Her first pov
Elly pov:
Maaga akong naghanda para umalis sa tinutuluyan ko. Ngayon na kase ako susunduin ni head o calix para doon na manirahan sa bahay nila. I just meet them online at nasali ako sa gc nila. But now? Hindi nalang basta sa chat kami mag-uusap kase makikita ko na sila.
Si calix at yung jenelyn lang ang nakilala ko doon sa gc pero sabi ni calix madami na ang member dun kaso nasa main two lang , nasa main one kase ako.
" elly andyan na sa labas ang sundo mo" tawag ni manang mula sa labas. Kaya mas lalo pa akong nagmamadali.
Pagkatapos ay bumaba na ako at nakita ko si calix na nag-aabang sa akin sa sala. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya. Makulit siya sa gc namin pero mukha namang masungit sa personal kaya ngumiti nalang ako sa kanya na sinuklian niya ng tango.
"Manang aalis na po ako, mag-ingat ka po dito ah" sabay yakap ko sa kanya.
" ikaw ang mag-ingat elly,mamiss kita" at kumalas na ako sa kanya.
Muli kong tiningnan si manang na nakatayo sa may pintuan bago umandar ang Van at unti-unting lumalayo sa bahay.
Matagal na akong naulila mabuti nalang at nakita ko si manang. Tinulungan niya akong makahanap ng trabaho habang nangungupahan ako sa kanya. Napakabait niya sa akin.
" hi, ako pala si JL short for jhon lorrence" pakilala nung driver. May katabaan siya at ako den naman pero mataba siya ng kunti sa akin. Tumango lang ako sa kanya, nahihiya kase akong magsalita eh.
" wag ka mahiya sa akin, ano pala pangalan mo?"
" elly, Elly Galvenez ang pangalan ko JL" sagot ko sa kanya at nginitian siya mga slight na smile lang.
Yun lang ang usapan namin at naging tahimik ang buong byahe. Pati si calix ay tulog na tulog, hindi ata natulog sa bahay nila eh.
Matagal pa ang binyahe namin bago ko napansin na huminto si JL sa isang kulay black na gate at bumaba at may pinindot sa gilid. Door bell ata yun kase maya-maya ay may lumabas na babae na maliit. Mukha siyang bata eh. Payat na morena. Bumalik si JL sa sasakyan at pinasok ito at isa lang ang masasabi ko....ang laki ng bahayyy...
Nang makababa na sina JL at calix ay naiwan ako sa loob ng sasakyan. Kita ko pang binati nila si Calix ,at ako? Nanginginig na ako. Nang mapansin ko na napatingin sila sa gawe ko ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng Van at lumabas.
Kita ko ang bawat reaction nila. Pinakilala ako ni Calix sa kanila at binati naman nila ako na sinuklian ko ng tango. Nagulat pa ako ng bigla akong niyakap nung babae na bumukas sa gate kanina, at sarai pala ang pangalan niya.
Yung lalaki mukhang disappointed nang makita ako at sa pagkakadinig ko zera ang name niya. Yung isa naman inikotan ako ng mata at mukha siyang mataray ah. Yung isa naman ang siga kung kumilos at mukhang close sila ni JL at si sarai naman todo yakap sa akin at yung si Raine daw geezz... Ang lamig kung makatitig pero ang ganda niya ah uwu. Wait, waaaahgg baliw na ata ako!
" are you okay? Tara na sa loob" sabi ni calix at pumasok na kami sa loob. ghaddd ang gandaaa.
" wag kang mag-alala ate elly kase dun ka sa kwarto ko matutulog hehe wala naman akong kasama saka malaki naman yung kama" sabi nung sarai kaya tumango lang ako. Mas mainam nadin yun kase mukhang masungit yung iba.
"Did you eat?" Rinig kong tanong ni raine na nasa likod ko ata base sa boses niya. Siguro si calix ang kausap niya.
" I'm asking you" nang sabihin niya yun ay agad akong napatingin sa kanya ang ghaaaddddd sa akin siya nakatingin.
" a-ah opo, kumain na po ako" bat ako nauutal? Heh! Kalmahan mo elly.
" saan namin ilalagay ang gamit niyo?" Tanong ni JL at tiningnan ako.
" sa kwarto ko na kuya JL, tabi kami ni ate elly matulog" at agad namang pinasok nina JL at zera ang mga gamit ko. Nakakahiya kase mabigat ang mga yun.
Pinaupo nila ako sa sofa. Katabi ko si sarai at thea, balr napapagitnaan nila ako at katabi naman ni thea yung amelia at kaharap namin sina calix , Raine, shie at zera habang nasa single sofa naman si JL, may lamesa sa pagitan namin. May meeting daw kase at para ipaalam sa akin ang mga rules.
" elly, kilala mo naman ata silang lahat diba? At mukhang hindi ko na kailangan na ipakilala pa sila sayo. May mga rules tayo dito sa bahay. Una, bawal ang mag-away. Kailangan natin respetuhin ang bawat isa, kung may mga problema o reklamo ka.elly pede mong sabihin sa akin. At panghuli, kailngang sundin ang rules "mahabang pahayag ni calix. As in yun lang? Ang dali lang pala ng rules nila.
" look easy right?" Agad naman akong napatingin kay raine. Ganyan ba talaga siya ka cold? Heh sayang ang ganda pa naman niya.
" ah Oo, madali lang po yan raine. Marunong naman akong sumunod ng rules " kung hindi ako tutupakin haha.
" okay, magpahinga ka na muna elly. Mahaba din ang naging byahe natin" ani JL. Tama siya , nakakapagod nga ang buong byahe.
" magpahinga ka na Elly, malay mo di ka na magising" at umirap pa si amelia. Ang sungit niya.
" ano ka ba naman Amelia!...wag mo na siyang isipin elly, magpahinga ka na. Si sarai na ang bahala sayo" ano thea
" tara ate" at agad niya akong hinila.
Nang marating namin ang room niya ay agad akong humiga sa kama. Sobra akong napagod sa byahe kanina. Di ko naman inakala na ganito pala kalayo ang bahay ng gamus.
And yes this is the name of the family La Familia De Gamus, and this is my family now.
And sana maging mabait sila lalo na yung amelia. Alam ko na dito ko na mahahanap ang kasiyahan ko na hindi ko kailanman naramdaman pa.
" sleep kana muna ate elly ah. I'll wake you up nalang pag kakain na nang hapunan" nabalik ako sa realidad nang magsalita agad si sarai. Akala ko lumabas na siya?
" sige sarai, salamat" at lumabas na siya sa kwarto ,at ako? Matutulog na!!!!Zzzzzzzzzz.......
1055 words
Thank you for reading dear💜
BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus
Teen FictionIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...