Kabanata 27

100K 1.2K 161
                                    

Warning: Contains sensitive topic

Kabanata 27

He was jailed and he never talks about it, how many times do I need to shed a tears for him? Hanggang kelan magtitiwala ang puso sa kanya? Sobrang pag iyak na ang nagagawa ko pero eto pa rin ako sa kanya. He was kneeling and sobbing in front of me but I remain stoic. "Hanggang kelan ka ba magsisinungaling." tanong ko sa kanya pero nakayuko lamang siya doon tila hiyang hiya sa nangyari."Pls, stand up, hindi ka dapat lumuluhod." Sambit ko pa sa kanya doon. Gulong gulo na ako sa aming dalawa hanggang ngayon pala ay may hindi pa rin siya sinasabi sa akin. Tumayo siya roon at nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.

"Listen to me." He told me "Hindi ko pa kaya.." sagot ko nakita ko ang pag hulog ng luha sa kanyang abong mata.  "Okay, I want you to breathe fresh air and I won't force you. But, I will wait for the time that you will open your ears to me." He hugged me "Babantayan pa rin kita kahit na ayaw mo na sa akin." 

Parang tinusok ang puso ko sa sinabi niyang iyon. "Pahinga ka na." he said softly. Binuhat niya ako papunta sa higaan "Bukas, kapag okay na pakiramdam mo. Ihahatid kita sa bahay." sambit niya sa akin pero wala akong naisagot.

"Tulog ka na may aayusin lang ako." He told me before kissing my forehead. My heart thump as he leans and kiss me on my lips. I close my eyes as I felt the softness, damang dama ko ang pagmamahal niya pero punong puno ng takot at pangangamba ang puso ko. 

Pagkagising ko ay andon pa rin silang lahat. "Best friend." niyakap ako ni Elisse "Okay ka na ba?" She asked me.

"Ayos na, ikaw?" tanong ko sa kanya "Okay naman na siguro." she told me "Wala tayong pasok ngayon, inaayos pa kasi yung gulo doon sa law firm." she added 

There I saw Travis who's now wearing an apron. "Good morning." bati niya sa akin "Morning." tanging sagot ko sa kanya

"Hindi pa kayo bati?" Logan asked "Ay hindi pa nga ata. LQ" Bulong niya pa bago magsandok ng kakainin

Si Travis ang nag asikaso sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. "I'm sorry." bulong niyang muli sa akin. Wala akong sinagot doon sa kanya at nagpatuloy na sa pag kain napansin ko ang katahimikan ng kapaligiran.

"RIP" hiyaw ni Keith dahil hinawakan ako ni Logan sa braso. Bigla siyang binato ni Travis ng kutsara mabuti na lamang ay nakailag siya "Puta." nanlalaking mata ni Logan pero ngumisi lang si Travis sa kanya

"Umayos nga kayo, kitang nasa harapan ng pagkain." Mizuki retorded at natahimik ang lahat.

Napailing na lang ako sa kanila doon hanggang ngayon kasi ay malilikot pa rin sila. Tahimik lamang kaming kumakain doon at nang matapos ay nagpresinta na si Logan na maghugas, umakyat muna ako sa kwarto para mag isip isip at nung kinahapunan ay nagpahatid na rin ako para makauwi

Dinala ni Travis ang mga papel na kailangan ko para sa kaso na hinahawakan ko. Alam daw niya kasing babalikan ko yung papers doon, kaya siya na ang nagpresinta para kuhanin. Nagpasalamat lang ako sa kanya at hindi na muna siya pinansin, bumibigay kasi ako kapag malapit  sa kanya.

I read the papers about the Velez' case, yung katulong ang tinuturong suspek ng kamag anak ng pamilya. Inaral ko din ng mabuti ang mga ebidensya na nakuha roon, malinis ang mga patalim na ginamit at ni isa ay walang bakas.

Ito ang unang kaso na hinawakan ko, isusunod ko pa kasi yung sa amin kapag nakuha ko na ang lahat lahat. "Hays." napahilot ako sa sentido ko sa dami ng binasa ko idagdag pa yung nangyari sa law firm kahapon.

Mabuti na lang ay walang sugatan sa amin, ang sabi ay target daw ang isang kasamahan namin na hawak ang kaso ng isang senador kaya naman dinamay na kami. May iba talagang nakaupo sa pwesto na halang ang kaluluwa.  I suddenly remember the time when that governor sold the land, maraming buhay ang naapektuhan nang dahil doon sa ginawa niya.

Jar of Love  (Organización Intrepída series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon