Newbie
Sarai pov:
Ito na ang araw na pinaka hihintay ko. Sabi kase ni ate raine ay ngayon na dadating yung bago naming meyembro. Ang totoo niyan is baguhan lang din ako sa pamilya na ito but i feel blessed kase hindi nila ako tinuring na ibang tao.
" ateeee raineee naman eh! Ano ba kase ang pangalan niya?" Pagmamaktol ko kay ate raine na nagbabasa lang .
Nakatayo ako sa harapan niya habang siya naman ay nagbabasa. Well, di pa talaga kami close pero feeling close ako eh.
" shut up. Will you?"
" ang bad mo ate raine! Sana awayin ka ni ate amelia!" Sigaw ko sa kanya.
" i don't care" dahil sa inis ay iniwan ko siya at pumunta kay zera.
Nadatnan ko naman siya sa kwarto niya na kaharap na naman ang salamin. Isa pa toh eh, akala mo may ipagmamalaki.
" ahhhhhhhhhhhhhh"
Nabalik ako sa realidad ng biglang sumigaw si zera.
" bakit zera? Bakit ka sumigaw?"
" nakakagulat ka naman sarai. Di mo naman sinabi na may balak ka sa akin"
" anong nangyare dito?" Sabi ng kararating lang na si shiela. Mukhang badmood siya hahahah. Hindi na naman siguro pinansin ni ate raine.
" wala shiela, sadyang nababakla lang si zera. Bakit ka pala andito?"
" parating na ang bisita kaya maghanda na kayo"
Agad akong napatalon sa tuwa at pumunta kay ate raine sa sala pero wala na siya dun. Si ate amelia nalang ang nadatnan ko na prenteng nakaupo.
...
Malapit na ang tanghalian pero wala pa rin sila. Nag order nalang kami ng makakain. Tahimik kami na kumakain pero biglang nagsalita si zera.
" mabait kaya yung bago? Sana magustuhan ko para magkajowa na naman ako" agad na tumawa si ate thea pero napatahimik siya ng biglang umubo si ate shie at tumingin kay ameli na halos mabasag na ang plato.
" ehem amelia nagseselos ka ba? Wag kang mag alala sayo lang ako"
Kilala niyo naman siguro kung sino yung may topak diba? Napansin ko na napatigil si ate raine sa pagkain kaya agad kong pinatid si zera sa ilalim kaya napatingin siya sa akin at agad kong tinuro si ate raine gamit ang pagnguso.
" magpapahalik ka?" -zera, Grrrrrr.... Diba niya naiintindihan.
Magsasalita na sana ako ng tumayo si ate raine.
" they're here." At umalis na siya. Heh yun lang ang kakainin niya? Kaya siguro napakapayat niya. Hahahhahaha.
" I'm not thin it's called sexy sarai"
Agad akong napalingon ngunit nakita ko si atr raine na palaalis na. Waaaaahhhhh....akala ko ba umalis na siya? At paano niya nalaman ang iniisip ko? May kapangyarihan ba siya? Waaaahh...
" obvious na sa mukha mo sarai. Pagtayo palang ni bebe raine tiningnan mo na agad yung pagkain niya. Epic ng mukha mo kanina" sabi ni ate shie kyaahhh kakahiya.
Ganun na ba ako ka obvious? Huhu
Shiela pov:
Pagkatapos namin kumain at maglinis ng pinagkainan ay biglang may nag doorbell at may hint na kami kung sino yun. Kaya sabay kaming lahat na lumabas sa kusina maliban kay bebe raine na kakalabas lang ng room niya kay nagpahuli ako para makasabayan siya.
" nakita mo na ba ang newbie?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya at nauna na sa akin. Hayyy... Hanggang kailan kaya ako mag-antay sa kanya? Yeah, you heard it right. I'm a bisexual at gusto ko si Raine. I like everything about her lalo na yung pagiging cold niya. Para siyang gayuma sa buhay ko na parang hinihila ako, pag andyan siya parang hindi ako mapakali.
" okay ka lang?" Agad akong napalingon kay thea at tumango.
Nakita ko na may pumasok na itim na van. Siguro si head na yun saka yung bago.
Nang makapasok na ang van ay sinarado agad ni sarai ang gate. At lumapit sa amin. Kita ko pa na inaayos ni zera ang buhok niya, akala mo naman ikakagwapo niya.
" welcome home head" bungad ni raine kay head na tinanguan lang siya.
Ganun din ang ginawa namin kay head." musta na mga fersooonnnnn!"
Agad akong napatingin sa lalaki na kakababa lang sa driver seat.
" yow JL musta na pre!" Bati ni zera at agad na tinapik sa balikat si JL short for jhon lorrence.
" musta ka na?" Tanong ko ng tumabi ito sa akin.
" nag-aantay paden hahaha" napatawa nadin ako. Kahit paano masuwerte ako kase yung inaantay ko nasa tabi ko lang hindi tulad ni JL na walang kasiguraduhan kung babalik ba o hindi. Ghinost kase.
" nasaan na pala ang newbie?" Napatingin ako kay sarai ng sabihin niya yun ay siya ring pagbukas ng pintuan ng van at lumabas ang isang babae.
Zera pov:
Nakafocus lang ako sa babaeng bumaba mula sa Van. Sa itsura palang halata nang nahihiya siya. May katabaan, mahaba ang buhok na hanggang bewang, at manang manamit. Wala atang alam sa pagpili ng damit toh eh. Naka oversized pink T-shirt at napakaluwag na jeans at naka stinelas. Akala ko pa asing gwapo ko hahha
" guys, this is elly galvenez. Our new member" pagpapakilala ni head o calix sa bago.
Agad naman nilang binati si elly, lalo na si sarai na niyakap pa si elly.
" welcome dito elly sana mag-enjoy ka."-althea.
Napatango naman si elly.
" ang ganda zera diba?" At nag smirk sa akin si amelia kata napasimangot nalang ako.
Pumasok na kami sa loob at tinulungan ko na sila na maghakot nang gamit nila kase nga pogi ako.
Napakadami nilang dala ah. Parang buong gamit ata nila sa bahay dinala na.
" bat ganyan mukha mo pre! Hahahha" tanong ni JL na nasa tabi ko pala.
" wala pre! Akala ko kase maganda para jowain ko na" sagot ko sa kanya sabay kuha nung dalawang bagahe.
" yan kase puro ka maganda pero no worry pre, mabait yang si elly. Minsan ko na siyang nakausap at ang saya niya kausap ah."
"Talaga ba? Baka niloloko mo ko ah tapos mamaya bingi pala yan. Pansin ko kase kanina puro tango lang ang ginawa."
Totoo naman kase, kanina ko pa napansin na hindi siya nagsasalita.
" nahihiya lang yung tao pre" at kinuha na niya ang huling maleta at nauna nang naglakad sa akin kaya sumunod na ako sa kanya.
Hayyy, sana nga mabait yung kung hindi mada-damaged ang ka gwapohan ko.
1028 words
Thank you for reading my dear💜
![](https://img.wattpad.com/cover/323450465-288-k691547.jpg)
BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus
Teen FictionIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...