Elly:
Isang linggo na ang nakalipas mula noong mangyari ang bakasyon. Nahuli na nila ang tatlong lalaki na nakasagupa ni calix, sabi niya sila na daw ni raine ang bahala.
Ito ako ngayon papasok na sa school. Mag isa lang ako dahil dinaanan ko pa si manang kanina pero sabi nung kapit-bahay niya na wala ma raw siya doon. Hindi ko alam kung nasaan siya pero sabi nung nakausap ko na pinapasabi daw ni manang na wag akong mag-alala sa kanya.
Habang naglalakad ako papuntang classroom ay may narinig akong bulung- bulongan about sa "exchange student" galing Asuncion University. Ang Asuncion University ay ang pumapangalawa sa LFDG University. Matagal ko nang naririnig ang pangalan nang paaralan pero hindi naman ako interesado kaya di ko na pinagtuunan nang pansin.
Nang makapasok ako sa room ay nakita na ako nang iba. Si Christine ang unang nakapansin sa akin.
" Good morning elly" sabi niya kaya binati ko din siya ganun na rin ang iba.
Maya-maya pa ay agad pumasok si miss Alexian kasama ang isang babae. Siya ata ang exchange student dahil na din sa kakaiba niyang uniform.
" As you can see, we have a new guest here in our section. Lemme introduce you Miss Elaine Asuncion, the exchange student from Asuncion University"
" Elain Asuncion- what the... Ikaw ang anak nang may ari?" Pag re-react agad ni coleen. Hindi ko agad inalis ang tingin ko sa babae. Nakita ko ang simpleng pagtango niya.
" You can ask her whatever you want. May binigay na akong sheets sa inyo at yun ang sagutan niyo for two days." At nagpaalam na si Miss Alexian.
Sa harap mismo umupo si Elain pero mas pinili niya na sa likod. Agad kong kinuha ang sheets na binigay ni Miss Alexian para sana simulang basahin kaso hindi ko maiiwasan na makinig sa kanila.
" So bakit ikaw ang naging exchange student?" Tanong ni jl kay elaine. Kahit hindi ko kita, alam ko na nag boses nila.
" My mom decided na ako ang ipapadala dito kase ,.she know that I am the best student in our university. Plus, i am.tje daughter owner. So normal things." Ani niya. Masyadong mahangin.
Nag- usap pa sila nang kung ano-ano hanggang sa mag lunch break na. Hindi na gaya noon, hindi na ako sumasabay sa kanila. Mas pinili kong kumain sa likod nang school kung saan may isang puno na nakatayo roon.
" Elly! Sabay ka na sa amin!" Tawag sa akin ni jen.
" Sorry, pero hindi muna ngayon"
" Elly naman, sama ka na. May newbie na kasama oh"
" Pero-"
" No buts, sasama ka elly"
Hindi na ako nakatanggi at sumama na sa kanila. Dinaanan muna namin si Sarai. Hindi na nakasama si Raine dahil may emergency meeting daw siya. Ganun ba talaga pag mayaman? Palagi nalang busy?
Hindi na namin kailangan na humanap pa nang upuan kase kapag nasa random section o gamus section may naka-reserve na kaagad.
Umupo na kami at dahil wala si Raine, si Elain ang umupo sa upuan niya na ikinagalit ni Shie. Buti nalang at naawat siya ni Calix at isinama na lang sa pagbili nang makakain.
" Wala na bang iba calyo kundi puro gulay?" Umuusok na tanong ni jen at amber .
" Sa gwapo kong toh tol gagawin mong kambing?" Singit ni zera at sinuklay pa ang buhok niya. Natawa nalang ako sa kanya ngunit nawala din nang mabaling ang tingin ko sa kanya. Ang creepy nang ngiti na iyon.
" May problema ba elly?" Tanong ni lily. Agad ko siyang tiningnan.
" Wala, natatawa lang ako sa kanila " sabi ko.
" Masanay ka na talaga. Buang ang mga yan"
" ANO!!!" Sabay-sabay nilang sabi pati sina micz at tine na nanahimik ay nakisali. Imbes na pagtuonan sila nang pansin ay kinain ko na lang ang binigay nija Calix at Shie.
Pagkatapos namin kumain ay nagpahuli akong bumalik sa room dahil pupuntahan ko pa ang favorite spot ko.
Pagdating ko sa likod nang building ay nagulat nang makita ang daming basura.
" What the- Anong nangyari dito???"
Wala naman toh kahapon noong umalis ako at saka sinugurado ko na malinis ang lugar. Haist... Kung sino man ang may kagagawan nito ang kalikasan na sana ang magparusa sa kanya.
Mabilis kung nilinis ang kalat. Madumihan pa ako nang biglang nahulog ang isang cup na may laman palang chocolate. Pagkatapos kung mag linis ay dali-dali akong pumasok sa room.
" Anong nangyari sayo elly? " Tanong agad ni JL nang makapasok ako. Kita ko ang pah ismid niya sa akin nang mabaling sa kanya ang tingin ko. Ayaw ba niya sa akin?
" What happened to you elly!?" Agarang tanong ni Elain nang napadaan ako sa likod niya. Sa likod nalang ako dumaan para hindi masyadong center of attention.
" Naglilinis kase ako kanina tapos biglang tumalsik yung chocolate sa damit ko" sabi ko sa kanya at umalis na.
" Anyare diyan bakla?" Tanong ni yves sabay turo sa damit ko.
" Bakla?"
" Shunga! Yan na tawag ko sayo ackkla" nakangising sabi niya. Minsan di ko alam kung lalaki ba siya o bakla. Hirap niyang basahin.
" Di naman ako bakla gaya mo ah kaya bakit mo ko tatawaging bakla? "
" Dami mong eme, basta bakla na tawag ko seyo sa ayaw at want mo. Gets mo akesh?" Agad nalang akong tumango. Wala na din naman akong magagawa kung hindi ako papayag.
Kinuha ko nalang ang sheets na pinapasagutan ni Miss Alexian. Maayos naman akong nagbasa hanggang....
" ELLY!" Biglang sigaw nang kung sino kaya agad akong napalingon sa pinanggagalingan nang boses. Huli na nang maiwasan ko ang isang lumilipad na notebook. Wait- kelan pa nagkaroon nang pakpak ang note- aww ang sakit!
" Elly ayos ka lang?" Agarang tanong ni micz nang makalapit sa akin. Medyo masakit yun ah...
"A-ayos lang ako" sabi ko kahit alam kong hindi. Sino ba naman ang magiging ayos kapag sapol sa mukha!
" Owemjie her nose! Look! It's bleeding!" Tili bigla ni Elain at agad naman naglapitan lahat sa akin wearing their worried look. Napakaswerte ko talaga na mayroon akong pamilya at kaibigan na gaya nila.
Agad akong inalalayan ni Calix papunta sa clinic dahil pinatawag daw siya ni Dean Nest.
" Ate Paris, ikaw nalang po ang bahala sa kanya" sabi ni calix dun sa babae na kaedad lang din namin. Nasa clinic na kami. Kita ko na tinanguan lang siya nang babae at pagkatapos ay lumapit na sa akin.
" Pupunta muna ako sa Dean office. Sensya na elly sa nangyari sayo" sani niya. Nakokonsensya naman ako sa sinabi niya kaya kinalabit ko siya.
"Hmm?"
"W-wala yun l-lix. Alam ko naman na aksidente lang" ani ko habang pinupunasan nang tissue ang aking mumunting ilong.
Nagpaalam na si calix sa akin kaya naiwan akong mag-isa kasama si nurse paris ata...
May pinainom siya na gamot sa akin at nilagyan niya nang malamig na bagay ang ulo ko at tumingala ako para magtigil ang pagdaloy nang dugo at effective naman.
Pagkatapos niya akong gamutin ay umalis nadin siya agad. Hindi man lang nakikipag kwentuhan sa akin!
1164 words
Thank you for reading and supporting dear
Kindly comment for your opinion about this story! Thank you 😊
BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus
Teen FictionIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...