"Would you say.............. You love me too?"*dugdugdugdugdug*
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Wala naman yung meaning diba? Kasama lang yun sa lyrics ng kanta ni Barney. Kailan pa naging nakakakilig ang kanta ni Barney??
Bakit sobrang affected ako sa lyrics ng song to the point that I can't even say a word? And sobrang nag-iinit ang pisngi ko. "Uhhm........ I----I----------"
O.O JUICE COLORED! CAN SOMEONE TELL ME WHAT'S HAPPENING??? Am I dreaming? Kung panaginip man ito, I would rather keep my eyes closed,,,,,, forever.Sobrang pulang-pula na ang mukha ko and all I managed to say was, "A-ang fi-first k-kiss k-ko...." Natulala ako sa nangyari. Hindi ma-process ng utak ko yung scene kanina. Sa sobrang pagka-tulala ko, hindi ko napansin na pinagbuksan na pala ako ni Niall ng pinto.
Daig ko pa ang zombie sa pagka-tulala. Kulang na lang, gayahin ko yung paglalakad nila tsaka yung pagsasabi nila ng 'brains'.
Maglalakad na sana ako pauwi pero may sinabi pa si Niall. "To inform you, it is not your first kiss. It's your second kiss. " Parang dinaig ko pa ang tarsier sa laki ng mata ko ngayon. Ano daw? Hindi pa nga nap-process ng utak ko yung nangyari kanina tapos madadagdagan na naman??
"See you tomorrow!"Wala na akong masabi. Tumalikod na lang ako sa kanya at nagsimulang maglakad pauwi. Ano bang nangyari? Paki-explain.
Wala nang ibang umiikot sa utak ko kundi yung kiss tsaka yung sinabi ni Niall. Saan? Kanino? Paano? Kailan nangyari ang first kiss ko?Nagmumukha na akong tanga. 'Yung mga daliri ko, nakahawak pa rin sa lips ko. Ang landi.
Pagkadating ko sa bahay, hindi ko muna agad binuksan yung pinto kasi narinig ko si Enday na may sinasabi. Parang umiiyak ata.
"Diba ikakasal ka na sa kapatid ko? Congrats ha! Sana maginging masaya kayo!" Anong nangyayari? I want to interrupt but I think I should not. Maybe I'll just keep my mouth shut.
Nakita ko si Lolo at Granny na nanonood ng tv sa sala. Magri-greet sana ako pero mukha silang busy sa panonood kaya tahimik na lang akong naglakad papunta sa room ko. Paakyat na sana ako nang biglang tawagin ako ni Granny.
"Katen, can we talk?" Tanong niya habang ako naman ay palapit sa kaniya.
"Uh, yes Granny. Any problem?" Tanong ko at tumabi sa kaniya.
"I just want to ask you kung masaya ka ba talaga kay Lucas. This past few days nung malaman mong ikakasal ka na nakikita ko namang hindi ka masaya." Akala ko wala ng makakapansin na hindi ako masaya kay Lucas. Pero yun pala meron. At si Granny yun.
"Honestly, I'm not happy with him. He's not my type. He so arrogant and I think all he need was money. Fame and money. Tuwing magkasama kami lagi niyang pinagmamayabang sakin yung mamahalin niyang 'mga' kotse na bili ng dad niya." I explained.
"Ba't naman hinahayaan ng daddy mo yan?" Irita niyang tanong. Pati ako naiirita rin eh.
"I don't know. Family business,,, maybe." Napabuntong hininga ako.
"I'll try to talk to your Dad tomorrow. By the way nakakain ka na ba? Sabi ng Dad mo naiwan mo daw yung wallet mo. Gusto mo ipaghain ka ni Enday?" Anong sasabihim ko kay Granny?
"W-wag na lang p-po. Pumunta po ako kay N-Niya." My hands started to shake.
"Okay. Sino nga pala si Niya? Maybe we can invite her here." No. Hindi alam ni Granny na fake lang si Niya at gawa-gawa ko lang.
"O-okay lang po kahit hindi na. M-mahiyain po siya." Sumasakit ang tiyan ko sa nangyayari. Sana matapos na 'to!
"Are you sure?" Tanong niya at tumango lang ako. "I've known you for a long time since you were little so I know you're lying. Totoo bang pumunta ka kay Niya o iba ang pinuntahan mo?" Hindi po kasi ako pumunta kay Niya. Kay Niall po. Hinalikan niya nga ako kanina eh. Ang landi ng utak ko -___-
BINABASA MO ANG
She Is A Nerd [Niall Horan Fanfic]
Fanfiction"I met him and everything has changed. EVERYTHING." -Katen "She thinks that she's nothing. I think that she's everything." -Niall Written By: abcde1D