Katen's POV
Another day again. A day where I can see Niall Laiterong Horan AGAIN. Aba. Ewan ko ba kung bakit tuwang-tuwa siya kung inaasar niya ako ng:
1. Nerd
2. Lampa
At higit sa lahat, UNGGOY! Siraulo yun! Mukha naman siyang pwet. Pwet nun! May narinig akong boses na familiar sa akin sa likod ng school.
Dahil kalulunod ko palang sa katsismosahan, sinilip ko 'yun kung sino man siya. Pero... Nakita ko si Harry na may kahalikan na babae. At ang babae na iyon ay yung nagtapon sa akin ng lunch ko sa damit ko.
Akala ko ba... Akala ko ba, nagkakagusto na siya sakin? Siya pa nga mismo nag-tapat pero bakit?
"See? I still love you. I'm only using Katen because she didn't know that she is the one who is making my homework. Inuuto ko lang siya. Don't worry." At hinaplos niya ang pisngi nito.
Hindi ko na kaya. Ayoko na. Hindi ako makapaniwala na niloko niya ako. Bwisit siya. Ngayon lang ako nakaramdam ng sakit uli ng dahil sa kaniya. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ko iiyak pero...... Pero hindi ko mapigilan dahil sa sobrang sakit.
Nahulog ako sa kaniya at sinalo niya nga ako, pero hinulog niya lang uli hanggang sa marudog ako ng isa-isa. Gago siya!!!! Kailangan kong mag-higante sa ginawa niya.
Pero magda-drama muna ako. Kailangan ko rin eh.
So ayun na nga. Tumulo nang tumulo ang luha ko. Tumakbo ako ng mabilis na mabilis na walang alam kung saan pumupunta. Sige lang mga paa. Dalhin mo ko kung saan ako nararapat ngayon.
Hindi ko na lang napansin na nasa rooftop ako. Buti na lang walang tao. Carefree ako ngayon sa kadramahan.
Umiyak ako ng umiyak. Wala na akong pake kung malakas man yun o hindi. Ako lang naman mag-isa eh. Tsaka yung pake ng mga tao dito sa akin, kasing liit lang ng microorganisms. So it means na wala. Hindi naman kasi nakikita ng ating naked eye ang microorganisms eh.
Ba't kasi nagpa-uto ako? Ang tanga-tanga ko! Hindi naman talaga magkaka-gusto yung mga lalaki sakin eh. Nerd lang ako. Nerd. Pero hindi rin ba nila alam na ang mga nerds ay nasasaktan rin?
Umiiyak ako malapit sa terrace kasi mas feel ko yung kadramahan. Malakas kasi yung hangin.
"WHAT ARE YOU DOING?!" May biglang sumigaw kaya nadulas ako at nahulog sa terrace.
Mataas ang building na 'to kaya kapag nahulog ako, tiyak na patay ako dito. Pero ayoko munang mamatay. Kailangan ko munang mag-revenge sa kulot na 'yun.
Tumingin ako sa ibaba at nakita ko ang pagkataas-taas na building. Nakaka-lula at nakakamanhid. Bigla na lang akong nahilo at...........
Niall's POV
May narinig akong babaeng umiiyak malapit sa rooftop. Sino naman yun? Muntanga siya kung nagdadrama lang yun.
I was also shocked yesterday kasi narinig ako ni Nerd na kumakanta. Bagay talaga sa kaniya talagang tawaging unggoy kasi mahaba tenga niya.
But it doesn't mean that when I called her a monkey, normal na talaga yung mukha niya. Kasi... Ahahaha. Pangit lang talaga siya mainis. Ang cute!
C-ompletly
U-gly
T-otally
E-pal
Ayan ang meaning ng CUTE sa akin kaya kapag sinasabihan ko yung mga babae na cute, matatawa na lang ako dahil sa sobrang kilig nila.
"WHAT ARE YOU DOING?!" Akala multo na. Si Nerd lang pala.
But she accidentally slipped her one foot and almost fell from the building. I quickly run towards her to help her but she fainted. But luckily, I grabbed her hand before she fainted. Grabe. Nakakatakot 'tong maging lampa.
Hindi siya mabigat sa totoo lang. Kumakain ba 'to? Ang bilis ko siyang nahila. Nang nasa sahig na siya, tinitigan ko ang mata niya. Ang ganda ng eyelashes niya. No. I mean cute. Pero may tumulong luha sa mata niya habang nakapikit mata niya. Umiyak siya?
Wala na akong pake. Basta lampa siya, yun na yun.
..
..
..
..
..
..
Maganda ba? Parang hindi eh.
BINABASA MO ANG
She Is A Nerd [Niall Horan Fanfic]
Fanfiction"I met him and everything has changed. EVERYTHING." -Katen "She thinks that she's nothing. I think that she's everything." -Niall Written By: abcde1D