya ng buntong hininga doon. "Hindi ko pa kayang sabihin ang rason ko bakit ako pumunta doon at nanirahan ng ilang taon. Pasensya ka na, pangga ko." Bumalatay ang lungkot sa kanyang mga mata 

Jar of Love  (Organización Intrepída series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon