Katen's POV
Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko sa lalaking 'to. Ewan ko rin kung sinadya niyang dalhin ako dito sa amusement park o hindi pero basta sobrang saya ko.
"Katen. May sasabihin ako sa'yo." Sabi ni Niall.
"Ano?" Tanong ko naman.
"Hindi ko alam kung saang daan pauwi eh." Sabi niya habang kinakamot. Tae. Ako nga rin hindi ko alam kung saang lugar 'to.
"Ha?! Pero paano mo nalaman 'tong place na 'to?!" Confused kong tanong. Kasi naman eh. Pasama-sama hindi naman pala alam kung saan pabalik.
"Mm. Hindi ko alam. Basta dire-diretso lang ako. Sorry ah." Wow! For the first time in my whole entire life ngayon ko lang siya narinig na nag-sorry.
Kinamot ko ang batok ko habang nakakunot-noo. "Oo na nga lang. Kasi naman eh. Hindi mo pala alam kung saan yung daanan."
"Pero alam kong nagustuhan mo yung pinuntahan natin..." Ngumisi siya at tinataas baba niya yung kilay niya. Well, oo. Nagustuhan ko talaga 'yun pero hindi ko naman gusto kung hindi ko alam ang daan kung saan pauwi.
Kumulog-kulog ang kalangitan sa taas. Dear clouds, sana naman hindi pa tapos ang evaporation niyo.
*BOGSH*
At bumuhos na ang ulan. Wala rin naman na 'kong magagawa kung umulan ba eh. Kinuha ko yung jacket ko at ginamit na pantakip sa ulo ko.
Wala na kaming sinabing dalawa kundi tumakbo na lang kung saan. Sobra kasing lakas ng ulan.
"Nerd! Doon, may nakikita akong hotel yata. Dun muna tayo!" Para ngang hotel 'tong nakita ni Horan.
Pumasok na kami sa loob at nag-check in na rin. Buti na lang may dala kaming pera pero ako ang nagbayad. -.- Basang-basa kasi ang wallet niya at yung akin naman ay naka- zip lock. Sabi niya isasampay na lang daw niya.
Pero ang mahirap, sa iisang kwarto kami matutulog. Hindi kasi enough ang pera ko para sa dalawang room kaya no choice.
"Horan, towel oh!!" Binato ko sa kaniya yung towel.
Natapos ko na rin pinatuyo ang damit ko. Buti na lang may libreng hiram na damit dito sa hotel.
"San ka hihiga?" Tanong ko sa kaniya. Sus. Alangan naman ako pa ang hihiga sa sahig? In his face.
"Sa sahig na lang ako." Buti naman.
-----------------------------
12:30 am
"Mmmmmmm!!! No!!!!" Nagising ako sa sigaw ni Horan. Teka, ano na naman ba yan?
"Huy! Horan! Gising! Mukha kang tanga diyan, huy!" Sinabi ko sa kaniya at yinugyog ang katawan niya.
Pero wait? Mainit siya. Bumaba ako sa kama para pakiramdaman ang noo niya. Ang init-init niya!
"Huy! Niall! Ba't ang init mo? Ikaw kasi. Hindi ko tuloy alam kubg paano kita mabubuhat sa para maihiga kita sa kama.!" Sigaw ko. Pero as if naman na marinig niya ko eh mataas nga abg lagnat niya.
I can do this......
Mga salitang kailangan kong isipin para maikarga ko 'tong Horan na 'to.
I can do this...
I can do this...
I can do this...
Haaaaayyyy!! Ang bigat neto!!!!!
Kumuha ako ng maliit na palanggana na nakita ko sa banyo kanina tapos buti may heater yung shower kaya doon na lang ako kumuha para maligamgam ang ipangpu-punas ko sa katawan niya. Kinuha ko na rin yung bimpo sa bag ko.
Binabad ko na yung bimpo sa lukewarm water at pinunas sa braso niya. Honestly, may muscle siya.
Tapos sinunod ko na ring pinunasab ang noo niya. Ewan ko ba kung bakit nakyu-cutan ako sa kaniya, samantalang nung away pa kami nang away parang adik sa kanto mukha niya. Ewan ko ba kung bakit.
"Ikaw kasi. Ang tigas ng ulo mo. Sinabi ko na nga kasi sa'yo masamang suminghot ng medyas ginagawa mo pa rin. Bakit ba kasi gusto mong manghimasok sa hunted house, ha?" Mukha akong ewan na kinakausap siya habang pinupunasan.
Niall's POV
Minulat ko ang mga mata ko at naramdaman kong nasa higaan na ko. May bimpong basa sa noo ko at nakita ko naman si Nerd na nakaupo habang natutulog.
Bigla na namang bumilis ang heart beat ko. Shit. Lagi na lang ganito. Tsaka readers, may secret akong sasabihin......
..
..
..
..
..
Crush ko si Katen. Crush lang, kay?
**
**
**
CRUSH NA NI MR.POPULAR SI MS. NERD!!!!!
BINABASA MO ANG
She Is A Nerd [Niall Horan Fanfic]
Fanfic"I met him and everything has changed. EVERYTHING." -Katen "She thinks that she's nothing. I think that she's everything." -Niall Written By: abcde1D