Kabanata 1

232K 2.6K 445
                                    

Kabanata 1

Pagkatapos naming mag usap ay pumasok na ako sa loob para puntahan ang mga magulang ko, as if naman mahulog ako sa kanya ayoko sa malalakas ang hangin sa katawan.

"Chanel!!" someone called me, and it's none other than Kysler, one of my co-models.

"Hey!!" I greeted him.

"What are you doing here, huh?" he asked me.

"I'm here with my parents. How about you?" 

"A friend invited me," he answered seriously. 

"Travis my man." bigla niyang tawag sa lalaking iyon.

"Oh, magkakilala kayo?" nagpalipat lipat siya ng tingin sa amin.

"Oo." sagot ni Kysler sa kanya.

"Paano?" tanong pa ng isa.

"Work," kibit balikat na sagot ni Kysler at tumango na lamang si Travis sa kanya bago tumingin sa akin. 

Pinagkrus ko ang braso ko doon sa bandang dibdib ko at tumingin rin sa kanya pabalik. Imbis na ma-intimidate pa ay mukhang natuwa pa siya sa ginawa ko. Naglaban pa kami ng titigan pero naputol lamang iyon ng magsalita si Kysler.

"Matunaw naman kayo." natatawa niyang sabi.

"Tss, dito na muna ako." tinapik ko ang balikat ni Kysler at tumalikod na sa kanila.

"Sungit mo naman." rinig ko ang boses ni Travis doon at tila nang aasar hindi ko na lamang siya pinansin.

"Nakapagusap na ba kayo?" salubong sa akin ni Mommy tumango na lamang ako bago umupo sa tabi niya kasama namin ang pamilya nila sa iisang table.

Mr. Alexander Ford stands up in front of us while saying thank you to those who came here to the party. We gave him a round of applause as soon as he finished his speech for this night.

"Where's your Kuya Travis?" I heard Tita Thallia asking her daughter.

"Hindi ko po alam andito lang siya kanina," sagot niya.

Nagpaalam na muna ako kay Mommy na pupunta ako sa powder room, yun na lang ang pagkainis ko na sarado ang powder room dito sa floor.

Kaya wala akong magawa kung hindi bumaba sa first floor para makapag ayos.

Gano'n na lamang ang pagkabigla ng makita na madami palang tao sa first floor wala si David at Alyssa para protektahan ako sa dami ng tao.

Madalas kasi kapag pinagkakaguluhan ako ay andon sila para lang mai-alis agad ako sa dami ng tao. 

"Chanel, is that you?" rinig kong tawag ng isa sa mga tao dito.

"Hala oo yung model nga andito pala siya!!" 

"Chanel pa-picture!!" 

"Chanel!!!"

"Chanel!!!"

Sunod sunod na tawag nila sa akin at isa isa silang naglapitan sa akin para magpapicture na tinanggap ko naman.

"Ang ganda mo talaga," bati sa akin ng isang babae.

"Thank you," ngiti ko naman sa kanya.

Halos hindi na matapos ang pagpapicture sa akin ng mga tao dito, gustong gusto ko ng pumunta sa powder room. Hindi ko naman sila pwedeng bulyawan dahil ginusto ko ang mapasok sa industriya na 'to.

"Excuse!" hawi ni Travis sa mga tao.

"Ay ang pogi rin," rinig kong sambit ng isa doon "pwedeng magpapicture sayo, kuya?" pahabol pa nito.

Jar of Love  (Organización Intrepída series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon